CHAPTER 4

444 27 67
                                    

Chapter 4

Ken's POV

Nagdidiwang na siguro si ma'am dahil ilang araw na akong walang paramdam sa kaniya, no joke. Naging busy kasi ako dahil sa trabaho kaya hindi ko maharap ang issue naming dalawa.

Pero ngayong may oras na ulit ako, hindi ko na siya tatantanan.

Kainis. Imbis na natutulog sana ako ngayon sa condo, inaasikaso ko pa 'to. Hindi ko naman magawang magalit sa kaniya ng buo dahil may parte na kasalanan ko rin ang nangyari.

Gamit ang brand new kong kotse ay pumunta ako mag isa sa university na pinag ta-trabahuhan niya. Alam kong medyo imposible at hindi magandang move ang naisip ko pero tsaka na lang ako mag le-level up once na hindi gumana ang plan A ko.

Yeah, I have a car now. Kasama sa new year's resolution ko ang magkaroon ng lisensya at kotse. And I guess, deserve ko naman.

Pumarada ako sa harap ng entrance at exit ng university tsaka ko maingat na tiningnan ang bawat teacher na lumalabas doon. Kung may sarili naman siyang kotse at hindi ko siya mahaharang o masusundan man lang, edi malas, switch to plan B.

Naiinip na ako kahit na limang minuto pa lang ang lumilipas. Inaantok ako.

Napalingon ako sa kotseng oumarada sa harap ng kotse ko, ilang metro ang layo sa 'kin. Lumabas doon ang isang lalaki na naka light blue na polo at itim na slacks. Tumawid siya sa kabilang gilid kung nasaan ang eskwelahan, para bang may hinihintay.

Huminga ako ng malalim at napakamot ng ulo. What if nakauwi na pala yun? Tangina, ang malas talaga.

I leaned my back on the backrest and sighed deeply. I was about to close my eyes because of drowsiness when the man I saw earlier caught my eye. May babae siyang kausap ngayon, a teacher to be exact, and he looks mad while gripping the teacher's arm.

The teacher on the other hand is fighting that man. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin ang buhok niya. Long braided hair. Her physical body, it's also familiar. Siya ba yun?

Umangat ang isa kong kilay nang makumoirmang siya nga ang teacher na yun, at sino naman ang lalaking 'yon?

Matapos ng ilang minuto nilang pag aaway ay sumakay na si ma'am sa jeep. Mukha namang nagalit yung lalaki, nagmamadali siyang tumawid at punaandae ang kotse tsaka sinundan ang sinasakyan ni ma'am.

Ayaw kong makisali sa kung ano mang problema niya pero this is the right time to follow her and talk to her. Kaya iyon ang ginawa ko. Hindi ko ipinahalata sa kotseng sinusundan ko na sinusundan ko siya. I kept a few distance from his car until he stopped in front of a small cream colored, jail like gate. Doon siguro nakatira si ma'am.

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago lumabas ng kotse. I made sure to wear my mask and my hood to hide my face as well as my hair color. May ilang tao kasing dumadaan sa paligid.

Nasa tapat pa lang ako ng gate ay dinig ko na ang usapan ng dalawa, they are both angry, hindi ko nga lang maintindihan ang context ng pinag aawayan nila.

"Ano ba?! Nasasaktan ako!"

Doon na ako napasilip sa kung ano ang nangyayari. Gaya kanina sa tapat ng eskwelahan, hawak na naman niya ang braso ni ma'am. Namumuro na siya. Kahit ano pa ang pinag aawayan nila, hindi pa rin dapat niya ginagawa 'yon. Babae yung kausap niya eh.

"Tom! Bitiwan mo 'ko! Tatawag ako ng pulis!"

It's getting serious now.

Alam kong hindi dapat ako makisali sa gulo nila pero hindi naman ako duwag at walang kwentang lalaki para hindi ipagtanggol si ma'am mula sa lakaking 'yon. Kaya bago pa man may mangyaring hindi maganda ay pumasok na ako sa gate at mabilis silang nilapitan.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Where stories live. Discover now