CHAPTER 16

480 31 51
                                    

Chapter 16

Ken's POV

Nakatakip ang kamao ko sa bibig ko habang nakikitawa sa usapan nila tita. Dumating na yung food fifteen minutes ago at sabay-sabay kaming lahat na kumakain habang na ku-kwentuhan.

The steak tastes good but I prefer the sides like fries. Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong klase ng pagkain. Sa tingin ko nga eh hindi ko 'to mauubos. Nakakahiya naman kung hindi ko uubusin. Pwede kaya 'to i-take out?

I felt my phone vibrated inside my pocket. Pasimple kong dinukot ang phone ko para tingnan kung sino ang tumatawag. When I saw Kael's username, my eyebrows furrowed. Hindi niya ugaling tumawag sa 'kin. Tumatawag lang siya pag may importante siyang kailangan. Kaya medyo nagtaka ako. Did something happened? May nanggulo ba sa kaniya sa jeep? May nakakilala ba sa kaniya?

Tumitingin ako kina tita, naghahanap ng pagkakataon para i-excuse ang sarili para sagutin ng tawag. Malamang kasi ay importante ang dahilan ng pagtawag niya kaya kailangan ko itong sagutin.

"Uhm, tita, tito, excuse me po. Sagutin ko lang po saglit 'tong tawag. Sorry po." Magalang kong paalam.

"Oh sige, it's okay. Go answer it." Mabait at malambing na sagot ni tita.

"Thank you po."

Dali-dali along lumabas sa private room na nirentahan nila at patakbong dumiretso sa banyo. Doon ko sinagot ang tawag at agad na nagsalita.

"Hello?"

Ilang segundong katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya hanggang sa nakarinig na lang ako ng iyak.

[Ken...]

It was Kael's strained voice calling my name. Her voice sounded scared, it was trembling. Humigpit ang hawak ko sa cellphone dahil sa kabang nararamdaman.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Asan ka na ba? Nakauwi ka na?" Sunod-sunod at medyo aligaga kong tanong.

Hindi siya sumagot. Puro iyak at paghikbi lang ang naririnig ko mula sa kaniya.

"Kael," tawag ko sa atensyon niya pero hindi pa rin ako nakakuha ng sagot. Mas lalo tuloy akong nag alala, baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. "Kael, asan ka? Kailangan mo ba ng tulong?"

Tsaka ko lang ulit narinig ang boses niya.

[Yes... Please...] Bulong niya, nagmamakaawa. [N-Nasa apartment ako.]

I nodded. "Wait for me." Then I ended the call.

Hindi na ako natanong pa ng ibang detalye sa kung anong nangyari. Habang tumatakbo ang oras, may posibleng mangyari kay Kael doon. Nagmamadali akong bumalik sa private room. Tumingin agad silang lahat sa akin. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at nagpaalam na agad.

"Kuya Mav, tita, tito, I have to go. May emergency po kasi." I said with seriousness both in my voice and expression.

Mukhang napansin naman nila Mav ang pagka-seryoso ko. Though they all looked worried and wanted to ask what happened, they just told me to go and be careful. Nagpasalamat naman ako bago ako tuluyang umalis.

Habang naglalakad ay sinusuot ko ang mask at hood ng suot ko. Bawat hakbang ko ay malaki at mabilis. When I got to my car, I looked around first to make sure no one's following me around before driving. Nagmadali ako pero maingat pa rin.

I parked my car in front of the gate of Kael's apartment compound. Bago ako bumaba sa kotse ay luminga muna ulit ako sa paligid para masigurong walang sumunod sa akin. Mabilis akong lumabas sa kotse at patakbong pumasok sa gate. Napahinto ako sa pagtakbo dahil sa nadatnan.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant