CHAPTER 28

792 27 169
                                    

Chapter 28

Kael's POV

Nang matapos na ako sa pag aayos ng gamit ay bumalik ang tingin ko kay Ken. Naabutan ko siyang salubong ang kilay at nakatingin sa cellphone ko. I don't know why but I suddenly felt nervous.

I sat on the edge of the bed and took my phone away, he then looked at me with still the same expression.

"Ano yun?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa cellphone ko.

"Uhm, wala, eme lang ng page." Sagot ko.

"Bakit may picture ka do'n?" He looked at me this time.

I shrugged. "Ewan ko ba kung saan nila nakuha." Imposible namang na-screenshot nila o ano, hindi naman 'yon inupload ni Jom. O baka hindi ko lang nakita?

"Sino yung… kasama mo?" Medyo mahina niyang tanong. Sumandal siya sa bed rest at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Estudyante mo?"

Tumango ako at pasimpleng lumunok. "Oo,"

Hindi na siya nagsalita, sa halip ay tiningnan lang ako. Kaya ako na ang nagpaliwanag.

"That was one of my students. Picture namin 'yon nung birthday ko. Hindi lang naman siya ang may picture sa 'kin, maraming estudyante ang may picture na kasama ako. Hindi ko alam kung paano nila nakuha 'yan tsaka kung bakit ginagawan nila ng kwento pero hindi naman na bago sa 'kin yung mga issue na 'yan. Ilang beses na akong nagkakaroon ng tsismis sa school." Paliwanag ko.

"Hmm," he simply hummed, still looking at me with a blank face. "'Yan ba yung nagsabay sa'yo noon sa kotse?"

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. "Ha?"

"Dati, nung umuulan."

Sinubukan kong alalahanin ang tinutukoy niya. Was that the time that we were still at his old condo? Nakita niya yun?

"Ahh, oo, siya nga." Sagot ko. “Nakita mo pala ‘yon?”

“Hindi ako umaalis hangga't hindi ko nakikitang pumasok ka na sa gate.”

Umiwas ako ng tingin at itinago ang namumulang pisngi.

"Nanliligaw sa'yo?"

Umiling agad ako. "Hindi! Hindi ah. Kasasabi ko lang na tsismis lang yun." Pinagkrus ko rin ang braso ko. "Bakit ba tinatanong mo? Galit ka?"

"Curious lang," sagot niya. He stood up and went out of the room with the towel in his hand. Pagbalik niya ay pinatay na niya ang ilaw at nahiga na. "Pakipatay na lang yung lamp shade." Then he turned his back on me.

I frowned while looking at him. Luh, nagtampo? Akala ba niya magpapakarat ako sa kaniya kung may nanliligaw sa 'kin? I mean, yes, I know that Jom has feelings for me, pero hindi naman talaga niya ako nililigawan.

I honestly don't know how to tell Jom about this. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na... na hindi ko kayang ibalik sa kaniya ang paagmamahal niya. I've been thinking about it for a while now. I don't want him to feel awkward around me, lao na at madalas pa naman kaming nagkikita at nagkasalubong sa eskwelahan dahil hindi naman iyon maiiwasan. Pero ayaw ko na rin namang umasa pa siya sa akin. Kasi nandito na si Ken…

I sighed as my expression softened while looking at Ken's back. Nandito na siya, he's a part of my life now. I don't want to be unfair with him. We may not be officially tied with each other, but he already holds a special place in my heart.

I suddenly received a message from Jom. Gaya noong unang beses kaming nagkaroon ng issue ay nag sorry ulit siya. He also said that he didn't know how that photo of us got publicized. He said he only posted it on his private Instagram. I assured him that it's fine and it's not his fault.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora