CHAPTER 43

403 20 47
                                    

Chapter 43

Kael's POV

Sobrang daming nagyari ngayong araw, hindi pa rin nag si-sink in sa akin lahat. I can't believe that I am now in a hospital with a bandage on my left arm after getting shot by that obsessed bitch.

Except for that, ang isa pa sa hindi ko inexpect na mangyari ay ang biglaang pag amin ni Ken na mahal niya ako. Nakakakilig, syempre, nakaka-touch at the same time. I didn't even expect that he's been calling me love since he started using the endearment Ai. Akala ko kasi noon bisaya yun.

"Nahuli na siya,"

Bukod sa I love you ni Ken, isa pa sa mga pinaka masarap sa pandinig ang mga salitang binanggit ni ate Leah. After so many months, nahuli rin siya sa wakas.

"Mabuti naman," Ken said with sarcasm in his voice. "Dapat nga matagal na siyang nahuli." Halata ang pagka-irita niya.

"Nakatulong ang quantity ng mga pulis ngayon dahil na-corner siya. Nasa station na siya ngayon at ininterrogate pero hindi siya sumasagot."

"Ano raw yung pangalan niya, ate?" Tanong ko.

"Hindi pa namin alam since hindi nga siya sumasagot o namamansin. Wala siyang gamit na kahit ano, baril lang ang dala niya. But she has short red hair with bangs, 5 '4 I guess, and medyo maputi. Hindi naman familiar sa 'kin ang itsura niya. I don't think I've seen her anywhere." Paliwanag ni ate.

"Short red hair?" I asked with confusion. Nagkatinginan kami ni Ken. "May lagi akong nakakasabay noon sa elevator, doon sa dati mong condo. Short red hair, lagi rin siyang naka mask at may dalang itim na back pack. As far as I remember, her name is Gail."

"Hindi ko alam kung iisang tao lang ba yung tinutukoy natin pero may babae rin akong laging nakakasalubong sa dati kong condo. Itim naman yung buhok niya, lagi niya rin akong nginingitian." Ken shared too.

"If that's the case, then she's really obsessed with you. Grabe, ganun pala siya kalapit sa'yo. That's creepy." Komento ni ate Leah. "Pwede niyo naman i-confirm once na nakita niyo na siya."

"Pwede po namin siyang puntahan sa kulungan?" Tanong ko.

"Oo naman. Kailangan din ng statement niyo doon. Pero next time na lang, pag bumalik na yung lakas mo."

Tumango ako at ngumiti.

Pare-parehas kaming lumingon sa pinto nang may mahinang kumatok doon. Bumungad si Stell na may birbit na supot at dalawang bote ng mineral water.

"Oh, eto na, fried chicken. Gabi na kasi kaya naubos na yung ibang ulam. Kumain ka na ah." Aniya habang inaabot kay Ken ang pagkain.

"Thanks," Ken said with a smile.

Tuwang tuwa 'yan for sure, Manok ba naman. Abot tenga ang ngiti niya habang binubuksan ang pagkain niya.

"Manok, Ai." Alok niya. "Ay," he said like he just realized something before covering his mouth with his hand.

Pinilit kong itago ang ngiti ko pero hindi ko na napigilan. "Sige," sagot ko na lang. Si ate Leah at Stell naman ay mukhang naguguluhan.

"Ano daw?" Stell asked ate Leah. Ate shrugged on the other hand.

Nagpalitan na lang kami ni Ken ng tingin habang may kakaibang ngiti sa labi.

Pinauwi na ako ng doktor after a day of staying in the hospital. Niresetahan ako ng mga gamot at tinuruan din kung paano linisin ang sugat ko. Ken was so patient and caring with me. He always asks how I'm feeling, he always tries to make everything easier for me.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon