CHAPTER 36

511 26 117
                                    

Chapter 36

Kael's POV

I didn't expect Ken to confess that night. Kaya pala parang wala siya sa sarili these past few days. Akala ko dahil iyon sa bago niyang kanta at dahil na rin pagod siya, may iba pa pala siyang iniisip.

My heart was partying in happiness when he said that he likes me, that he doesn't want us to be friends only anymore, that he wants more. Alam ko sa sarili ko na kakaiba na ang nararamdaman ko para kay Ken at natatakot lang akong umamin dahil may pagamba pa rin sa puso ko. But when he said those words, I was relieved.

I was happy knowing that we both feel the same. Masaya ako na hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng kakaiba. Kung wala lang talagang problema, kung wala lang ang babaeng 'yon, hindi na ako magpapakipot pa.

But since I was worried about Ken's safety, also for his friends and anyone close to him, I'd rather wait for the right time. Oo, alam kong pwede naman naming isikreto ang relasyon namin, pero sabi nga, walang sikretong hindi nabubunyag. And once that the obsessed girl finds out, she'll probably get furious and we don't know what she could do. She might do something worse, at ayokong mangyari 'yon.

After all this shit, once all of the problems have come to an end, I promise, I will give you everything you deserve, babi. I will give you the love that you deserve.

Nagising ang diwa ko nang makaramdam ng marahang paghaplos sa braso ko. When I opened my eyes, I saw Ken. Nakabihis siya ng pang alis at may nakasabit na belt bag sa balikat.

"Aalis ka na?" Tanong ko sa garalgal na boses.

"Hmm,"

"Ang aga naman ata?" Nag inat ako.

"Tatapusin na kasi namin ngayon yung mga kanta. Tsaka mag co-conceptualize pa kami ng lyric video." Yumakap siya sa 'kin at humalik sa pisngi. His breath smells minty. "Bye, I have to go. Ingat ka dito. Chat kita pag nakarating na 'ko."

"Sige, ingat sa pag da-drive, dahan-dahan lang." Paalala ko.

He kissed my lips for a second before putting on his mask. Kumaway pa ulit siya bago tuluyang lumabas ng kwarto. When I checked my phone, it's almost ten in the morning. Huh, I thought it's still early.

I was naked when I went to the bathroom. Yep, a bedquake happened last night that's why I woke up late.

...

Ken's POV

Nag message ako kanina kay Ai, I told her I was about to go home. Hindi niya nabasa ang chat ko dahil hindi siya online. It's currently nine in the evening so I assumed she's preparing to sleep.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa elevator ay nag chat ulit ako sa kaniya. She still wasn't online. Medyo nakakapagtaka lang. Nag rereply naman kasi siya kani-kanina lang.

Nang makapasok na ako sa unit ay naabutan ko siya sa sofa. Naka baluktot ang mga binti sa ilalim ng katawan niya at tila siya pagong sa pwesto niya. I took off my shoes before approaching her.

"Ai," hinaplos ko ang likod niya. "Anong nangyari sa'yo?" Alala kong tanong.

"Masakit yung puson ko," she sounded in pain.

Oh, she finally had her menstruation.

"Nagkaroon ka na pala. Ibig sabihin gumagana yung mga iniinom mo?"

She hummed.

"That's good,"

She whined. She sounded like a crying kid. "Ang sakit nga eh. Ayaw ko na. Kung pwede lang tanggalin yung uterus ko eh!" Reklamo niya.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Where stories live. Discover now