CHAPTER 18

437 25 22
                                    

Chapter 18

Madilim ang langit at basa ang bintana nang magising ako, umuulan. Nakakatamad tuloy bumangon.

Pinilit kong gisingin ang sarili ko dahil kailangan kong pumasok sa trabaho. After fixing Ken's room, I readied my things and prepared a simple meal. Wala na akong oras magluto dahil maaga ang pasok ko ngayon kaya nag tinapay at mainit na kape na lang ako. Isa pa, wala na rin akong makitang mailuluto dito. Nagpainit naman ako ng tubig at nilagay sa thermos incase na gustong mag kape ni Ken.

He's still sleeping on the couch, mukhang masarap ang tulog niya. Nakadapa siya at nakalaylay ang mga braso sa ulunan niya. Balot din ang katawan niya ng kumot hanggang sa likod. Base sa nakikita ko, wala siyang suot na pang itaas.

Maingat kong hinuhugasan ang pinakapehan ko dahil baka magising siya. Paglingon ko sa kaniya, ayun, gising na nga. Nakaupo na siya at nagmumuni-muni habang nagkakamot ng batok. Naghikab pa siya habang tulala bago sinuot ang hoodie niyang itim.

"Bakit ang aga mo?" Dahil kagigising niya lang, sobrang baba ng boses niya at garalgal pa.

Have I mentioned before that low, deep voice is one of my weaknesses? Plus, his unfixed hair, pouty lips, and sleepy eyes still makes him look gorgeous. Hindi ko lang ipinapahalata pero sa araw-araw na naaabutan ko siyang gumising ay may hindi mapakali sa loob ko.

"Uhm," I snapped. "Seven to seven kasi ako tuwing Thursday."

"Seven ng gabi?"

I nodded. "Oo,"

"Damn, may ganun pala talaga sa college." Bulong niya.

"Oo. Kaya if may gagawin ka mamaya, okay lang kahit hindi mo na ako sunduin."

"Okay lang, susunduin pa rin kita."

I smiled. "Sige,"

Pagkatapos kong gumayak, naayos na rin niya ang sarili. Sumilip muna kami sa bintana para tingnan kung umuulan pa ba. And yes, it's still raining.

"Sabay na lang tayo." Aniya.

"Huh? Eh paano yun? Baka umaaligid lang siya sa 'tin."

"Wala tayong choice, kaysa naman sa maghintay ka pa sa labas, medyo malakas yung ulan."

"May payong ako." Pinakita ko sa kaniya ang maroon na foldable umbrella ko.

"Mababasa ka pa rin diyan, naka uniform at black shoes ka pa naman."

"Eh anong gagawin natin?"

"Sabay na lang tayo." Nilahad niya ang kamay niya sa 'kin para kunin ang bitbit kong bag at laptop. Binigay ko naman agad iyon sa kaniya. "Tara,"

Nagsuot na siya ng cap at mask. Siya ang unang lumabas para i-check ang paligid. Once it's clear, pinalabas naman niya ako tsaka nilock ang pinto. He put his palm on my back and guided me to walk while still taking short glances around.

Dumiretso kami sa elevator, pinindot niya ang ground floor kung nasaan ang parking. Safe naman kaming nakarating sa kotse niya. Thanks to him, hindi ako mababasa papasok ng school dahil hindi ko na kailangan mag commute.

"Sa tapat na kita ibababa." Aniya nang malapit na kami sa campus.

"Ha? Wag na, kahit dun na lang ulit sa dati. Ambon na lang naman. May payong naman ako."

Hindi na siya sumagot at sa halip ay sumunod na lang.

"Text mo lang ulit ako pag may napansin kang something, tsaka pag uuwi ka na." Aniya bago ako bumaba.

I nodded. "Thank you. Ingat sa pag da-drive." I waved at him before closing the door. "Bye!"

Maingat akong naglalakad dahil baka matalamsikan ng tubig at putik ang pants ko. Papasok sa campus, isang pamilyar na kotse ang huminto sa harap ko. Bumaba ang salamin ng shotgun seat at bumungad sa 'kin si Lour na malawak ang ngiti.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Where stories live. Discover now