CHAPTER 33

489 24 56
                                    

Chapter 33

Kael's POV

Tsaka ko lang naramdaman ang sakit ng pagkakabugbog ng katawan ko kinabukasan nang magising ako. Sa sobrang sakit ng katawan ko ay hindi ako makagalaw nang maayos. Si Ken tuloy ang gumawa ng lahat ng gawaing bahay.

Nagpapahinga naman siya ngayon sa sofa habang nanonood ng anime kaya pinuntahan ko siya doon. Sumandal ako sa dibdib niya, sa pagitan ng mga hita niya.

"Masakit pa rin katawan mo?" Masuyo niyang tanong

"Hm-mm," I hummed.

He sighed and caressed my arms. I felt him kiss the top of my head, making me smile.

"Nakakainis lang, laging nakakalusot yung babaeng 'yon." Halata sa boses niya ang iritasyon. "Ilang beses na niyang ginagawa 'to. Kailangan na niyang mahuli para hindi na siya makaulit."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Mahuhuli rin siya." I assured him.

"Tagal naman kasi eh. Ilang buwan na yun."

"It's not as easy as it looks like, baby boy. Mahuhuli rin siya, at mabubulok na siya sa kulungan. Kung hindi man, sa mental na lang."

"Sana nga," he sighed again. "Sorry..."

"Bakit? Hindi mo naman kasalanan."

"Kahit na... ako pa rin yung dahilan." Mahina niyang tugon.

"Babi, siya ang may problema, siya ang may kasalanan, hindi ikaw, hm?" I caressed his cheek. "Don't worry about me. I'll be fine."

Hinigpitan niya ang yakap sa akin at hinalikan pa ako sa sentido. Pumikit naman ako hanggang sa dalawin na ako ng antok. When I woke up, he wasn't on the sofa. Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina. Judging by the smell, it's the dish that I cooked before that immediately became his favorite. Mukhang pinag aaralan na niyang lutuin.

Nagtagal ang pananakit ng katawan ko sa loob ng tatlong araw. At sa loob ng mga araw na 'yon ay laging nakaalalay sa 'kin si Ken. He's very gentle and caring. Tuwing naaabutan niya akong nahihirapang bumangon, tumayo, o maglakad ay magmamadali siyang puntahan ako para alalayan, tsaka niya tatanungin kung may kailangan ba ako.

Sa loob din ng mga araw na 'yon ay bumubuo kami ng statement na ipopost namin ni Jom sa kani-kaniyang account. Medyo humuhupa na ang issue pero mabuti na yung malinis namin ang pangalan namin at ang pangalan ng university.

"Ai," Ken suddenly called when he entered the bedroom. Patulog na kasi kami.

"Hm?"

Tumabi siya sa 'kin. "May fan signing event ako next month." Balita niya.

I smiled. "Oh, congrats! Sold out 'yan for sure."

"Punta ka?" He asked with a little smile, hoping for a good answer.

"Hmm, kung pwede, why not?" I shrugged.

He smiled more. "Sige, sabihin ko kay ate Leah."

Agad niyang kinuha ang cellphone niya at nag type doon. Ngumiti naman ako habang pinapanood siya. If you want me to be there, I'll be there.

We were currently cuddling each other. Mas mababa ako sa kaniya kaya dibdib niya ang nasa harap ko.

"Babi?"

"Po?" He asked in a low, throaty voice.

"I'm thinking of working in another school."

He didn't talk for a second.

"Ayos lang, kung okay lang sa'yo. Tsaka para na rin maiwasan mo na yung sunod nang sunod sa 'tin. Imagine, nakapasok pa siya sa university niyo kahit na bakasyon na." He answered.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Where stories live. Discover now