CHAPTER 7

636 24 59
                                    

Chapter 7

Thursday. Ang pinaka ayaw kong araw sa buong linggo dahil puno ang sched ko mula 7AM hanggang 7PM. Ang tanging break ko lang ay ang lunch break na 12PM to 1PM. Gabi pa lang ng Wednesday ay pagod na ako para sa kinabukasan.

I haven't heard from Ken since our last chat. Madalang ko lang din siyang naaabutang mag online sa Instagram. Malay ko ba kung bakit. Kailangan ko pa bang usyusohin 'yon?

I was checking my excel while eating lunch, sa faculty room. Ma'am Nads went out to buy her lunch at the cafeteria pero pabalik na rin yun.

"Ma'am, oh."

I looked up to see ma'am Nads approaching while handing me an iced coffee that I asked her to buy for me.

"Thank you, ma'am." I said with a smile as I took it from her hand.

Pumwesto na siya sa desk niya na nasa kaliwa ko at inayos ang kakainin.

"Uy, ma'am, alam mo ba?" Bigla niyang tanong.

Ngumunguya ako nang lingunin ko siya. "Oh? Pabitin naman 'to." Reklamo ko habang nakatakip ang kamay sa bibig.

"Eto na nga." Ibinaba niya muna sa paper lunch box ang plastik na kutsara't tinidor niyang hawak. "May isa akong estudyante na mag do-drop." Mahina niyang saad. Nilalapit pa niya ang ulo niya sa 'kin.

Nagsalubong ang kilay ko. "Advisory mo?"

Tumango siya. "Oo,"

"Eh bakit daw?"

Nagkibit balikat siya. "Ewan. Private matters daw? Hindi ako sure eh. Ayaw kasing sabihin. Hindi mo naman pwedeng pilitin kung ayaw."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Sayang naman."

"Oo nga eh. Kung kailan fourth year na." Rinig din sa boses niya ang panghihinayang.

Napailing na lang ako. Kahit ano pang dahilan ang mayroon ang estudyanteng iyon, nakakapanghinayang pa rin talaga. Isang taon na lang sana ay ga-graduate na siya.

It's my afternoon class today until 4PM. After this, isa na lang at makakauwi na 'ko. Hay, buti naman.

"Evangelista, Ciara Jane." Tawag ko sa pangalan ng estudyante kong kinamumuhian.

"Ma'am, nasa clinic po." Sagot ng isa kong estudyante.

"Bakit daw?" Nagtataka kong tanong.

"Nahihilo daw po. Hindi po ata kumain ng lunch kanina eh."

Tumango na lang ako at minarkahan ng absent ang pangalan niya. Hindi naman ako tanga o in denial para sabihin na walang ideya na nabuo sa isip ko. But still, I don't want to jump into conclusions.

Pero tangina. Sabi ko wala na akong pakialam sa kanila eh. Sabi ko sa sarili ko hindi na ako maaapektuhan sa kung ano man mangyari sa kanila. Pero bakit ganun? My heart beats different. It was like... in pain.

"Goodbye, class."

"Goodbye, ma'am. Thank you po!"

I gave them a smile while erasing the writings on the board.

"Ma'am, ako na po." Sambit ng lalaking tumabi sa akin.

I smiled at Jom and gave him the eraser. "Thank you."

He smiled back before continuing what I started. Naupo na ulit ako sa monoblock at pinanood silang maglinis at mag ayos ng mga armchair. Sa loob lang ata ng limang minuto ay nagpaalam na sila.

"Uwi na po kami, ma'am. Ingat po!"

"Ingat din kayo." Nilingon ko si Jom na nakaupo pa sa armchair at inaayos ang gamit. "Hindi ka pa uuwi, 'nak?" I asked.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum