CHAPTER 34

447 22 51
                                    

Chapter 34

"Ha?!"

Humawak ako sa braso niya at binigyan siya ng nagtatanong na ekspresyon. Humawak naman siya sa likod ko habang nag iisip.

It's his parents! Teka, hindi ako ready! Hindi kami ready!

"A-Anong... Anong gagawin natin?" Kinakabahan kong taong.

Sandali siyang nag isip bago ako muling tingnan.

"Pumunta ka muna sa kwarto, mag bihis ka." Aniya.

"Tapos?"

"Basta mag bihis ka." Tiningnan niya ang suot ko mula ulo hanggang paa. Naka sorts at spaghetti top lang kasi ako, wala pang bra.

"Anong susuotin ko?" Tanong ko ulit.

"Kahit ano. Basta don't show a lot of skin."

"Wait, teka, formal ba?" Aligaga na ako.

Umiling siya. "Kahit hindi na. Mag pambahay ka na lang. Hindi naman natin alam na pupunta sila. It's a surprise visit."

"Sigurado ka?"

Tumunog ulit ang doorbell, sabay kaming lumingon doon.

"Oo. Sige na, Ai. Bihis na. Kakausapin ko muna sila."

Tumango ako. "Sige,"

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto at ni-lock ang pinto. Naghanap agad ako ng maayos na maisusuot. I ended up wearing the most presentable terno pajamas that I have. Inayos ko rin ang buhok ko at naglagay ng kaunting lipstick at polbo sa mukha tsaka ko tiningnan ang repleksyon sa salamin. Inamoy ko pa nga ang sarili kong hininga.

Ken was telling me to dress up nicely. Does that mean that he has plans to introduce me to his parents? I mean, it's a pleasure to meet his parents. But, hindi ko alam kung anong plano niya kung paano niya ako ipapakilala.

Sobrang bilis tuloy ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pabalik-balik ako ng lakad sa iisang direksyon habng iniisip kung paano ako makikisalamuha sa mga magulang ni Ken. Wooh! I can do this. You can do this, Kael.

...

Ken's POV

Inayos ko muna ang itsura ko bago ko binuksan ang pinto. Ngiti ang sinalubong ko kina mama at papa. Yumakap agad ako sa kanila at bumati.

“Sulod unya mo, ma, pa.” Pasok kayo, ma, pa.

May bitbit na eco bag si papa na kinuha ko na sa kaniya at ibinaba sa mesa.

What is this? “Unsa ni, pa?” Tanong ko habang binubuksan iyon.

“Sud-an. Giluto sa imong mama, dong.”

Tumango ako. I missed mama’s cooking, na-excite tuloy ako. When I opened the container, a delicious smell of Kulma welcomed me.

Siguradong masarap ‘to. “Kalami! gigutom na ko sa kahumot nya." I said with a smile. Amoy pa lang nakakatakam na.

Naupo muna sila sa sofa, lumilinga sa paligid.

“Diri na di-ay ka nagpuyo, dong. Murag mas nindot ni kaysa sa una.” Dito ka na pala nakatira, mukhang mas maganda 'to kaysa sa dati.

I hummed in agreement. “Mas safe sad ingon si Ate Leah. Pa, ngano di-ay nanganhi mo diri. Murag kalit kalit ra man gud.” Mas safe din daw sabi ni ate Leah. Bakit nga pala kayo napunta dito, pa? Biglaan naman ata.

“Ganahan ra man ko mubisita pagkahibalo nako na nibalhin na ka ug condo. Dugay na sad ta wala nagkita.”

Sabagay, matagal na rin naman talaga nung huli ko silang nakita at nakasama.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Where stories live. Discover now