CHAPTER 32

541 30 21
                                    

Chapter 32

I facepalmed, didn't know what to do. I didn't expect this to happen at all. Pati ba naman trabaho ko dinadamay nung babaeng 'yon? Yes, I blame that delusional bitch for what's happening with my job! Sino pa nga ang gagawa nito? Eh siya lang naman ang poot na poot ang budhi sa akin!

Lumabas muna ako sa kwarto at dumiretso sa veranda para magpahangin habang kinakalma ang sarili.

[Ella, anong gagawin mo? Parami na nang parami yung views at reactions ng mga tao lalo na sa X.] May kabang tanong ni Nads.

"Hindi ko alam... Hindi ko alam..." Naguguluhan kong bulong. "Tangina, bakit trabaho ko pa?"

I can't lose my job. Hindi pwede. Sinusustentuhan ko pa ang pamilya ko, may pinapaaral pa akong kapatid. Pag nawalan ako ng trabaho, mawawalan na rin ako ng silbi sa pamilya ko. Not my job, please.

[Ano ba kasi talagang nangyari, Els? Saan galing yung video na 'yon? I-Ikaw ba talaga 'yon at si Jom?]

"H-Hindi, oo, I-I mean, yes, kami nga ni Jom 'yon." Huminga ako nang malalim. "Kami nga ni Jom 'yon pero it's not what you think it is. Iba ang naging epekto nung caption sa video. It's just the angle! We were just talking behind his car that time a-and he was trying to close his car's compartment that's why it was shaking–"

[Els, oo, maniniwala ako sa'yo. Pero paano yung ibang tao? Iba na ang iniisip nila ngayon sa'yo. They are starting to call you names!]

Napahilamos ako sa mukha at hindi nakasagot.

[Paano pag nakita 'to ni dean? Anong sasabihin mo?]

"Kakausapin ko na lang si dean, magpapaliwanag ako, maiintindihan naman niya siguro."

[Hindi ito ang unang beses na nangyari 'to, Els. Sa tingin mo kaya pipiliin ka pa ring intindihin ni dean? Business is business, Els. Wala tayong laban pagdating sa mga higher ups. Kahit na totoo ang sinasabi mo, kung hindi na maganda ang epekto ng nangyayari sa department, hindi ko na alam kung pagbibigyan ka pa ni dean...]

Mas lalo akong kinabahan. "Hindi ko alam... Pero gusto ko pa rin linisin ang pangalan ko." Determinado kong sabi. "Hindi ko hahayaang bigla na lang madumihan nang ganun kadali ang pangalang pinaghirapan ko. Not so easy."

This might cause more severe effects. Baka hindi na ako makapag turo, baka hindi na ako tanggapin sa ibang eskwelahan, at baka mawalan pa ako ng lisensya.

I can't lose my job, especially my license. It's my lifeline. Pag nawala iyon, mawawalan din ang pamilya ko.

[What if lumipat ka na lang ng school? Para hindi ka na masundan ng bruhang 'yon. Para rin hindi na tuluyang masira yung pangalan mo sa university.]

I sighed deeply. "Hindi ko alam, Els. Mahabang proseso pa rin 'yon. Hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho kahit na isang buwan lang, may mga umaasa sa 'kin." Problemado kong saad.

Nang mamatay ang tawag ay naka-receive naman ako ng text mula kay dean. She wants me to go to the university tomorrow for an urgent meeting concerned with the issue. Fuck, alam na agad ni dean. Tangina, anong gagawin ko?

I can't... I can't lose my job...

I scrolled through the repost of the people on X. They were all disgusted by me. They thought that I was a manipulator, that I manipulated a student. They called me names that weren't true. They all judged me immediately without knowing the whole story. It spread quickly like a fucking wildfire.

Lily @lilyyyyyyyyyy lande talaga ni ma'am dati si Ken Suson ng SB19 ang hinaharot, ngayon estudyante naman EWWW🤮

I gritted my teeth and gripped on the railing tight when I saw this bitch's repost. I just bursted in tears because of anger. Naupo ako sa sahig at umiyak habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay dahil sa galit.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon