CHAPTER 37

455 19 76
                                    

Chapter 37

? POV

"Anong ayaw? Akala ko ba nung nakaraan na a-access niyo?!" Bulyaw ko sa dalawang lalaking nakaharap ngayon sa mga laptop nila.

"Yes, ma'am. Na a-access po namin nung nakaraan. Pero–"

"Ayoko ng pero pero! Ayusin niyo 'yan! Pilitin niyo!" Sigaw ko ulit.

"Yes, ma'am."

I have planned this and I won't let it fail.

"Ma'am, pasensya na po, ayaw po talaga." May bahid ng takot sa boses niya pero wala akong pakialam!

"What?!"

"May pumipigil na po sa access namin, unlike before na visible pa yung IP address–"

"So ano? Hindi niyo na magagawan ng paraan?"

Hindi sila sumagot, sa halip ay umiwas lang ng tingin at yumuko.

"Walang kwenta!" Sigaw ko.

"Ma'am, susubukan po ulit–"

"Get out!"

They just stared at me, looking scaed.

"Get the fuck out! Out!" Turo ko sa pinto.

Nagmamadali nilang kinuha ang mga gamit nila at tuluyan nang umalis.

"AAAHHHH!" I shouted while gripping on my hair. "Stupid little guys! Mag ha-hack lang ng account, hindi pa magawa! Mga tanga! Inutil! AAAHHHH!" I grabbed the glass pencil holder and smashed it on the ground, making it break into pieces.

My plan is ruined! Fuck! Pinag isipan ko 'yon ng ilang araw tapos mawawala lang ng ganito kabilis? I just wasted my money on those stupid people! Fuck this!

It was a beautiful plan! After having an access to their accounts, I will compile a lot of screenshot of evidence that will prove that Mika Ella bitch is bitching around Ken. I'm sure his fans would be furious! Masisira ang pangalan ng malanding 'yon at mawawala na siya nang tuluyan sa landas ni Ken. Magiging akin na ulit siya. Akin lang.

Not only that, malalaman ko rin ang location ni Ken ngayon. I've been having a hard time locating him because there's a lot of condo buildings around Manila. Tangina, mababaliw na ata ako dahil hindi ko na siya nakikita araw-araw. But that will end soon, dahil tuluyan na siyang magiging akin.

As I was walking back to my unit, I saw a familiar girl walking towards my opposite direction. I smirked inside my mask and approached her.

"Uhm, hi, ate! Pwede po ba magtanong?" I asked nicely.

"Oh, sure. Ano 'yon?"

"Bale naghahanap po kasi yung friend ko ng unit na malilipatan dito. Uhh, may alam po ba kayong unit na pinarerentahan by any chance?"

Kumunot ang noo niya at nag isip. "Uhm, actually may unit ako dito sa floor na 'to and pinapaupahan ko siya. Iyon nga lang, may nakatira na kasi eh. Sorry ha."

"Ayos lang po if roommates,"

"Sige, susubukan kong tanungin, ha?"

I nodded. "Salamat po! Kailagang kailagan na po kasi bago mag pasukan."

She nodded with a smile too.

"Ano po pala ang pangalan niyo, ate?"

"Nadia na lang," she offered her hand. "Ikaw?"

I smirked and shook her hand. "Gail po,"

"Nice meeting you,"

"Nice to meet you rin po. Uhm, pwede ko po bang makuha yung number niyo or kahit name niyo na lang po sa FB para may contact po ako sa inyo?"

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon