CHAPTER 24

572 30 97
                                    

Chapter 24

Kael's POV

It's the 20th of the fourth month today, and it's also the day that I was born 25 years ago.

Yes! It's my birthday!

Ken doesn't even have an idea about my birthday. Nagising kami, kumain, at hinatid niya ako na parang normal na araw lang. I can't blame him though. Hindi naman lahat ng bagay tungkol sa 'kin ay alam na niya. I'll just let him find out about it himself. O kung hindi naman, malalaman na lang niya mamaya pag sinundo na niya ako dahil marami akong dalang cake at mga regalo.

"Happy birthday po, ma'am!"

"Wow! Salamat! Ang dami naman nito."

Halos hindi ko na mahawakan lahat ng regalo na natanggap ko sa mga estudyante at katrabao ko ngayong araw. Pati mga cake ay sobrang dami din. Pinaghatian na nga namin ng faculty members ang dalawang cake kaninang tanghali pero may mga estudyante pa rin na pahabol na nagbigay. Marami tuloy akong bitbit pauwi.

Jom and his friend Lour surprised me with a cake, a bouquet of red roses, and a couple of paper bags in different sizes. They waited for me outside the faculty to give these beautiful gifts. I was waiting for Nads to finish her class to help me bring these to Ken's car. Kaya wala na ako masyadong kasama na teacher dito.

"Kanino galing 'to?" Tukoy ko sa mga regalo.

"Sa amin pong dalawa ni Jom." Sagot ni Lour.

"Ah, talaga? Nako, sobrang dami naman ata nito." Medyo nakakahiya tuloy. "Salamat ha."

"No problem, ma'am! Deserve niyo po 'yan!"

"Happy birthday, ma'am." Jom greeted me again. Siya ang pinaka-unang bumati sa akin dahil saktong alas dose ay binati niya agad ako through messenger.

"Thank you, Jom, Lour. Ang dami talaga nito, hindi ko deserve." I said with sincerity.

"Ay, hindi, ma'am. Deserve na deserve niyo po 'yan!" Pilit ni Lour. "Picture tayo, ma'am!"

Of course I took lots of photos with them while carrying their gifts. Nag picture kaming tatlo, kaming dalawa lang ni Lour, at kaming dalawa ni Jom.

"Thank you, ma'am! Ingat po! Happy birthday po ulit!" Paalam ni Lour.

"Happy birthday again, ma'am!" Jom too.

"Salamat! Thank you so much, mga anak. Ingat din kayo!" I replied.

With the help of Nads, hinatid niya ako hanggang sa labas ng campus. Nasa backseat lahat ng mga regalo at cake na binigay sa 'kin.

"Grabe, iba talaga pag mahal na mahal ka ng students at co-teachers mo." Komento niya.

I nodded in agreement.

"Gusto mo ba ng cake? Sa'yo na lang yung isa, mamili ka." Alok ko sa kaniya.

"Sure! Sige! Oo! 'Yan ang gusto ko sa'yo, dumb bitch!" Sagot niya agad.

I told her to stop the car near Ken's car. Lumabas din siya sa kotse para tulungan ako sa paglilipat ng mga cake at regalo sa kotse ni Ken.

"Oh, ang dami mong dala." Gulat na sabi ni Ken.

"Oo, buti nga nandiyan si Nads eh."

"Wait, tulong ako-"

"Ken, baka may makakilala pa sa'yo. Tsaka kaunti na lang din naman 'to." I smiled at him. "Thank you,"

Nang mailagay na namin ni Nads lahat sa backseat ay nagpaalam na siya sa amin. Ang alam niya ay nagpatulong lang ako kay Ken na magpahatid sa bahay ng tita ko dahil hindi ako maihahatid ni Nads since malayo iyon sa kanila. Hindi niya alam, magkasama talaga kami ni Ken.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Where stories live. Discover now