Prologue

427 8 0
                                    

TAHIMIK akong naglalakad patungo sa bahay namin, as usual marami na naman ang dumaan na sasakyan, may mga bata rin na naglalaro sa gilid ng kalsada.

Habang papalapit sa bahay namin, napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang mga sigawan at pagkasira ng ilang gamit sa loob.

"Gago ka, Ernesto! pagkatapos kitang tanggapin sa pamamahay ko ay maghahanap ka pa ng kabit mo! wala ka na ngang ginagawa kundi maghintay ng pagkain!" Sigaw ni mommy sa loob.

I bit my lower lip, niyukom ko ang kamao habang nakikinig sa away nila. Lahat ng kabitbahay namin na dumadaan ay nakatingin lang sa bahay.

Mga marites talaga.

Isang buntong hininga ang ginawa ko bago tumalikod at naglakad patungo sa kabilang purok, mas mabuting do'n muna ako kina tita at tito para makatulong sa restaurant nila.

While I was walking down the road, I couldn't help but think about the world. Why is that there's still this sunshine after darkness? why do people keep moving?

Bakit kailangang mabuhay ng tao kahit mahirap sila, kahit wala silang makain, wala silang pera, at wala ring trabaho. Why?

"Hoy! tabi!" Sigaw ng isang tricycle driver sa akin, tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

Luh, nasa tamang kalsada naman ako ah. Kaso nga, pinaparadahan naman ng mga tricycle nila. Eh kung isumbong ko sila sa barangay, ilegal parking 'yan!

"Rez! hello!"

Sumilay ang malaking ngiti sa aking labi nang makita si Maymay, isang costumer ko sa AVON. Lumapit siya sa akin at kumuha ng limang daan sa wallet niya, mukhang magbabayad na ng 15 days to pay na order niyang bra.

"Bayad nga pala! contact ulit ako sa'yo, lotion na naman ang bibilhin ko. Iyong 15 days to 30 days to pay ulit ah." Aniya at ibinigay sa akin ang perang bayad niya.

I smiled and take it, kaagad kong kinuha sa bulsa ng palda ko ang maliit na notebook kung saan naroon ang mga listahan ko.

"Sige ba, sa lunes i-se-send ko sa'yo sa facebook ang mga items ng lotions. Pili ka lang." Saad ko naman, nagpasalamat ito at umalis na para pumunta ng boarding house niya.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kalangitan, thank you Lord! hindi niyo talaga pinapabayaan ang negosyo ko, salamat din sa pagpapaalala sa mga nangutang sa akin na may babayaran sila.

Isang daan ang para sa akin kada benta ko, iyon ang usapan namin ng seller. Mabuti na lang at pinayagan nila ako na maging reseller, di naman sila lugi kasi nakakabenta ako everyday!

Every end of the month, may one thousand din akong natatanggap mula sa kompanya. Bonus daw iyon, reward sa mga minor pa nilang reseller.

Ngumiti ako, this is the answer to all my questions. Kahit gaano kahirap, nagpapatuloy ang mga mahihirap dahil hindi sila pinapabayaan ng nasa Itaas.

He will always provide.

I took a deep breath, ang sarap mabuhay!

"CYREZ, di ka pa nagpalit ng uniform mo papunta rito. Magbihis ka muna, may extra na damit do'n sa locker." Saad ni tita nang makita akong pumasok sa restaurant nila.

Maraming mga tao, as usual. Ngumiti ako sa kanya at tumango, nakasuot pa rin siya ng uniform niya as a chef sa restaurant na 'to.

"Ah, wala naman po kasi akong gagawin. Tutulong na lang po ako rito para pag-uwi ko, may sweldo na naman ako." Ngumisi ako sa kanya.

She chuckled and caressed my hair, napatingin ako ng mabuti sa mukha niya. As the time goes by, I could really say that people around me was right.

Hawig nga kami ng tita ko.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon