Chapter 1

280 8 0
                                    

"Ah, wala 'to." Binawi ko ang kamay sa kanya bago umiwas ng tingin, I also put my hands behind my back na kaagad namang sinundan ng kanyang mga mata.

He stared at me again as he took a deep breath, parang natuyo ang lalamunan ko dahil sa tingin ng mga mata niya. Nakakahilo at nakakalasing ang mga ito.

Ba't ba pogi siya?

"Tsaka, hindi pala sa akin ang brief." Umiwas siya ng tingin at tumalikod pagkatapos sabihin iyon, halos tumakbo na ito patungo sa di kalayuang bahay nila sa amin.

Nangunot ang noo ko, baka siguro may kapatid pa siya? ang sabi kasi ng nanay niya ay para ito sa anak niya, tsaka paborito rin daw ng anak niya ang logo na nakaprint sa brief.

BEN 10.

Medium 'yun, siguro para sa asawa niya? pero mukhang wala namang asawa si Aling Lucie ah.

Grabi, for the first time, parang 'yun ang pinakaunang beses na nagtanong si Luke sa akin. Kapag kasi sa school, ako ang panay lapit at tanong sa kanya.

Tsaka, hindi rin ako robot para hindi mabihag sa kaguwapuhan niya. Maganda kasi ang mga mata niya, tsaka ang porma ng katawan. May lahi kasi siya.

Rinig ko nga rito sa amin, kabit daw ang nanay niya. Pero paano naman nangyari 'yun? eh, mabait naman ni Aling Lucie at matulungin pa nga sa purok, eh.

I pouted and touched my chest, grabi namang tibok 'to, parang wala ng bukas. Lihim akong ngumiti at tumili.

Pinansin ako! nahawakan pa ang kamay ko!

I bit my lower lip and shook my head, hindi ko na dapat inaalala ang mga bagay na 'to. I need to have my dinner and study, para maaga na rin akong makatulog.

Bago pa man ako pumasok sa kuwarto ko, lihim akong pumasok sa kuwarto ni mommy para ihatid ang tray ng pagkain na dala ko para sa kanya. Baka kasi umuwi si tito at maabutan 'to, tapos uubusin niya.

Palamunin, amputa.

"WHAT happened to you?" Ameyth asked as she saw my hands, nakabenda ito dahil ginamot ni tita nang mapadaan ako sa restaurant nila kanina.

I bit my lower lip as I nodded to my friend.

"A-ah, my mother happened." I chuckled, hiding my nervousness.

Napatingin lang sa akin si Ameyth, she know me. Alam niya kapag may problema ako o kaya nalulungkot ako, she's like this mother and teacher material friend of mine.

Sa kanya din ako tumatakbo kapag hindi ko na kaya ang nararamdaman ko, she's a smart girl and always willing to listen.

"I won't ask you what exactly happened right now but I will wait for you to say it, I am always here." She smiled a little as she caressed my hands.

Napangiti ako sa kanya, I hugged her tightly hanggang sa pumasok na ang teacher namin sa first period.

I keep on writing down my notebook, tahimik ako dahil tahimik lang din naman si Ameyth sa tabi ko. Wala rin ako sa mood ko para tumawa at magkuwento sa kanya ng mga kung ano-ano para lang hindi kami ma-bored dito.

As I was saying, tahimik lang akong nagsusulat hanggang sa napadaing ako at napasinghap nang may hindi gaano kalakas na tumama sa likod ng ulo ko, isang crumpled paper.

Kinuha ko ang papel sa ilalim ng lamesa ko tsaka binasa ito, my cheek hit up as also my nose. Parang lumabas ang usok do'n dahil sa inis.

Loser.

'Yun ang nakalagay, nanalim ang mga matang tumingin ako sa likuran ko at nakita si Dravis at Luke na nanlalaki ang mga mata na parang hindi inasahan ang pagtama ng papel sa akin.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Where stories live. Discover now