Chapter 13

110 4 0
                                    

"WHICH do you like here?" I asked the girls, lahat sila ay interesado at masaya habang nakatingin sa mga pack ng panties at bra mula sa echo bag.

"I love the purple! how much?"

"250, dalawang piraso. Sale kasi ngayon." I told them, lahat sila ay namangha at kaagad na kumuha.

Hindi ko inasahan na mauubos ngayon ang paninda ko! well, ganun talaga kapag sale ng AVON.

Bumalik ako sa classroom na may malaking ngiti sa labi, third period na ngayon at before lunch. Wala na ring laman ang echo bag kaya tinutupi ko na lang ito habang naglalakad sa loob ng classroom namin.

"Hi, Cyrez. Sabay tayo punta sa library? wala akong kasama, e'." Bungad sa akin ng isang kaklase ko, si Jera.

I awkwardly smile, ito ang tatlong pagkakataon na nakausap ko siya. Nakakahiya nga dahil matalino siya at medyo may pera, kaya nga kahit anong lapit niya ay pilit kong nilalayo ang sarili.

She's too perfect for me.

"S-sige."

Our topic continues, pinapapasa na rin ang files namin about sa thesis tsaka mga final performance namin nung nakaraan OJT namin.

The professors also remind us our final exam next week, i-po-post na rin sa board ang babagsak at hindi makakatanggap ng diploma.

Alam ko naman na mabuti akong estudyante pero hindi pa rin ako makakahinga ng malalim dahil baka may posibilidad na madala ko ro'n, may dalawang dos kasi ako sa card last semester.

Nakabayad naman na ako ng graduation fee tsaka ilang bayaran dito sa school, public school naman ako nag-aaral kaya medyo mahirap at kailangan mong maging attentive.

Cebu Normal University-Main Campus, basa ko sa exam big notebook ko. Binigyan na kami kanina, preparation namin.

"Cyrez, let's go?" Jera asked me as soon as we're all fixing our things, napaangat ako ng tingin sa kanya.

I nodded and went out with her, pasimple akong sumilip sa kabilang building kung nasaan ang engineering. Kaagad akong napangiti nang makita sa hallway si Klent, he waved his hand and give me a flying kiss.

Mukhang good mood, siguro natulog sa bahay ng boyfriend niya kagabi.

"I don't usually do friends, but when I saw you I just thought of having one. Hindi ka kasi plastic, halata sa mukha mo." Saad ni Jera habang naglalakad kami patungo sa library.

I bit my lower lip and smiled at her, hindi ko alam kung anong isasagot dahil nahihiya naman kasi ako sa kanya.

She's wearing an expensive pink and white dress, isang cardigan blazer din para itago ang mga braso niya dahil strap less ang damit niya. Isang CHANEL tote bag din ang dala niya at ilang libro sa mga kamay.

While me, I am wearing a simple yellow fitted top, and also a high waist white pants from ukay-ukay pa. Nakapack-bag din ako para do'n ko malagay ang ilang products ng AVON na order sa akin.

Tamang isang binder, kalahati ng yellow pad, dalawang ballpen tsaka index card lang ang laman ng bag ko. Unlike Jera, sigurado ako na marami siyang gamit.

Sabay kaming pumasok sa library, kaagad na may kinuhang libro si Jera na about sa subjects namin at dahil nagsasawa na ako sa mga roon, naglibot na lang ako at naghanap ng libro para sa baking.

Mas okay 'yun, baka may mahanap ako at may matake note para idagdag na lulutuin sa restaurant nila tita.

Habang nasa book shelfs ang mga mata ko, hindi ko inasahan na mabangga ang isang lalaking tumutulak ng pulling basket kung nasaan nakalagay ang lahat ng libro.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Where stories live. Discover now