Chapter 20

142 4 0
                                    

ISANG malapad na ngisi ang lumabas sa labi ko matapos kong lumabas sa restaurant, it's already 5:00 p.m but I took an early leave since I am not really feeling well.

But seing Luke outside makes my nerves alive again, nakaupo ito sa bench at halatang hinihintay ako. Nasa harapan niya lang din ang nakaparking niyang motor, buti na lang at puwede na mag-iwan ng motor dito sa harapan basta hindi lang talaga malalaking sasakyan.

"Boo, I'm tired." I told him as he stood up and get me, hinaplos nito ang buhok ko bago ako pinaulanan ng halik sa labi.

"I missed you, it's been two days." He said.

Umalis kasi siya dahil kailangan niyang pumunta sa Maynila, hindi ko alam kung anong emergency ang tinutukoy niya dahil parang nag-aalala talaga siya no'ng nagpaalam siya sa'kin.

Parang pribado rin 'yun kaya hindi na ako nagtanong, alam ko naman na nasasabihin niya rin talaga sa akin kung anong dahilan nito kapag handa na siya.

"Alis na tayo, baka makita pa tayo nila tita. Wala pa silang ideya eh." Pareho kaming natawa dahil sa sinabi ko.

He stared at me before staring back at the restaurant, makikita rin sa glass wall ng restaurant si tita at tito na may kinakausap na guest.

"Damn, I promise them na haharap lang ako kapag may napatunayan na. Kaunti na lang naman." Rinig kong saad ni Luke mula sa likuran ko kaya naman mabilis akong napalingon sa kanya.

He innocently stared at me like he didn't say anything wrong, tumalikod pa ito para mauna sa motor niya.

"What did you just said? you promised them before? akala ko ba ay bestfriend lang ako sa'yo dati." Hinila ko ang braso niya.

I heard him chuckled as he faced me and quickly put the pink helmet on my head, isinara niya rin ang takip nito para hindi na ako makapagsalita.

"You're beautiful, boo." Aniya bago ako binuhat pasakay sa mataas niyang motor, I pouted bacause of that.

Kita mo na, hindi ko na tuloy siya magawang tanungin ulit dahil mas kinilig ako sa sinabi niya.

UMINOM AKO ng gamot nang makarating kami sa condo niya, I still have clothes here inside his cabinet. It's been one month ago when we both confess everything that we felt about each other, parati na akong tinatangay ni Luke kaya napilitan akong magdala na lang ng ilang mga damit ko para incase.

"What?! I already fixed everything, dad! you told me to stay away from you and I did! but taking away the chance for me to know who's the suspect of my mother's death is too much!"

Napaigtad ako at napasinghap pagkatapos mahiwa ng hindi masyado kalala ang daliri ko dahil sa gulat, malakas ang pagkakasigaw ni Luke kahit nasa kuwarto niya lamang ito.

Shit, ang hapdi!

Naglakad ako papunta sa loob para kunin ang first aid kit na nasa sala ng condo niya, pero mabilis akong napatigil nang marinig ang galit na galit niyang boses.

"Don't be full of yourself, son. Wala ka pang nagagawa, you're not even a registered and licensed pilot yet but you're already an arrogant one." Rinig kong boses iyon ng matanda galing sa phone niya, nakaloud speaker kasi.

They obviously fighting and I shouldn't listen but I couldn't help it! marites din kasi ako katulad ng mga kapit-bahay namin na nanlalaki ang mga mata pagkatapos makita si Luke na hinatid ako sa bahay last week.

They even asked me a lot of things, kung bakit kami magkasama, kailan pa ito bumalik, kumusta ang libingan ng mama nito sa Maynila, kung kaming dalawa ba, at kung buntis na raw ba ako.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Where stories live. Discover now