Chapter 5

138 4 0
                                    

Ngumisi si tito Ernesto nang maabutan niya kaming dalawa ni Luke, pero akmang kukunin niya ako pero kaagad akong naitago ulit ni Luke sa likuran niya.

I gasped loudly because of that, kinakabahan ako hindi dahil sa akin kundi dahil kay Luke! baka kung ano ang magawa ni tito sa kanya.

Malaking tao si tito Ernesto, tapos si Luke naman ay may laman nga ang katawan pero kulang pa rin ito kung sakaling papatulan niya si tito.

"Luke. . . alis na tayo." I whispered, nakita ko kung paano umigting ang panga niya nang bahagya akong nilingon pagkatapos no'n ay tumingin ulit siya kay tito.

Nakatalikod man mula sa akin, alam ko na galit ang mga asul na mata ni Luke! I could always feel that.

"Hoy bata, sino ka? boyprin niya?" Natatawang tanong ni tito, mas humigpit ang hawak ni Luke sa mga kamay ko dahil do'n.

"Anong ginawa mo sa kanya? i-report kaya kita sa barangay?" Kahit ako ay natigilan dahil sa boses ni Luke, he sounded so serious and strong man!

Napalunok ako nang hinawakan ni tito ang balikat niya, pero mabilis din itong hinawi ni Luke at matalim siyang tinignan.

"Binabantaan mo ba ako?"

"Oo. Dahil kapag ginawa mo pa 'to sa kanya, hindi ako magdadalawang isip na isumbong kayo ng mga barkada mo sa barangay at pulis. Nakalimutan mo na siguro ang nakita ko?" Luke asked him.

Parang natauhan si tito dahil do'n, umiwas siya ng tingin at kinagat ang ibabang labi. Wala sa sariling humakbanh ito paalis at biglang tumakbo pabalik sa bahay.

Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil do'n, nakahinga na ako ng maluwag dahil alam ko na ligtas na ako ngayon sa kanya.

Hayop talaga na Ernesto!

"What happened?! did he hurt you?!" Kaagad na tanong ni Luke pagkatapos mawala si tito, he quickly held my hands.

Pinigilan ko ang huwag maiyak pero hindi ko magawa, kusa na lumabas ang mga luha sa aking mga mata dahil sa nangyari.

Fear consume me again, those animalculous touches of tito Ernesto to my body. The way he forced me and physically hurt me, I felt so dirty because of that!

Kinagat ko ang ibabang labi nang hawakan ng kanang kamay ni Luke ang pisngi ko, his left hand is hold my hand while he was staring at me with full of worry and pity.

I cried because of that thoughts.

"Luke. . . puwede bang, humingi ng pabor?" I asked him, kaagad itong tumango habang pinupunasan ang pisngi ko.

"C-can you take me somewhere? iyong malayo rito sa amin?" I asked him, hindi siya sumagot kaya naman akmang hahakbang ako pabalik pero mabilis niya ulit akong hinila.

"I know a place."

TAHIMIK akong nakaupo at nakahalukipkip ng mahigpit sa tuhod ko, walang emik ang buong paligid at wala ng tao rito sa maliit na mini plaza mga ilang kanto ang layo sa amin.

Nakatulala ako sa kawalan habang iniisip kung paano ko sasabihin kay mommy, alam kong galit siya sa akin pero anak niya naman ako at binastos ako ng kinakasama niya, malamang kakampihan niya ako at makikinig siya sa akin.

I bit my lower lip when negativity acrossed my mind, paano kung hindi makinig sa akin si mommy? she hate me so much, there's no reason for her to listen.

Tsaka na ako nabalik sa huwisyo nang makita ang panyo sa harapan ko, umangat ako ng tingin at nakita si Luke na may maliit na ngiti sa labi.

"Wipe off that tears, hindi bagay sa'yo." Masungit niyang saad bago umiwas ng tingin, umupo siya sa tabi ko nang mabilis ko itong kinuha mula sa kanya.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang