Chapter 25

127 5 0
                                    

ISANG simpleng dress lang ang suot ko bago sumama kay Klent, pupuntahan daw namin ngayon si Ameyth. At anak ko naman na naiwan kina tita ay pinakuha ko na lang kay Jozy, gusto ko kasing makilala rin ito ni Ameyth.

Nagdala kami ng ilang orders, it should be in my restaurant pero miss ko na ang KFC! kaya iyon na lang ang binili namin ni Klent bago kami pumunta sa bahay nila Ameyth.

"Ready ka na, sis?" Klent asked me when we both go out from our cars, huminga ako ng malalim bago tumango.

I really want to see her now! gusto kong makausap ang kaibigan naming nawala na halos walong taon at nasa Maynila lang pala. Gusto kong mayakap ng mahigpit si Ameyth katulad ng ginagawa niya dati kapag nalulungkot ako.

"Sandali!" Rinig kong sigaw ng isang babae na parang tumatakbo papalapit sa gate, it was deep and matured voice.

Parang bumigat ang puso ko nang biglang bumukas ang gate at sinalubong kami ng isang ngiti ni Ameyth! we all looked shocked at each other.

Naiwan ang ngiti ni Ameyth sa ere at nanlaki ang mga mata. Simple lang ang damit nito, kahit ang buhok niya ay hanggang dibdib na lang, hindi katulad ng dati na sobrang mahaba at maalaga.

Sabay kaming napayakap ni Klent kay Ameyth, ramdam ko tuloy ang katawan nitong medyo hindi na malaman katulad dati. She suddenly look like a petite woman, hindi rin kasi siya tumangkad.

"Fuck it, Ameyth! bakit ngayon ka lang bumalik?! bakit hindi ka man lang namin macontact do'n sa Maynila?!" Klent asked her, crying and begging for my answers.

Kahit ako kay napatingin sa kanya. "Eight years akong nag-alala sa'yo, Ameyth. Kumusta ka? paano mo kinaya lahat?" I asked her, almost sobbing.

Nakatingin lang ito sa aming dalawa, she slowly smiled and nodded. "Pumasok na muna tayo, mainit na kasi ang araw." Tumalikod siya at binuksan ang gate.

Napatingin ako sa paligid nang makapasok na kami ng tuluyan, pareho pa rin ito dati. Walang nag-bago maliban sa isang tao na lang ang naninirahan, kung dati ay may mga maids, drivers, tsaka gardener, pamilya ni Ameyth; ngayon naman ay tanging kaibigan na lang namin ang natira.

I used to study with her before, tapos susunduin lang ako ni kuya Vens kasi may trabaho pa ako sa restaurant. If I just can bring back the time, I'll gladly do it just to enjoy my childhood moments with her.

While staring at Ameyth who was now peacefully sketching something in her notes, I couldn't help but smile. She's finally following the path that she wanted the most.

We all casually talk and started laughing like before, Ameyth ay nakikisabay pero kagaya ng dati ay lutang pa rin ito at tahimik lang sa gilid.

Pero napatigil kaming dalawa ni Klent nang sinabi naming proud na proud kami kay Ameyth, she smiled and said that she's also proud that makes us cry.

Kung dati kasi ay parang plano-plano lang ang ginagawa namin, ngayon ay nagkakatotoo na. We're all settled and good now, we all grow up.

"I'm fine, guys. Why are you crying? I am also proud of you." Ameyth asked while chuckling, and then we hugged her again bago pa kami umupo ulit sa sofa.

"Nung pagkatapos ng recognition, hinanap ka namin lalo na no'ng fourth quarter pero hindi ka pumasok. Kaya we did what's best, pumunta kami rito sa inyo at do'n namin nalaman na wala na ang mommy mo. Then the next day, nabalitaan ng lahat ang pagkamatay ng daddy mo. I'm sorry, Ameyth. Wala kami ng mga oras 'yon." Saad ni Klent.

I saw how he kissed Ameyth on the head.

"Kami dapat ang nandoon para sa'yo, pero sabi naman ni nanay ay hindi ka na babalik dahil malamang nasa ibang bansa ka na ngayon. We are mad, Ameyth. Akala namin ay talagang iniwan mo kami." Dagdag ko pa sa kanya.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Where stories live. Discover now