Chapter 10

117 5 0
                                    

"L-Luke." Gulat kong saad nang makita siya sa harapan ko, he was wiping his tears off and suddenly pulled me for a tight hug.

Ito ang unang beses na nakita ko ang luha niya, his hair was mess just like the emotion of his blue eyes. I bit my lower lip and hugged him back.

Bumalik ang takot na nararamdaman ko kanina kay mommy, my chest was hurt and I couldn't do anything about it. I'm so scared.

"T-takot ako, boo. S-sasaktan niya ako," parang bata akong nagsusumbong sa kanya.

Luke had a heavy breath in my hair, I closed my eyes when I felt his hand caressing my shoulder up to my head. Parang bata ako na pinapatahan niya.

"Punta tayo sa bahay, gamutin natin ang pasa mo." Bulong niya at dahan dahan akong pinatayo, he quickly snaked his arms in my waist.

Halos mabuwal na kasi ako dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko, mahapdi ang mga ito dahil sa tama ng belt sa akin.

I have no idea how Luke bring me to their house, wala si mama niya dahil nauna na raw ito sa plaza at hinintay niya ako sa labas kaso nagulat siya nang lumabas si mommy at dala pa ang belt.

He felt something that's why he rushed inside when my mother took a cab to get out from El hamra, hindi ko alam kung paano pasalamatan si Luke.

Kapag hindi siya dumating, baka kung ano na ang nagawa ko sa sarili. I wasn't in my right mind earlier, gusto kong kurutin ang sarili nang maalala na inisip kong patayin ang sarili.

No, I couldn't do that.

Alam ko sa sarili ko, masayahin akong tao. Matapang at hindi ako nawawalan ng pag-asa, hindi ko magagawa ang tapusin lahat ng paghihirap ko. I was design by God to be example, I knew that.

Kasi kapag nakapagtapos na ako, I will use my voice for those voiceless and who experience abusive hands. I'll be strong.

And if someday, kapag sumagi man sa utak ko ang mawala na lang. It was mean of one thing, and that if I was burn out and tired of everything. Pero gagawin ko ang lahat na hindi mangyari 'yun sa akin.

Mahina akong napadaing nang maramdaman ang yelo sa panga ko, kaagad naman na inalis iyon ni Luke. He was treating my bruises, although he was also nervous.

Nakita ko ang gulat at kaba sa mukha niya nang makita ang mga pasa sa kamay, paa, mukha, at leeg ko. Baka nga sa katawan, mayroon.

"I'm sorry, tiisin mo lang para gumaling ka agad." Saad niya, kahit nasasaktan man ay tumango na lang ako.

Nakakahiya rin kasi magreklamo pagkatapos ng ginawa niya, bumili pa nga siya ng gamot na nakakahilom daw ng mga pasa sa katawan tsaka ointment na ilalagay niya.

"What happened? you can tell me."

Niyukom ko ang labi pagkatapos niyang sabihin iyon, tapos na rin kasi siya sa paglalagay ng yelo sa mga pasa ko na makikita niya. Binuksan niya ang ointment tsaka isang pack ng bulak, pero pagkatapos no'n ay tumingin lang siya sa akin.

Should I tell him? but, he will surely report it. Ayokong madamay siya, I knew how sick my mother is. I couldn't afford to hurt Luke.

Hindi ko na kilala si mommy, hindi ko rin kilala ang mga sumusundo sa kanya ngayon. Basta nakikita ko siya na pumapasok sa magarang sasakyan, the car looks powerful, ano na lang kaya ang may-ari no'n.

"We just had a misunderstanding. Alam mo naman si mommy kapag galit, mahilig magbuhat ng kamay sa mga nakikita niya." I smiled.

He was just staring, 'saka ko na lang napansin ang damit niya. He was wearing a formal blue polo shirt, and also a black pants. Mukhang pupunta talaga sa plaza.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Where stories live. Discover now