Chapter 4

127 6 0
                                    

Trigger Warning: Harrasment

"YOU won't hate Ameyth because of that, right?" I asked Jozy, si Klent naman ay tahimik lang habang nagbabasa ng libro sa science.

We're currently in Jozy's house in El hamra, sinamahan namin siya dahil hanggang last period ng klase ay panay iyak niya na parang wala ng bukas.

Kinuha ni Jozy ang juice na nilahad ko sa harapan niya, she chuckled and accepted it. Umiwas siya ng tingin sa akin bago tinitigan ang picture nila ni Brye dati, no'ng mga bata pa sila.

"Hindi gano'n kababaw ang pagkakaibigan natin para gawin ko 'yan kay Ameyth." Umiling siya at ngumiti, I smiled at her because of that.

Good thing that Jozy's always think best for us, wala rin naman kasing kasalanan si Ameyth, ni hindi nga nito pinapansin si Brye.

"Suplado naman 'yun eh at sa dami ng magugustuhan mo, iyon pa talagang president ng campus na siksikan ng kasupladuhan, purkit pogi at matalino." Klent almost rolled his eyes.

Kanina pa ito bad trip katulad ko, nakakapikon naman kasi iyong Brye. Sana naman hindi niya 'yon sinabi, at sa harapan pa talaga ng maraming tao!

"You don't understand!" Tumayos si Jozy at ngumuso sa amin, nakinig lamang ako habang umiinom ng juice.

"Mabait siya, he's a gentleman. Kaso hindi ko rin alam kung bakit no'ng high school na ay di niya na ako pinapansin." Paliwanag ni Jozy.

Isang buntong hininga ang ginawa ko, ilang beses na iyang sinabi ni Jozy. At ito naman kami na walang magawa, ilang beses ko na siyang sinabihan na tumigil na dahil mukhang wala naman siyang pag-asa.

Pero ang gaga, mas naging matatag. Ang sabi niya, nagpapakipot lang daw iyang si Brye, he always full of red flags and mix signals that you couldn't explain why.

Ang group study na dapat naming ginawa ay hindi natuloy dahil pinag-usapan na lang namin ang tungkol kay Brye at Jozy, sinabi namin ni Klent ang kagandahang ginawa ni Brye sa school para kumalma si Jozy.

"Okay ka na rito?" Tanong ni Klent nang makalabas sa gate nila Jozy, tumango ako at kumay sa kanya nang pumasok siya sa kotse nila.

Malayo kasi rito sa loob ng El hamra ang bahay nila kaya nauna na siya, ako naman ay naglakad lang patungo sa area namin.

Hindi naman ito malayo mula sa gate, pero marami pang dadaanan para makatungo sa purok namin. Ilang puno at ilang malalaking bahay pa ang makikita ko bago ang sa amin.

While I was walking down the street, a ring from my phone stopped me. Kinuha ko ito sa bulsa at binuksan, do'n ko na lang nakita na hindi ko pala na-off ang data kaya pumapasok ang notification.

Kinagat ko ang ibabang labi nang makita na may nag-message sa akin, maliban sa group chat at sa mga kaibigan ko, wala namang kumakausap sa akin kaya bago 'to.

But my eyes widen when I saw who it was, parang kumalabog ang puso ko at nabuhay ang lahat ng parti ng nervous system ko.

From: Arkanez Luke Baltazar

saan na ang picture?

Parang lutang akong napakurap-kurap dahil sa tanong niya, hindi ko alam ang ibig niyang sabihin at ito rin ang first time na nagfirst chat siya.

To: Arkanez Luke Baltazar

huh?

From: Arkanez Luke Baltazar

Cyrez Ninina Jazemo!

you told me, i-se-send mo.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Where stories live. Discover now