Chapter 28

165 5 0
                                    

"Dada?" Rinig ko ang matinis na boses ni Arkiza pagkatapos nitong magising sa itaas ng kama niya, I'm currently in her closet as I was fiding a baby blouse.

"I love you, pretty." I heard Luke.

Kahit nakatalikod man ay alam kong binuhat niya ang bata para halikan sa buong mukha.

The realization slapped me the truth that my daughter also needs her father, it hurts me so much how her eyes glints everytime she heard about the word Dada.

Humarap ako sa kanilang dalawa, nakaupo si Luke sa dulo ng kama habang si Arkiza naman ay nilalaro ang matangos na ilong ng daddy niya. She even giggled and closed her eyes, nagpapacute kung baga.

"You need to change your clothes now, baby." Tawag ko, she quickly looked at me and nodded as if she understand everything.

Iba talaga 'tong si Arkiza kapag may guwapong nakikita, parati niyang sinusunod ang gusto ko. As if she's telling him that she's a good girl, sa akin niya ba namana ang ugali na 'yan?

Kinuha ko ito kay Luke bago siya dinala pahiga sa kama para tanggalin diaper niya, hindi naman ito puno pero mas mabuting kunin at palitan ng bago.

"Does she have any allergies or something? so I could take note of it." He asked, umupo ito sa tabi ni Arkiza na kakatapos lang magpalit ng diaper at damit.

My baby also smiled widely when I put her a baby headband, kulay pink iyon na may heart sa gilid. Paborito niya talaga ang dalawang bagay na 'yan, pink and heart.

"She's a sensitive kid, unlike to other kids who can normally run as fast as they can. May maliit kasi na butas sa puso si Arkiza, kaya every month kailangan ng check up para mas madaling maagapan. She had this because she was nearly died inside of me, siya na lang ang natira sa kanilang dalawa kaya ganun." I explained, I was about to say something but Luke gulped like he heard something unbelievable.

"Wait, what did you just said?"

"I said, may butas sa puso si Arkiza." Ulit ko pa.

He quickly cursed and shook his head. "The last thing you said! na siya lang ang natira sa kanilang dalawa. What the fuck, Cyrez! we had a twin?!" Bulaslas niya.

Malakas iyon at nakalimutan niya yata na nasa kama lang si Arkiza, my daughter is so sensitive when someone is shouting or if someone is angry.

Kaya pareho kaming nataranta ni Luke nang biglang umiyak si Arkiza, she sobbed and cried while hugging her doll. Mabilis ko siyang kinuha at binuhat.

"It's nothing, baby. Don't be scared." Ngumiti ako sa kanya, she's still sobbing while looking at Luke.

Mas lalo akong kinabahan dahil dun, she usually stopped crying everytime I hugged her pero ngayon ay mukhang natakot talaga siya kaya walang tigil ang pag-iyak niya.

"I'm sorry, my princess. Daddy won't shout again, I promise." Kahit ako ay napahinga ng malalim nang marinig ang sinabi ni Luke kay Arkiza, kumalma rin sa wakas ang bata pero humihikbi pa rin ito.

"Can I carry her?" Luke asked me.

Alam kong galit siya pero nakita ko sa mga mata niya ang pagpipigil, I also saw the guilt on him. Kaya marahan kong inilagay si Arkiza sa bisig niya, my baby shook her head and was about to cry again but she stopped when Luke kissed her head.

"I'm sorry, I won't do it again." Paulit-ulit na bulong niya sa bata, I closed my eyes and fixed my things.

Kahit alam kong para iyon kay Arkiza, hindi ko mapigilang mapaluha. I also want him to say something like that to me, gusto kong magsorry siya sa lahat ng nangyari.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Where stories live. Discover now