Chapter 27

156 6 0
                                    

MABILIS kong niyakap si tita nang makita ko itong nakaupo sa sala at hindi mapinta ang mukha katulad ni tito, alam kong nag-aalala sila ngayon kay kuya.

"What happened to Calistia?" I asked them, hindi sila makasagot at tanging iling lang ang naibagay na sagot ni tito sa akin.

Looking at the both of them, I couldn't help but feel something punching my chest. Naging busy ako sa business na ibinigay nila at kay Arkiza, hindi ko man lang sila nakumusta at kung ano na ang nangyayari rito sa bahay. Ngayon ko lang din napansin ang maliit na mga puting buhok nila.

Hindi umaatras ang panahon, Cyrez. Someday you will be also like them, silently growing older.

"Pupuntahan ko po muna si kuya sa kuwarto niya, I'll try to talk to him." Paalam ko bago sila ulit niyakap na dalawa.

Mabilis akong umakyat at tumungo sa kuwarto ni kuya na nakalock, ilang pagkain na ang nasa labas ng pintuan niya pero hindi niya pa rin ito binubuksan.

Shit, ilang araw na bang hindi bumabalik si Calistia?

"Kuya? if you need someone to talk to, I'm always here." Marahan kong saad mula sa labas ng pintuan, hindi ako sigurado kung narinig niya ito pero sana nga.

I am not used to it whenever kuya Vens was acting like this, I know him for his humor and laugh.

Hindi uso sa kanya ang umiyak. But I couldn't judge him, I know that every person has their own story and pain.

Akmang aalis na sana ako at liligpitin ang mga pagkaing hindi naman nagalaw sa sahig pero mabilis akong napatayo ng maayos pagkatapos tumunog ang door knob, halos manghina pa ako nang bumukas iyon at niluwa nito si kuya na umiiyak.

"Taena, iniwan niya na naman ako." Sumbong niya na parang bata bago ako hinila para sa isang mahigpit na yakap, I caressed his back and nodded at him.

Sabay kaming pumasok sa kuwarto niyang sobrang kalat dahil siguro sa pagwawala niya kanina, this is also the reason siguro kung bakit nag-aalala ang mag-asawa sa ilalim.

"Calistia must have a reason, wala man lang ba siyang sinabi sa'yo?" I asked him, umupo ako sa tabi niya habang patuloy ang pag-inom niya ng alak.

He cursed and throw the bottle away, hindi ako dun nagulat. I used to do this when I mad, years ago. When my restaurant is really losing, kaya hindi ko rin mapigilan si kuya dahil alam ko ang pakiramdam niyan.

"Pumunta ako sa bahay nila, she went out and say that she don't need me now. Magpapakasal na raw siya sa taga ibang bansa na kilala ng daddy niya, iyong mas mayaman at mas makapangyahirang tao sa mundo. Putangina!" He look so frustrated, kumuha siya ng isang bote tsaka binuksan ito gamit ang ngipin.

He then smiled at me, tinaas niya ang bote.

"Mabuhay para sa mga taong hindi pinaglaban." He chuckled as I laughed, kumuha ako ng beer tsaka binuksan din ito.

We both cheers and chuckled, mabuti na lang at malamig ang beer kaya nakakaya ko pa. I don't like the taste of it kapag hindi malamig, nakakasuka.

"Kanina pa nag-aalala si tita at tito sa'yo, the first thing you should do is to move-one. Tanungin mo ulit si Calistia, we all know how cruel her father is. Ayosin niyo muna 'to, but for now all you need to do is to eat in the kitchen with tito and tita." I tapped his back, parang natauhan din siya sa sinabi ko.

Sabay kaming tumayo at naglakad, tinawag ko rin ang ilang katulong para iligpit ang mga kalat sa kuwarto ni kuya, kumakalat kasi ang mga unan tsak ilang gamit.

Tamad pa naman ang lalaking 'to.

Halos takbuhin ni kuya ang hagdan nang makita ang mga magulang niyang nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay siya, they all hugged each other like there's no tomorrow.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon