Chapter 6

127 4 0
                                    

"THE HECK!"

Halos mapaigtad ako dahil sa malakas na sigaw ni Klent, kahit si Jozy at Ameyth ay matalim ang mga mata nang sinabi ko sa kanila ang nangyari kahapon.

We're all in the garden, having our lunch. But I couldn't feel the foods, ngayon lang din napansin na hindi pala ako nakadala ng baon ko dahil sa sobrang pagmamadali kanina sa bahay.

Nagising kasi ako ng maaga, naroon pa si mommy sa kusina na umiinom ng kape niya. I didn't say a word that time, she was just flatly and coldly staring at me.

Nang marinig ko rin na bumukas ang kuwarto ni mommy ay mabilis na akong tumayo at lumabas ng bahay namin, ayokong makita si tito.

I am sick of him.

Those trauma and fear, bumabalik tuwing naiisip ko ang ngisi niya at ang namumula niyang mga mata.

Is it even imposible to have a monster here on earth? kasi ako, nakakita ako kagabi.

"Just don't talk about him again." Rinig kong saad ni Ameyth bago inilagay ang isang tray ng pagkain mula sa canteen.

Napaangat ako ng tingin sa kanila, they are warmly staring at me. I suddenly saw rainbows after storm, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa nakita.

Lord, ano ba ang kabutihan na nagawa ko at mayroon akong mga kaibigan na tulad nila? my mother said na malas ako at walang ibang ginawa kundi manira ng buhay, but Lord why are you still with me?

"Thank you." Maliit kong tugon sa kanila, they all smiled and sat besides me again. Hinawakan ni Ameyth ang kamay ko bago siya ulit nag-salita.

"I understand that you don't wanna make this big, pero kapag sumubra na sa susunod, don't hesitate to call us. We will do our best to make him pay, pero ngayon, kain ka muna dahil may meeting yata mamaya para sa camping." She said.

Tahimik kaming kumain, hindi na rin ako nagsalita. All of them are happily talking to each other, habang ako tahimik at pilit na pinapakalma ang sarili.

Hindi nagtagal nang matapos kami ay mabilis naming inayos ang mga gamit, may meeting kasi. Akmang lalabas na kami ng garden pero napatigil kami nang humarang ang hindi ko inasahang lalaki.

"Can we talk?" Luke asked me, he's with that usual empty stare using his ocen blue eyes.

I couldn't say a word.

Nakita kong natigilan din ang mga kasama ko, tumingin sa akin ang tatlo na parang naiilang dahil sa lalaki. Kahit ako, it makes me feel awkward.

"Well, she need to rest." Mabagal na sagot ni Jozy at hinawakan ang kamay ko, tumango rin ang dalawa at tinago ako.

They know that I am afraid na makita ng iba ang pasa ko, kahit may nakabalot na make up ay kinakabahan pa rin ako.

But this is Luke. . . he saved me. Iyon ang hindi ko nasabi sa kanila, nahihiya kasi ako. I bit my lower lip and looked up to him.

Nakatingin lang siya sa akin kahit pinipigilan siya ng mga kaibigan ko, wala akong ibang nagawa kundi tumikhim para pigilan sila.

"O-okay lang, mauna na kayo." Ngumiti ako sa kanila.

Umuwang ang kanilang labi at mukhang hindi pa kumbinsido kaya naman tumango lang ako sa kanila, they took a deep breath before they bid me a goodbye.

"Ang kaibigan ko, ha." Banta ni Klent kay Luke.

Lihim akong napangiti, ginamit niya kasi ang malalim niyang boses. Hindi tuloy halata na malambot siya sa loob, nakataas lang din ang kilay ni Ameyth at Jozy sa lalaki.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon