Chapter 9

138 4 0
                                    

TW: Sensitive words and topic, please be guided.

MALAPAD ang ngisi ko sa labi nang lumabas sa kuwarto ko, ito kasi ang araw lalabas kami ni Luke para pumunta ng plaza. Inanyayahan niya ako dahil may banda raw.

Pagkatapos ng graduation namin, madalas na kaming magkita at magkasama ni Luke dahil wala naman siyang ginagawa. He always playing basketball, he also mention that he was currenly doing an advance study.

Dalawang subject daw sa stem ang inaaral niya ngayon, he also need to pass sa entrance exam na magaganap. Gusto niya raw na mailagay sa stem 1, which is iyon din ang target ni Klent.

Habang kami ni Jozy, wala. Chill lang, parang di estudyante at walang inaalala na entrance exam. Well, may isang buwan pa naman eh. Kaya pa 'yan ng dalawang linggo na self review.

I chuckled, Ameyth will surely stressed out if she knew this. Siya lang naman ang parating pumipilit sa amin ni Jozy na mag-aral at maging with honor dahil kailangan 'yun para sa mga upcoming interviews.

Ameyth always belive that grades will bring you to your future. Which is true, if ever mabigat ang profession na gusto mo.

Mabilis akong tumungo ng kusina para kumuha ng kape, as usual, wala si mommy. Nasanay na rin ako na minsan lang siya magpapakita, she's having a good time now with her boys.

Kaagad kong binuksan ang messenger nang marinig ko ang isang notification, halos tumalon pa sa tuwa ang puso ko pagkatapos makita na si Luke iyon.

Shit, this is really the problem when you're friends with someone you like.

Arkanez Luke Baltazar

hey, it's five in the evening. 6:30 tayo aalis, baka naroon ang mga classmates natin. I heard, Dravis was also there. Would I pick you up later, boo?

Wow, aga-agang english ang bungad. Hindi naman talaga ako mahinang tao pero kapag talaga on the spot ang english, hindi ako si Ameyth para makapagsalita ng maayos at hindi nauutal.

Itong si Luke naman, feeling ikakacool niya ang panay english. Parang di naman siya ganyan dati, siguro sa sobrang advance study niya?

Cyrez Ninina Jazemo

Hinatayin kita 'maya, boo. 🙉

Arkanez Luke Baltazar

funny, but the monkey looks like you.

Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya, bigla ko tuloy naimagine ang boses niya na tumatawa. Umirap ako na parang nasa harapan ko si Luke tsaka dumiin ang pagkakahawak ko sa pandesal.

Cyrez Ninina Jazemo

Pakyu ka talaga.

Arkanez Luke Baltazar

thanks, but no.

Parang may lumabas na usok sa ilong ko dahil sa reply niya, wala talaga siyang ibang alam na gawin kundi sirain ang mood ko. Purket, pogi siya ganyan na?!

Umismid ako at inilagay ang phone sa gilid ng lamesa, nagsimula akong magkape as meryenda. Baka kasi late na kaming umuwi mamaya, tapos na rin ang trabaho ko sa restaurant kaya okay lang.

Tita also knew about Luke, sinabi ko sa kanya na may kaibigan na akong lalaki. At first, she wasn't convince. She belives that Luke just approach me bacuase of his personal matter, ganun daw talaga ang mga lalaki.

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon