Chapter 11

109 4 0
                                    

"Ladies and gentlemen, let's welcome the El hamra twenty-sixth anniversary!" Lahat kami ay napatingin sa kalangitan na tinuro ng host.

Kasabay ng paglabas ng musikang Fireworks by Katy Perry ay pagsabog ng ilang magagandang fireworks sa paligid, lahat kami ay natigilan at napatingin lang sa itaas.

My lips parted, I felt like there's something that swatted my nerves and my chest. I felt happy, parang nabawasan ng bigat na nararamdaman ko.

There's that matchless feelings and beauty of the fireworks above, it makes me wonder what's that kind of power.

Bakit nakakawala sila ng pagod? bakit parang nasa ibang mundo ka kapag pinapanuod sila?

I bit my lower lip, nang ibaba ang tingin ay mabilis na nahagip ng mga mata ko si Dravis na nasa dulo ng maraming tao. He was wearing a black hoodie and also a black pants, nasa loob ng mga bulsa niya ang dalawang kamay at nakatingin sa kalangitan.

Just like what I've observed, masyado na siyang naging malapit kay Ameyth. It must be also hard for him, ang daddy ni Ameyth ang tinuturo na nagbaril sa daddy niya.

Sabi rin ni Luke, hindi na masyadong lumalabas si Dravis kapag bibisita siya sa bahay ng lola niya malapit lang din kina Dravis. Parang wala na raw ang kaibigan niya na mahilig tumawa at mang-asar simula no'ng mga nangyare.

Dravis was stading right there, looks so lonely.

But Luke was happy when he told me that Dravis contacted him, nagtanong daw ito kung kailan ang entrance exam ng STEM. Nagulat nga ako eh, mukhang tuloy si Dravis na maging civil engineer.

Klent was also happy, kasi sisiguradohin niya raw na magiging kaklase niya ito. Lihim akong napatawa dahil sa naalala, hindi pa raw huli ang lahat dahil baka hindi straight si Dravis sabi ni Klent.

Pareho talaga sila ni Jozy, mga delulu.

"Why are you looking at him?" Luke asked, cold and firm voice.

Napalingon ako sa kanya sa likuran ko, nakakunot ang noo pero ang isang kilay ay nakataas. Lihim akong napatawa dahil do'n, mukha siyang supladong bata.

His electric blue eyes are oozing coldness and beauty. Parang hindi mo kayang kunin ang mga mata kapag nakatingin sa kanya, ang ganda talaga.

"Why are you looking at him?" Pag-uulit niya, this time his voice was full of authority and grim.

"W-wala, naalala ko lang si Ameyth na kaibigan ko." Saad ko at ngumiti, tumingin ulit siya kay Dravis pagkatapos ay ngumuso.

Anyare? may dalaw ba siya?

"Hindi naman sila magkamukha ni Ameyth." Sabi niya bago nagkasalubong ang mga makakapal na kilay, napatawa ako dahil do'n.

Mukhang may dalaw nga siya. Napikon yata siya dahil sa tawa ko, he turned around and walked out. Parang may pumiga sa puso ko nang marealized, nagseselos ba siya?

"Luke!" I shouted, mukhang aalis nga siya.

Nang makalabas kami sa maraming tao ay mabilis kong hinawakan ang braso niya, pero mabilis niya namang binawa tsaka kinuha ang susi ng motor sa bulsa.

"Do'n ka na, di naman kayo bagay." Umirap siya sa akin, padabog pa niyang kinuha ang helmet tsaka isinuot sa sarili.

I pouted and stared at him, pati ako biglang nainis sa kanya. Ano ba ang pinagsasabi niya? akala niya ba may gusto ako kay Dravis? talagang may dalaw si Luke kung ganun!

Bago niya binuhay ang motor niya ay lumingon siya sa akin sa likuran, nakasalubong ang kilay ko sa kanya pero unti-unti akong ngumuso ulit.

Gago 'to, iiwan niya talaga ako?

Does the Sun Fall? (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ