Chapter 386

263K 4.9K 6.5K
                                    

A/N: Enjoy!!!!!


Checkmate

Jay-Jay's POV

"Hindi 'to alam ni Marianne, kaya hinaan mo lang ang boses mo," sabi ni Drew habang patuloy sa paghango ng mga damit.

Sinadya naming bagalan ang kilos para makapag-usap kami ng maayos. Hindi ko lang alam kung naririnig ba kami ni Yuri na abala sa paglalaro ng chess. Matalino naman siya kaya alam kong keri niyang labanan ang isang champion. 

"Ibig mong sabihin, umabot ng 39 million ang utang na iniwan niya sa inyo? Ngayon 9 million na lang sana kaso dahil sa shark loan naging 15 million?" pag-uulit ko sa sinabi niya sa 'kin.

Tumango siya habang pinapagpag ang damit na hawak. "Hindi ko alam kung nasan ang walanghiya at kung paanong nakakagawa pa rin siya ng utang matapos magtago."

"Saan naman niya ginamit ang pera?"

"Sugal at panlalalaki," sagot niya bago ibalik ang basket sa bahay nila.

Napanga-nga ako sa sinagot niya. Gano'n kalaki ang naubos niya sa sugal at . . . ano? Sandali!

Bumalik si Drew dala ang walang lamang basket. Tinuloy niya ang ginagawa at ako nanatili pa ring nag-iisip sa huling sinabi niya habang hawak ang kaparehong damit na huli kong nakuha.

"Hindi ba pangbababae?" pagtatama ko pero umiling siya.

Hindi nga ako nagkamali ng dinig sa huling sinabi niya.

"Panlalalaki. Ilang beses ko nahuli 'yon dati pero dahil bata pa ko hindi ko pa naiintindihan," kaswal na paliwanag niya na parang ordinaryong bagay lang ang mga sinasabi niya.

Kusang bumalik sa 'kin ang reaksyon niya no'ng umamin si Kit sa harap ng klase.

"Kaya ka ba nagalit no'n kay Kit?"

Huminto siya at kinuha ang damit sa kamay ko. Binigay ko naman at hinayaan siyang itupi 'yon ng maayos. 

"Bumalik sa 'kin lahat no'ng umamin siya. Hindi ko napigilan galit ko, kaya gano'n nasabi ko sa kanila. Pinagsisisihan ko naman 'yon," paliwanag niya.

Alam ko namang nagka-ayos na sila no'n. Wala rin naman akong nakikitang galit o inis sa kanya kapag tinitignan ang mag-jowa. Dipende na lang kung nagkapikunan na naman sila ni Mayo.

Sunod na nilapitan ni Drew ang mga kumot. Tinulungan ko siyang kuhanin 'yon sa sampayan at pagpagin bago itupi. 

Napatingin ako kina Yuri ng wala akong naririnig na kahit na anong ingay mula sa kanila. Concentrate na concentrate sila pareho. Ilang chess pieces pa lang ang nakukuha nila mula sa isa't-isa at parang ilang minuto bago sila gumawa ng kilos at tumira.

Totoo nga, ang kumplikadong laruin. Pang-matalino talaga.

Napatitig ako sa Mama ni Drew bago ko siya harapin. "Alam kong personal na 'tong itatanong ko pero . . . ang Mama mo, anong nangyari sa kanya?"

"Hindi naman personal na tanong 'yan, maraming nakakaalam niyan. Na-tabloid pa nga siya dati dahil sa kundisyon niya." Huminto siya sa ginagawa at pinagmasdan ang Mama niya. "Akala ko kaya niyang i-handle lahat. Binenta niya mga property namin, insurance, business, pati pension niya ginagamit niya pangbayad ng mga utang. Tapos araw ng graduation ko hindi sila dumating, pag-uwi ko sa bahay si Marianne lang ang naabutan ko. Hindi namin alam na may problema na pala siya sa pag-iisip at nawawala na pala siya no'n. Buti na lang may mabuting taong nagdala sa kanya sa Police Station. Malas nga lang, kasi merong reporter do'n na nakakilala sa kanya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 6 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon