Chapter 2

662 12 0
                                    

She is wearing a off shoulder red long fitted dress. Kaya hulmado ang kanyang magandang hubog na katawan.

Nadia sing with all her heart. Sa kompetisyong ito hindi niya hinangad na siya ang magwagi. Magaling siya, may ibubuga siya pagdating sa pagkanta. Ngunit alam niya sa sarili na may mas magaling pa sa kanya ngayong gabi.

Kahit sanay na siyang kumanta sa harap ng maraming tao, hindi niya napigilan na siya ay kabahan nang nasa intablado na siya. Narinig niya kasi kanina na isa sa mga Montefalco ang hurado ngayong gabi.

Sa kwento at sabi-sabi niya lang nakilala ang magkapatid na iyon. At ni minsan ay hindi niya pa ito nakita. Para sa kanya, suntok sa buwan ang makita ang tatlong magkakapatid. Pero ngayong gabi, isa sa mga ito ay kanya nang nakita, nakaharap, at isa rin sa mga taong narito na inalalayan niya ng kanyang awitin.

Nagpalakpakan ang mga tao matapos siyang kumanta. Pati ang mga hurado ay bumilib sa galing niya. Nangangantog ang tuhod na bumaba siya ng intablado. Wala siyang kakilala rito kaya tumabi nalang siya kapwa niya mang aawit habang hinihintay ang resulta. Siya kasi ang huling contestant.

Nilapitan ni Enrico ang kanyang kuya matapos kumanta ni Nadia. Parang aso naman na bumuntot sa kanya ang dalawang pamangkin at lumapit sa ama nito.

"Sabi ko bantayan mo. Hindi ko sinabing dalhin mo sila sa akin, " pikon na wika ni Javier kay Enrico.

Enrico tap his brother's back. "Wag ka na magalit. Nga pala, sabihin mo sa MC na kapag nanalo yung last contestant, ako ang mag aabot ng price niya para rito. "

"Oh, come on man, " disgusto na usal ni Javier. Ngunit binitbit na ni Enrico ang kanyang dalawang anak papalayo sa kanya. Napailing nalang si Javier at sininyasan ang MC na lumapit sa kanya.

'Baka magwawala iyon kapag hindi pinagbigyan.' Sa isip ni Javier habang tinatanaw ang kanyang nakababata na kapatid. Karga nito sa magkabilang bisig ang dalawang pamangkin na inaantok na.

"Dahil hindi nakahabol si Mr. Enrico to be part of our judge's tonight. Don't worry dahil isa siya sa mag aabot ng price sa contestant na manalo ngayong gabi. "

Napako ang paningin ni Nadia sa MC nang magsalita ito. Kung ganoon, narito rin si Enrico? Makita niya na rin sa wakas ang popular na babaerong binata.

Hindi pa man iyon nangyari ngunit nanginginig na ang kalamnan ni Nadia na masapak ang binata. Ewan ba niya kung bakit kumukulo ang dugo niya sa lalaki na iyon.

"Absent ngayon si Mr. Ethan. Dahil maselan ang pagbubuntis ng kanyang fiance kaya hindi sila nakadalo. Anyway, handa na ba kayo para malaman kung sino ang kampiyon sa gabing ito? "

Naghiyawan ang mga tao. Kanya-kanya silang sigaw sa kanilang nagustuhan na manalo. Napangiti si Nadia nang marinig niya ang kanyang numero na sinisigaw ng mga tao. Kampante siya na manalo siya, ngunit hindi niya hinahangad na mauwi niya ang first price. Kontento na siya sa second at third. Kung hindi papalarin, kahit consolation price lang matanggap niya ay ayos na iyon sa kanya.

Ngunit kinabahan siya nang hindi pa tinatawag ang kanyang pangalan. Kapag hindi siya ang nanalo bilang third place ay baka second place siya. Ngunit iba ang nanalo ng second place. She was about to live dahil alam na niya na hindi siya pasok sa gabing ito para manalo ngunit saglit na tumigil ang kanyang paghinga nang...

"And our champion for singing contest tonight is goes to contestant number 8. Our last contestant from Malasila, Nadia Carnaje! "

Naghiyawan ang mga tao nang umakyat siya sa intablado para tanggapin ang kanyang napanalunan. Hindi parin siya makapaniwala na siya ang nagwagi.

"Mr. Enrico Montefalco will give the bouquet and cash prize. And Mrs. Janice Montefalco will give the trophy," wika ng MC na ikinatigil ni Nadia.

"Porque sexy at maganda nagbulontaryo kang iabot ito. Kaya pala nangdududa ang tingin sayo ng kuya mo, " wika ni Janice nang sabay silang dalawa na umakyat. Natawa nalang si Enrico sa sinabi ng bayaw.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon