Chapter 4

534 13 0
                                    

Apat na araw na ang lumipas mula ng mailibing si Selvia. Masakit para kay Nadia ang nangyari dahil ang kaisa-isa niyang pamilya ay bigla nalang nawala sa isang iglap.

Sa pangyayari na ito si Peter ang kanyang sinisisi. Kasi kung inalagaan niya at tunay na minahal ang Ate Selvia niya sana ay buhay pa ito ngayon. Kung sana hindi niya ito niloko at pinangakuan wala sanang sanggol na isinilang na isang ulila.

Pagod ang katawan na sumalampak si Nadia sa kama. Sa dalawang oras na pagsasayaw karga ang pamangkin sa wakas nakatulog rin ito.

Ganito ang sitwasyon ni Nadia tuwing gabi. Pakiramdam niya losyang na siya apat na araw makaraan sa pag alaga ng pamangkin.

Gusto na niyang sumuko. Wala naman siyang alam tungkol sa pag aalaga ng bata. Nangako siya sa kanyang ate ngunit hindi niya inaasahan na kargo niya pala ang lahat ng responsibilidad sa pamangkin.

Kakapikit palang ng mata niya ng bigla na naman umiyak ang bata. Mangiyak-ngiyak na bumangon si Nadia para kunin ang umaatungal na bata.

"Patulugin mo na ako. Kailangan ko rin magpahinga. Pagod na pagod na ako, " lumuluha na wika ni Nadia habang pinapatahan ang pamangkin.

Hindi na niya alam ang gagawin. Ang lahat ng pagod, puyat, konsimisyun na nararamdaman niya idinaan nalang sa pag iyak. Hindi naman siya maintindihan ng bata kung sisihin niya ito. Kahit magalit siya hindi naman kaya ng loob niyang hayaan nalang ito dahil pamangkin niya ito.

Pasandal siyang huminga karga ang pamangkin. Mahina siyang kumanta at sinasabayan ng mahinang tapik sa puwet ang bata. Sa paraan na iyon ay kumalma ito. Natulog ulit ang bata sa bisig niya.

Nakangiti na tinitigan niya ang pamangkin. "Magkapatid naman kami ng mama mo. Sa akin mo nalang damhin ang yakap ng isang ina sa oras na pakiramdam mo ay natatakot ka. "

Sa ganoong posisyon sila nakatulog. Paggising ni Nadia kinabukasan parang hinampas ng makapal na tabla ang balikat niya.

Mahimbing parin ang tulog ng bata. Dali-dali siyang naligo at nagluto ng agahan niya. Nang matapos sa gawain sakto ring nagising ang pamangkin. Pinadede niya ito at binihisan. Ihahatid niya ang bata sa bahay ng komadrona para doon paliguan dahil hindi pa siya marunong sa bagay na iyon.

"Naiparehistro mo na ba itong pamangkin mo? " tanong ni Aling Tessa. Binibihisan nito ang bata na kakatapos palang maligo.

"Hindi pa ho," mahinang napabuntong hininga si Nadia. "Ang totoo niyan, gusto ko sana na ipaalaga siya sayo, Aling Tessa. Hindi ko siya kayang alagaan lalo na at bago palang sa akin ito. "

"Naku Nadia, hindi ko matatanggap ang alok mo. May mga anak at apo rin ako na inaalagaan, " sagot ng Ale.

"Babayaran ko naman kayo, Aling Tessa. "

Umiling ang Ale. "Pasensiya na, Nadia, pero hindi kita matutulungan dito. "

Laglag ang balikat ni Nadia na sagot ng Ale. "Naintindihan ko... Pero pwede bang makisuyo na bantayan muna siya ngayon? Bibili lang ako ng gatas niya. Babayaran ko lang ang oras sa pagbabantay mo sa kanya. "

Isa rin sa ikinasuko ni Nadia ang pagiging matakaw ng bata. Nabawasan na ang ipon niya. Hindi rin siya maka raket sa pagkanta dahil walang may magbabantay sa pamangkin.

Para siyang isang ina na walang asawa sa kanyang sitwasyon.

Subrang stress na niya. Ni hindi niya rin magawang buksan ang kanyang maliit na tindahan dahil sa pamangkin pa lang ubos na ang oras niya.

"Miss ganda! "

Sa lalim ng kanyang iniisip kanina pa pala siyang nakatayo sa paradahan ng trycicle. Kung hindi siya tinawag ni Nenita hindi pa siya natinag doon.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDWhere stories live. Discover now