Chapter 31

487 13 0
                                    

"Let go your fucking dirty hands at her!

Mariing usal ni Enrico. Kumuyom ang kanyang kamao  nang humarang sa kanya ang dalawang  tao na taga bantay ng lalaking sinita niya. Malaki ang mga katawan nito ngunit kampante si Enrico sa kakahayan niya na kaya niya ang mga ito sa oras na sugurin siya ng dalawang lalaki.

Ngunit hindi pa siya nagsalita kusang tumabi ang dalawang lalaki upang makadaan siya.

Nakahinga ng maluwag si Nadia at nagpasalamat ng dinggin ng panginoon ang kanyang dasal na sana ay may tao na darating upang tulungan siya. Ngunit ganoon nalang ang gulat niya nang sa kanyang pagmulat nakita niya ang galit na mukha ni Enrico na papalapit sa kanya.

Ang saya niya na sa loob ng limang buwan nakita na niya ulit si Enrico. Gusto niyang maiyak sa tuwa at pasasalamat dahil niligtas siya ni Enrico sa ganitong pagkakataon. Ngunit kaagad rin napalitan ng takot at pangamba. Ngayong nakita na siya ni Enrico wala na siyang kawala.

Paano kung papatayin siya? Paano kung maghihigante si Enrico sa kanya sa pamamagitan ng kanilang anak? Ikulong siya. Pagmalupitan. O kaya ay dahan-dahan na patayin.

Mariing napalunok si Nadia. Naligtas nga siya sa manyak niyang amo, hindi naman siya makaligtas kay Enrico.

Nilingon ni Mr. Jiao si Enrico ngunit hindi parin binitawan si Nadia. "At sino ka naman? " matapang na wika niya kay Enrico. Dahil pandak siya nakatingala siya sa lalaki.

Hindi magawang itulak ni Nadia si Mr. Jiao. Kung titingnan sila sa malayuan ang laswa ng posisyon nila.

Naistatwa ang kanyang katawan habang nakatoon ang mga mata kay Enrico. Kahit may kadiliman gawa sa sinag ng mga patay-sindi na ilaw, nakita ni Nadia ang pag igting ng panga ni Enrico at ang nag aalab nitong mata sa galit.

Hindi niya alam kung saan nagagalit ang lalaki. Kung sa kanya ba o sa lalaking panot na nakahawak sa kanyang paa at balikat.

Pigil ang hininga ni Nadia nang huminto sa kanilang harapan si Enrico. Nanlaki ang kanyang mga mata, umawang ang labi at ang bilis nang tibok ng kanyang puso nang magsalita si Enrico.

"Asawa niya ako... May angal ka? " aniya kay Mr. Jiao at dinaklot ang kwelyo nito at parang papel na binaklas niya papalayo kay Nadia.

Tigagal si Nadia sa sandaling iyon. Hindi niya inaasahan na iyon ang marinig niya sa bibig ni Enrico. Naghalo-halo ang kanyang naramdaman. Ngunit paano kung paraan lang iyon ni Enrico para madali siyang makuha nito sa kamay ni Mr. Jiao? Lalong kinabahan at natakot si Nadia sa kanyang naisip. Gusto niyang tumakbo palayo. Ngunit hindi niya maigalaw ang mga paa. At nakita niya rin ang dalawang kapatid ni Enrico na papalapit sa kanila.

Kumakawag si Mr. Jiao at pilit tinatanggal ang kamay ni Enrico sa kanyang kuwelyo. Sa higpit ng hawak ni Enrico, hindi na siya makahinga ng maayos.

Habang si Enrico, panay igting ng kanyang panga at naroon parin ang tingin kay Nadia. Saka niya lang binitawan si Mr. Jiao nang dumating ang kanyang mga kuya at pinsan.

Hinawakan ni King at Adam  sa magkabilang braso si Mr. Jiao at binitbit na parang isang papel  palayo kay Nadia. Nagsusumigaw pa ang matanda na bitawan siya.

Tinapik ni Javier ang balikat ni Enrico. "Una na kami."

Nang sila nalang dalawa ang naiwan. Nilapitan siya si Enrico at sinipat ang kanyang buong katawan. Naka leggings at polo shirt ang suot ni Nadia. Kaya hindi masyado makita ang umbok ng kanyang tiyan.

Napaiktad siya ng kunin ni Enrico ang kanyang kamay at sinipat ang magkabilang braso.

"Are you alright? Masakit ba iyong hinawakan niya? Saan ka pa niya hinawakan-"

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDWhere stories live. Discover now