Chapter 26

478 13 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas nang umalis siya sa mansyon ng mga Montefalco. Sa isang linggo na iyon malaki ang ipinagbago ng kanyang katawan. Hindi siya makatulog ng maayos sa gabi dahil naging praning siya. Na baka puntahan siya ni Enrico sa kanyang bahay at patayin.

Kaunting kaluskos lang naging alerto na siya. Nakasarado ang kanyang buong bahay. Wala ring nakakaalam na kapitbahay niya na nariyan na siya. Mabuti nalang at may mga stocks siya sa kanyang tindahan, iyon ang naging konsumo niya sa isang linggo.

Sabado. Nasa bayan siya, hinihintay ang pagdating ni Nenita. Hindi siya umaasa na pupunta rito ang dalaga pero nagbabakasali siya.

Nakapurong ang kanyang ulo at mukha. Kinakabahan siya na ilantad ang kanyang mukha dahil baka nasa paligid lang si  Enrico.

Uuwi na sana siya nang makita niya si Nenita na may maraming bitbit na pinamili. Nagmadali siyang lapitan ito. Palinga-linga pa siya paligid bago kinalabit ang dalaga.

"Nenita."

Gulat na nilingon siya ng babae. "Nadia? Bakit ganyan ang outfit mo? "

"Namumula kasi mukha ko, may allergy, " dahilan niya rito. "A-anong balita doon, Nenita? " walang paligoy-ligoy na tanong niya.

Nais  niyang makibalita kung ano ang nangyari sa mansyon matapos niyang umalis doon ng walang paalam. Nais niya ring malaman kung hinanap ba siya ni Enrico, kung naibanggit ba siya ng binata kay Nenita.

Gusto niya ring malaman kung ano ang nangyari sa kanyang pamangkin. Nakuha ba ito ni Peter o kung nandoon parin ito sa mansyon kasama ng mga Montefalco?

Malungkot na umiwas ng tingin si Nenita. "Kinuha na si Baby Gio ng tatay niya kinabukasan na iyon. Ang lungkot nga, e. Yung bahay parang sementeryo, ang tahimik na. Kamusta ka na pala?" Biglang pag iba ni Nenita sa usapan.

"Ah, ganoon ba," dismayadong usal niya dahil nakulangan siya sa impormasyon na ibinalita ni Nenita. "Okay lang naman ako. Aalis rin ako dito sa susunod na linggo, " aniya.

Gusto niya rin sana malaman ang kalagayan ni Enrico. Ngunit hindi binanggit ni Nenita ang pangalan ng binata. Siguro ay ayos na siya. Siguro tanggap na niya ang katotohanan. Kung ganoon nga, mabuti iyon para sa kanya.

"Aalis, bakit?"

Mahina na napabuntonghininga si Nadia. "Buntis ako... At si Enrico ang nakabuntis sa akin. "

Umawang ang labi ni Nenita at nanlaki ang mga mata nang malaman na buntis si Nadia. May kutob siya na may namamagitan kay Enrico at Nadia ngunit hindi niya ito inaasahan. Hindi kasi ang katulad ni Enrico na babaero ang tipo niya. Lagi niya rin itong pinapaalalahanan na wag magpapadala sa karisma ng lalaki. At kung maari ay triplehin niya ang damit at panty na suot nang sa ganon magising siya kung sakali na gapangin siya ni Enrico sa kanyang silid.

Napayuko ng ulo si Nadia, nahihiya siya sa dalaga. "At habang nandito ako baka makasama iyon sa akin, " dugtong niya. "Pakiusap, huwag mong sabihin ito kay Enrico."

"T-teka, aalis ka? Saan ka pupunta at bakit ka aalis? " sunod-sunod na tanong nito nang mahimasmasan.

"Sa Malita ako pupunta doon sa tiyahin ko. At ang tungkol sa pag-alis ko, siguro panahon narin para ipagpatuloy ko ang pangarap ko. Iyon  naman talaga ang plano ko bago ko ibinigay si Baby Gio sa mga Montefalco. Ngayon na naroon na siya sa kanyang tatay, sarili ko naman at ang pangarap ko ang unahin ko. "

"Pero paano ka? Paano ang anak mo? "

"Kaya ko ang sarili ko, Nenita. Kaya kong buhayin ang anak ko. Pakiusap,huwag mo itong sabihin kay Enrico, ha."

Bago ang araw na lumantad ang kanyang sikreto, alam na niyang buntis siya at sasabihin niya sana kay Enrico ang pagdadalang-tao niya. Ngunit  wala siyang pagkakataon na sabihin iyon kay Enrico dahil iniiwasan siya nang lalaki. At dumating pa si Patrick at nabulilyaso ang kanyang sikreto. Kaya wala na siyang mukha na isabi pa kay Enrico ang tungkol sa pagbubuntis niya dahil natatakot na siya dito.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDWhere stories live. Discover now