Chapter 7

503 14 0
                                    

Ubos na ang pasensya ni Enrico sa walang sawa na pagbasa sa mga resume na nag apply bilang yaya ng anak niya.

Maaga palang marami ng nakapila sa labas ng mansyon para mag apply. Kaya naisipan niyang kunin nalang ang mga resume ng mga ito at tatawagan nalang kung sino ang capable bilang tagapag-alaga ng kanyang anak.

Kanina pa niya ito sinimulan pero wala parin siyang napili. Iyong iba nag apply lang para masilayan siya. May minor de edad pa. Senior citizen, at mas malala may modelo at artista.

"Ugh! Sana hindi nalang yaya ang kinuha mo kung ganito naman ang mag aapply, " himutok ni Nenita na siyang tagasunod magbasa sa mga resume. "Anong alam ng modelo at artista na ito sa pagbantay ng bata? Baka kamo ikaw ang i babysit ng mga iyon. "

"Can you just keep quite, " inis na singhal ni Enrico.

"Hmp, " pabagsak na inilapag ni Nenita ang folder na hawak sa mesa at hinarap siya. "Iyong kaibigan ko gusto ring mag apply. Baka iyon magustuhan mo na mag alaga sa anak mong iyakin. Wag kang mag alala dahil hindi lang iyon puro paganda at pamalas ng talento ang alam, marunong iyon sa pag alaga ng bata. Kahit matanda kaya iyon alagaan."

Matalim ang mata na tiningnan siya si Enrico. "Kapag iyan walang alam, patay ka sa akin. "

"Edi, subukan para malaman. Ito naman, " tumayo si Nenita. "Susunduin ko na siya sa bahay nila. "

Napabuntonghininga na umiling si Enrico na sinundan ng tingin si Nenita palabas ng kanyang silid. Saglit siyang pumikit habang hinihilot ang sintido. Naroon si Janice at Liel sa ibaba, sila muna ngayon ang nagbabantay sa anak niya habang busy siya sa pagsiyasat sa resume na mag apply bilang yaya dito.

Makaraan ng ilang minuto na pag idlip may kumatok sa labas ng kanyang silid kasunod ang boses ni Liel. "Enrico, nakatulog na ang anak mo, " mahinahon na wika nito.

Pinagbuksan niya ng pinto ang hipag. Unang pumasok si Zaylon bitbit ang feeding bottle at ibang gamit ng bata. Ginulo ni Enrico ang buhok nito nang ilapag niyon sa island table kasama ng ibang gamit ni baby.

"Thanks buddy, " nakangiti na wika ni Enrico sa bata.

Inayos niya ang crib at dahan-dahan naman na inilapag ni Liel ang sanggol doon. "Gusto niya kapag kinakantahan siya, " wika nito at mahinang idinuyan ang crib nang hindi ito magising. "Subukan mong magpatugtog nang sa ganun makatulog siya ng matagal at hindi magpakarga. "

"Thank you, Liel. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo na umaalalay sa akin, " sinserong wika niya sa hipag. "Hindi pala madali ang maging isang magulang. "

Tinapik ni Liel ang kanyang balikat sabay ngiti. "Itong batang ito lang pala ang magpapatino sayo. "

"Tssk. Sino ang magbabantay nito kung mag night out pa ako, " natatawa na sagot niya. "

"Gag-ahem, may mga bata pala. Iyong kuya mo kasi nahawaan ako, " pareho silang natawa. "Natutuwa ako na kahit mahirap ginampanan mo parin ang pagiging mabuti at responsableng ama sa anak mo. Ipagpatuloy mo yan. Nandito lang kami nakasuporta palagi sa iyo. Nandito lang kami handang tumulong sayo sa pagpapalaki sa anak mo. "

"Thank you, " nakangiti na wika niya.

Nang makalabas ang mag-ina, pabagsak siyang umupo sa swivel chair at ipinikit ang mata. Kahit saglit nais niyang makaidlip. Maka relax ang kanyang isip. Mahimbing ang tulog ng anak niya. Tama nga si Liel, gusto ng bata ang may kumakanta habang ito ay natutulog.

Ngunit hindi siya makatulog. Naglalakbay ang kanyang isip sa walang kabuluhan na bagay. At bigla niyang naisip na simula ng dumating ang anak niya hindi na siya naka gimik. Kahit ang pagdampi ng alak sa kanyang labi ay wala na. Napailing siya at hindi makapaniwala sa sarili na nakayanan niyang walang ka sex sa loob ng isang linggo.

Ni hindi man lang niya naramdaman na sumabik ang alaga niya. Na para bang normal lang sa kanya ang walang sex life.

Isang katok ang pumukaw sa kanya. "Sir, nandito na kami." Naulinigan niya ang boses ni Nenita.

"Come in, " kaswal na sagot niya at minulat ang mata ngunit nasa ganoon parin siyang posisyon, nakasandal at naka dikuwatro ang paa.

Biglang nabuhay ang katawang lupa niya nang makita kung sino ang pumasok kasunod ni Nenita. Hindi pwedeng makalimutan niya ang babae. Ito lang naman ang dahilan kung bakit hindi nito maintindihan ang sarili isang linggo makaraan. Ito rin ang babae na palaging sumasagi sa kanyang isip sa tuwing siya ay pipikit and made him orgasm.

Pinatili niyang maging kaswal kahit gusto ng kumawala ang hari sa pagitan ng kanyang dalawang hita. At ng makita niya ng buo ang katawan ng dalaga, napaayos siya ng upo dahil parang sinilaban ang kanyang puwet.

"Siya yung sinasabi ko na kaibigan ko, " wika ni Nenita. Binalingan niya si Nadia. "Iwan na muna kita. Good luck, " nakangiti na bulong niya rito.

Ang tapang ni Nadia ay biglang nalusaw ng makita ang seryosong si Enrico. Natulala siya sa natural na kagwapuhan ng binata. Hindi ito kagaya noong unang gabi na nakita niya ito. Ngayon, malinaw, maliwanag, mas malapit. At hindi niya maikaila na subrang gwapo nito.

"What is your name?"

Parang kiliti sa buong sistema ni Nadia ang malalim at buo na boses ni Enrico. Nakatulala na nakatitig lang siya rito.

"Do you have a resume? " tanong pa ni Enrico.

Mariing napalunok si Nadia dahil parang tila siya ay napepe at hindi makapagsalita.

"How old are you? What is your status, single, maried or in relationship--"

"T-teka... Bakit pati status ko kailangan mong itanong? " nauutal na wika ni Nadia dito.

Nagsalubong ang makapal na kilay ni Enrico. "Dahil mag-aalaga ka ng bata. Twenty four seven. Kung ikaw ay may asawa  malamang malaki ang epekto niyon sa pamilya mo dahil hindi ka makakauwi. At kung ikaw naman ay inrelationship," tumuwid ito ng upo. "Baka hindi mo ma alagaan ng maayos ang anak ko at puro landian ka na lang sa phone  mo. "

Gumalaw ang panga ni Nadia. "S-single ako... "

"Good. So, bakit ka nag apply bilang yaya? "

"Kasi naghahanap kayo-ano... kasi mahilig ako sa bata at gusto ko mag alaga ng bata, " pagbawi kaagad ni Nadia sa kanyang salita ng lalong magbuhol ang kilay ni Enrico.

"May experience ka na ba sa pag alaga ng bata? "

"Oo."

"Good. Sampulan mo ako kung paano padedehin ang bata. "

"Po? Gulat na wika ni Nadia. "Padedehin? Sa suso ko? Pero wala naman akong gatas. "

Umalon ang lalamunan ni Enrico habang nakatitig sa inosenteng mukha ni Nadia. Sa tuwing magsasalita ito gumagalaw ang malaking dibdib niya at naaakit siya.

"Hindi ko sinabing sa suso mo siya padedehin, " kaswal parin na wika ni Enrico. "Formula milk at breast milk ang iniinom niya. At ang ibig kong sabihin, sampulan mo ako na magtimpla ng gatas at kung paano siya padedehin. "

"Paano ko iyon gagawin, tulog ang bata, " hindi napigilan ni Nadia ang mainis dahil sa maling salita na binitawan nito.

Napalabi si Enrico. Tama naman si Nadia, paano niya iyon gagawin kung tulog ang bata, sino ang padedehin niya?

"Alright. Magsimula ka na ngayon. Para makita ko at malaman kung capable ka ba na maging yaya ng anak ko. "

"Ho?! "

"Ayaw mo ba?"

Umiling si Nadia. "Hindi sa ganun--"

"Ayun naman pala, " tumayo si Enrico at dinampot ang leather jacket niya sa sandalan ng swivel chair. "Ikaw na muna ang bahala sa anak ko. Don't worry, narito naman si Nenita at ibang kasambahay na magtingin tingin sayo. Isang linggo na akong walang dilig. I need to recharge myself. "

Napailing na napakuyom ng kamao si Nadia. 'Hindi ka parin pala nagbabago, Enrico.' Mariing usal niya sa sarili at matalim na sinundan ng tingin si Enrico na papalabas ng silid.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDWhere stories live. Discover now