Chapter 40

555 15 0
                                    

"Balak ipa-demolished ang ibang parte ng mga kabahayan sa Malasela. At isa ang bahay ni Nadia ang maapektuhan. May iba palang nagmamay-ari ng lupa na iyon na kinatitirikan ng bahay ni Nadia. May mga dokumento siya na nagpapatunay na nasa kanya iyon. Sa susunod na linggo na iyon gagawin o baka ay mas maagas pa. Nagkagulo na ang mga tao roon."

Wala naman sanang pakialam si Enrico dahil wala siya sa posisyon para magprotesta sa agarang demolisyon na mangyari. Ang kaso lang damay ang bahay ni Nadia.

Ayaw niyang bigyan ng isipin ang babae. Kahit matagal na itong hindi umuuwi sa bahay niya alam ni Enrico na mahalaga kay Nadia iyon. Kaya hindi niya hahayaan na ang isang bagay na naiwan kay Nadia ay mawala pa. Iyon nalang ang alaala na naiwan ng kanyang pamilya sa kanya.

Magkasama sila ni Ervin na tinungo ang barangay nila Nadia. Malayo palang nagkagulo na ang mga tao sa labas ng kanilang bahay habang isa isang inilalabas ang kanilang kagamitan.

Masakit iyon para kay Enrico. Ang makita ang mga taong puno ng pag-alala, paghinayang at sakit sa isiping anumang oras ay aalis na sila sa bahay na kanilang tinitirhan sa mahabang panahon. Na sa isang iglap mawalan sila ng bubong na masisilungan.

"Saan na tayo lilipat nito ngayon? " napahilamos sa mukha na usal ng babae habang nakatingin sa kanilang naipundar na bahay.

"May nagmamay-ari pala nito bakit hinayaan pa tayo ng gobyerno na tumira ng matagal na panahon rito? "

"Iyon rin ang tanong ko. Pero anong laban natin, nasa kongreso pala ang mag-ari nitong lupa at isang negosyante. Madali niya lang tayo paalisin rito. "

"Ayos lang naman sana na paalisin tayo rito basta bigyan niya tayo ng maayos na malilipatan. "

Mga salita na narinig ni Enrico sa mga taong kanyang nadadaanan. Nang huminto siya sa tapat ng bahay ni Nadia, nagtangis ang kanyang ngipin nang makilala ang taong gustong ipa-demolished ang mga kabahayan.

Pormal ang mukha na lumabas si Enrico sa kanyang sasakyan. "Congressman Espinosa, " pag agaw ng pansin ni Enrico sa lalaki.

"Montefalco, nagawi ka rito? " malaki ang ngiti na sagot ng Congressman.

"Nabalitaan ko na ipa-demolished mo raw ang parteng nasakop sa lupain mo. "

"Oo. Nanghihinayang ako sa parte ng lupain ko na ibang tao ang nakikinabang. Gawin ko itong resort. Sakto at abunda rito sa tubig, " pagmamalaki na saad pa ni Congressman.

"Ilang ektarya ba ang lupain na ipinagmamalaki mo? " nakapamulsa at taas noo na tanong ni Enrico.

"Limang ektarya ito kasama na ang tinitirikan ng mga bahay na narito. Matagal ko na sana itong gustong gawin ngunit bago palang ako sa kongreso. Ngayon maari ko ng gawin ang nararapat sa lupain ko. "

"Bibilhin ko ang lupain mo. Tatlong bilyon para sa limang ektarya," napanganga ang Congressman sa kanya at napakurap ang mata hinahanap kung nagbibiro ba si Enrico. "Walang demolisyon na mangyari. At akin na ang lupain mo rito sa Malasela. Kung ayaw mo sa gusto ko.... kilala mo kami Congressman Espinosa. And I know your little secret, " nakangisi na bulong ni Enrico na nagpaputla sa buong mukha ng Congressman.

Makahulugan na ngumiti si Enrico. "My friend Ervin will handle everything, " saad ni Enrico bago tumalikod.

Npapikit at napabuga ng hangin si Enrico nang makapasok sa kanyang sasakyan. Hindi niya lubos maisip na kaya niyang maglabas ng ilang bilyon para lang isalba ang bahay ng babaeng mahal niya.

"Kahit sino naman gagawin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Si dad nga walang pag-alinlangan na isuko ang posisyon na pinaghirapan niya maibalik lang ni Tito Alfred si mama sa kanya."

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDWhere stories live. Discover now