Chapter 5

515 12 0
                                    

Madaling araw na  at kailangan ng umuwi sa mansyon ni Enrico. Kakatapos niya lang magparaos ng init ng katawan. Hindi na siya bumaba sa bar upang magpaalam sa kaibigan. Dumiritso ito na lumabas sa building at tinungo kung saan naka park ang kanyang sasakyan at nilisan ang lugar.

  Simula noong namatay ang kanyang ina na si Debbie Mae Layson-Montefalco, naging tambayan na ni Enrico ang Thumbayan Resto Bar na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan at kasusyo dito sa tagong lugar sa maliit na bayan ng Malasila.

  Isa itong abandonadong building na matatagpuan sa gitna ng malawak na palayan na pagmamay-ari niya. At hindi alam ng kanyang ama na si Don Emmanuel Montefalco na siya ang  may-ari ng malawak na lupain na ito.

  Ang tanging alam lang ng kanyang ama at dalawa nitong kapatid na lalaki ay puro lang siya lakwatsa, pambabae, pa sarap sa buhay at hindi siniseryoso ang kompanya na pinamana sa kanya dahil inuumaga na ito sa pag-uwi sa kanilang bahay at iba-ibang babae ang nakikita nilang kasama ito.

  Humihikab na pumasok siya sa loob ng bahay pagkarating.  Dumiretso siya sa kanyang kwarto. Kumuha siya ng alak at tinungga iyon kaagad. Ito ang ginagawa niya sa tuwing uuwi siya. Kailangan niya ito nang sa ganon makatulog siya kaagad na hindi naiisip ang kanyang namayapang ina.

Hapon na ng magising siya. Sa hagdan palang ay naririnig na niya ang boses ng ama, hinahanap siya. Hinanda na ni Enrico ang kanyang taing para sa sermon ng ama. Ganito naman palagi kapag hindi siya sumisipot sa meeting sa DZM Corp.

"Kailan mo ba seseryosohin ang kompanya, Enrico? " mahina ngunit nakakasindak na wika ni Don Emmanuel.

Nilagpasan niya ang ama at dumiretso sa kusina. Kapag ganito ang ama nawawalan siya ng gana na kumain. Kumuha siya ng apple at iyon ang pinapak habang binubungangaan siya ng ama.

"Matanda ka na. Iyong mga kuya mo sa ganyan nilang edad kahit sakit sa ulo may direksyon ang buhay. Kailan ka ba  magtitino? Kapag namatay na ako?! "

Kaswal na hinarap niya ang ama. "Matagal mamatay ang masamang damo, dad. Kaya chill lang. "

"Hindi ako nagbibiro, Enrico. Una at higit sa lahat, magtino ka. Iyon lang ang hinihiling ko. At pagtuunan mo rin ng pansin ang negosyo na iniwan ko para sayo. Matanda na ako. Kung sana narito pa ang mama mo, hahayaan kita sa nais mo sa buhay. Pero wala na siya. At hindi ako makampante na mawala ako dito sa mundo na miserable pa ang buhay ng anak ko. "

Napalunok na napako siya sa kinatayuan nang talikuran siya ng ama.

'Sana nga narito pa si mama. Kasi sa aming tatlo ako ang mahina. Mahina sa lahat kaya hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang pagkawala ni mama,' may hinanakit na wika ni Enrico sa isipan at nilisan ang bahay.

Sa Thumbayan siya dumiretso.  Kaagad niyang nilagok ang alak na kakalapag palang ng kaibigan. Kanina pa siya umiinom at walang imik. Ni hindi nga siya kumain bago uminom. Malalim ang kanyang iniisip at halatang may problema. Saulo na siya ng kaibigan kaya tinabihan niya ito at kinausap.

“Nagtalo na naman ba kayo ng dad mo?”

Malakas na napabuntonghininga si Enrico. “Palagi naman kapag kompanya na ang pinag-usapan.”

  “Matanda na ang dad mo. At sa tingin ko tama siya. Matagal na panahon na ang binigay niya sayo para sa sarili mo,” tinapik niya ang balikat ng kaibigan. “Sapat na ang panahon na iyon para tanggapin mo ng buo ang bagay na matagal na niyang ipinagkatiwala sayo. Hindi naman niya iyon ibibigay sayo kung hindi niya nakikita na kaya mong hawakan iyon.”

  Wala siyang tiwala sa kanyang sarili. Iyon ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya pinagtuunan ng pansin ang kompaya na pamana sa kanya ng ama. Ayaw niyang biguin ang ama. Ayaw niyang bigyan ito ng sakit sa ulo kapag siya na ang magpapatakbo ng kompayang pinaghirapan ng kanyang mga magulang.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon