Chapter 34

520 18 0
                                    

Tigagal na napatingin si Enrico sa kanya. Na pipi siya sa binitawang salita ni Nadia. Hindi niya akalain na iyon pala ang nararamdam nang babae sa ginagawa niyang palihim na pagsunod dito araw-araw. Akala niya maayos ang pagtatago na ginagawa niya, pero sablay parin pala dahil nalaman rin ni Nadia ang kalokohang ginagawa niya. 

 

Ngunit hindi iyon ang rason para tumigil siyang bantayan ang babae. Gayong alam na ni Nadia na sinusundan niya ito iyon ang nagtulak kay Enrico na hindi na niya kailangan magtago na subaybayan ang mag-ina niya.

 

Nitong mga nakaraang araw, bukod sa naiinis  si Nadia sa sarili, nahihirapan na rin siyang kumilos dahilan mabigat na ang kanyang tiyan. Madali nalang siyang mapagod, sumasakit na ang balakang niya kapag nagtagal siya sa pagtayo. Hindi na niya magawa ng kusa ang mga bagay na gusto niyang gawin, lahat sapilitan na.

 

Ang tungkol sa palihim na pagsunod ni Enrico sa kanya ay kinaiinisan niya rin. Hindi para sa lalaki kundi para sa kanyang sarili. Kase imbis na matakot siya sa ginagawa ni Enrico naging kampante pa ang puso niya. Naging matiwasay ang kanyang pagtulog sa gabi at hindi nababahala kapag papasok sa bar dahil alam niyang naroon lang sa paligid si Enrico nagbabantay sa kanya.

 

"Diba sabi ko tumigil ka na sa kakasunod sa akin?!" inis na singhal ni Nadia. 

Kanina pa kasi nakasunod si Enrico sa kanya. Akala niya titigil ito matapos niya itong pagsalitaan ng masama kanina. Pero hindi iyon nangyari, dahil kahit saan siya patungo, saan man siya liliko, nakasunod sa kanya si Enrico.

 

"Para kang aso, buntot nang buntot sa akin," dugtong pa ni Nadia.

 

"Pogi naman na aso," kaswal na sagot ni Enrico hindi nakatingin kay Nadia.

 

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Enrico." pikon na usal ni Nadia. "Hindi ako komportable kapag nasa paligid lang kita."

 

"Masanay ka rin."

 

"Hindi iyon ganun kadali!" singhal niya ulit dito.

 

Nanlaki ang mata na napalinga si Enrico sa paligid. "Wag ka sumigaw. Baka isipin ng makarinig inaano kita," mahinahon na usal niya hindi pinansin ang sinabi ni Nadia.

 

Matalim ang tingin ang iginawad ni Nadia. "Tumigil ka na sa kakasunod, kundi sisigaw talaga ako," pagbabanta niya.

 

"Mahal kita. . . Bakit ako titigil? "

 

Saglit na huminto ang paghinga ni Nadia at ang tanging naririnig niya lang ay ang malakas na tibok ng kanyang puso. Tinitigan niya sa mata si Enrico, kinakapa roon ang hindi kaseryosohan ng binata ngunit wala siyang makita kundi lungkot at pangungulila. Nahihirapan siyang paniwalaan ang sinabi ni Enrico sa kanya, ngunit mga mata niya mismo ang nagsasabi na totoo ang mga salita na lumabas sa bibig ng binata.

 

Nagkibit-balikat at pilyong ngumiti si Enrico upang pagaanin ang pareho nilang damdamin. "Alam ko hindi ka maniniwala. . . Hindi naman talaga kati-katiwala sa mga tao ang mga sinasabi ko," natatawa na usal ni Enrico ngunit hindi nawala ang malalim na emosyos sa kanyang mga mata. "Sige na, lakad ka na ulit. Ma late ka sa trabaho mo."

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon