Chapter 20

494 12 0
                                    

Tatlong araw ng hindi naka uwi si Enrico sa kanilang mansyon. Nasa Cebu siya dahil nagkaroon ng kaunting problema ang branch ng DZM doon. Nang gabing tumawag si Ervin sa kanya, kinabukasan dumiretso na siya ng Cebu na hindi nakapagpaalam sa kanyang anak. Tumawag lang siya sa kanyang Ama tungkol sa pagpunta niya ng Cebu. At kaya rin natagalan ang pagbalik niya dahil may lupa siyang tinitingnan na gusto niyang bilhin doon.

At ngayon papauwi na siya. May ngiti sa kanyang labi na nakatingin siya sa dalawang supot na bitbit, mga pasalubong niya ito sa kanyang anak at kay Nadia.

Kung dati, si Nenita ang binibilhan niya ng mga pasalubong, ngayon si Nadia at ang kanyang anak na. Hindi niya rin alam kung bakit. Basta niya lang binili ang mga iyon para kay Nadia.

Napailing na pinikit niya ang mga mata at hindi mapalis ang ngiti sa kanyang mga labi. He know na magugustuhan ni Nadia ang pasalubong niya.

Ang excitement at saya na kanyang naramdaman ay nabura nang makatanggap ng mensahe galing sa kaibigan na si Ervin. Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan niya, dumiretso siya sa Thumbayan.

Nagtangis ang kanyang mga ngipin at mariing naikuyom ang mga kamao ng makita ang buong lupain niyang nakapalibot sa abandonadong building. Halos kalahati na ng lupain ang nasunog. Kalahati ng pananim rin ang nasira.

"Mabuti nalang at nabantayan kaagad, kung hindi ay baka nasunog na ito lahat, " problemadong wika ni Ervin. Galit rin ito sa nangyari sa lupain.

"May mga tauhan ba na nasaktan? "

"Lima ang nasugatan. Pinagtataga sila nang habulin nila ang may gawa ng sunog. Hindi naman sila napuruhan. Naroon sila ngayon sa hospital. At iyong mga salarin nasa hospital rin, pinuruhan nila ng bugbog ng mahuli. "

Dumiin ang pagkakuyom ng kamao  ni Enrico sa narinig. Noong una na nangyari ito pinalampas niya. Nasa kabilang area iyon nangyari kaya siya nagmadali na umalis ng gabing iyon nang tumawag sa kanya si Ervin. Tapos ngayon na ulit na naman at malaki ang pinsala ang ginawa nila.

"Ako na ang bahala sa mga tao na iyon, " saad ni Enrico. "Sa ngayon, isara muna natin ang Thumbayan. Magpadala ka ng mensahe sa lahat. Mas mabuti ng manigurado tayo at baka pati ito madamay. "

"Sige, gagawin ko. Para narin sa safety ng lahat. "

"Uuwi muna ako. Na miss ko na ang anak ko. Ilang araw ko na iyon hindi nakita. "

Malakas na tumikhim si Ervin. "Baka sa yaya kamo ikaw na miss. "

Tinalikuran niya ang kaibigan at humakbang paalis. "Wala ka talaga kwentang kausap. Alis na ako. "

Nang aasar na humalakhak ni Ervin ng madali nito ang kaibigan. Sa pagbabago ni Enrico alam ni Ervin na ang babae na iyon ang dahilan. Ayaw lang aminin ni Enrico dahil siya mismo ay hindi pa sigurado sa naramdaman. Sa ngayon kasi, sa sex lang sila nagkakaintindihan ni Nadia.

"Psst, may problema ka ba? " tanong ni Nenita kay Nadia at tumabi ito ng upo sa kanya.

Nilingon ni Nadia si Nenita saka umiling. "Wala naman. Bakit? "

"Ilang araw ko na kasing napapansin na matamlay ka. At saka namumutla ka, pumayat ka rin ng kaunti. Pero maganda ka parin. Mas bagay sayo ang katawan mo. "

"Hindi naman. Ano, ayos lang ako, " tipid na sagot niya rito.

Hindi niya rin alam ang biglaang pagbago sa kanyang katawan. Hindi siya makatulog ng maayos sa gabi. Wala rin siyang gana na kumain at tinatamad siyang gumalaw.

Nagsimula lang ito nang umuwi siya sa kanyang bahay at narinig ang balita ni Aling Linda sa kanya. Naging praning siya. Sa bawat araw na lumipas lalo siyang kinakabahan. Ang daming negatibong bagay ang tumatakbo sa isipan niya na kahit anong pilit niyang wag isipin, sumasagi parin iyon sa isipan niya.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDWhere stories live. Discover now