Chapter 32

505 15 0
                                    

Nasa magkabilang bulsa ang kamay ni Enrico habang nakatanaw kay Nadia na papalayo. Aminin niya nadismaya siya sa pagtanggi ni Nadia na hindi ito sasama sa kanya. Naintindihan niya naman kung bakit at nirerespeto niya ang desisyon ng babae. Hindi niya lang mapigilan ang manghinayang sa panahon at oras na hindi niya kasama si Nadia habang ipinagbubuntis nito ang kanilang anak.

Sa ngayon, makontento na muna siya sa pagtanaw sa dalaga. Handa naman siyang maghintay sa takdang panahon na tanggapin ulit siya ni Nadia. Handa siyang maghintay na bumalik ang pakikitungo ni Nadia sa kanya. At gagawin niya ang lahat ng paraan para mabura sa isipan ni Nadia ang mga masakit na salit na ibinato niya noon dito.

"Hindi mo ba siya susundan?"

Gulat na napalingon si Enrico nang may nagsalita sa kanyang likuran. Ang kuya Javier niya, nakadungaw ang ulo sa driver set. Sa backseat naman nagsiksikan  si Luis at Zj sa bintana para makiisyoso din.

"Sayang naman ang pagkakataon kung hanggang tanaw ka lang, " dugtong pa ni Javier.

"Sa pagkakataong ito, patunayan mo na hindi ka lang nagmana kay mama, kundi nagmana ka rin kay dad, " hirit naman ni Ethan na nakahalumbaba sa nakabukas na bintana ng kanyang sasakyan sa kabilang kalsada.

Magsasalita na sana siya nang muling nagsalita ang kanyang kuya Ethan. "Ikaw din, baka bukas pagbalik mo wala na siya sa bahay niya--"

Kumaripas ng takbo si Enrico para habulin si Nadia nang malingunan niya itong papaliko na sa isang makipot na iskinita si Nadia. Hindi niya kaagad naisip iyon. Mabuti nalang at sinabi ng kuya Ethan niya kung hindi baka maghahanap na naman siya ulit kay Nadia dahil pinagtaguan siya ulit ng babae.

"Wag kang makalimot na balitaan kami! " hirit na sigaw ni Ethan.

"At huwag kang uuwi  sa mansyon na hindi siya kasama kung ayaw mong maghukay ka ng sarili mong libingan, " sabat naman ni Javier. "

"Patay ka sa tatay mo! " sigaw ng kanyang mga pinsan.

"Wang kang mag-alala. Ako na ang bahala sa negosyo na maiwan mo pansamantala! " sigaw rin ni Ervin.

"Kami na ang bahala sa maiiwan mo. Ang importante iyong kaligayahan mo! " sigaw naman ni King.

Huminto si Enrico sa bukana ng iskinita at itinaas ang kanang kamay at nag middle finger at muling sinundan si Nadia ng palihim.

"BINATA NA TALAGA ANG BUNSO NI EMMANUEL! " hirit na sigaw ni Javier, napailing nalang si Enrico na may ngiti sa labi. "I-CELEBRATE NATIN IYAN! "

"TAMA!! PERO PASENSYA NA KAYO DAHIL DALAWA KAMI NI LIEL ANG MAG-CELEBRATE, " si Ethan.

"ASA KA! SARIWA PA ANG TAHI NG MISIS MO. MAHABA-HABA PA ANG PAGTITIIS MO, " si Javier.

Napailing nalang si Enrico dahil kahit may kalayuan na siya naririnig niya parin ang mga boses ng kanyang dalawang kuya na nagbabatuhan ng salita.

Nang makita na huminto si Nadia sa isang maliit na bahay nagtago siya sa dilim at binantayan ang galaw ni Nadia. Nang tuluyang makapasok si Nadia, dahan-dahan ang hakbang na lumapit siya sa bahay.

"Good night sa inyong dalawa ni baby. Nandito lang ako, magbabantay sa inyong dalawa kahit isa ako sa kinakatakutan mo Nadia. "

Nawala ang gutom na naramdaman ni Nadia nang makapasok siya sa inuupahang bahay. Ni-lock niya ng maayos ang pinto at mga bintana nang masiguro na hindi siya papasukin ni Enrico kung sakali man na sinundan siya nito.

Ngunit wala siyang makapa na takot sa kanyang dibdib. Malakas ang kabog niyon ngunit hindi dahil sa takot at kaba na naramdaman niya. Kundi dahil sa kabog niyon na hindi niya maipaliwanag.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin