Chapter 16

463 9 0
                                    

Hindi nakatulog si Enrico nang makabalik siya sa kanyang silid. Hindi parin mawala sa kanyang isipan at hindi parin siya makapaniwala sa kanyang ginawa kay Nadia.

He kissed and touched Nadia. Hindi lang simpleng halik at hawak, but he touched her and kissed her in a romantic way. Hindi siya ganoon pagdating sa usapang pagtatalik. Ngunit tanging kay Nadia niya lang iyon ginawa at hindi niya alam kung bakit. Nagkusa ang kanyang mga kamay. Nagkaisa ang kanyang isip at gusto na halikan ang dalaga.

At ang ikinagulat niya pa na siya ang naka una sa dalaga. Ini-expect niya kasi na gaya ng ibang babaeng nagalaw niya may karanasan na  rin si Nadia. Pero hindi. At hinayaan pa siya ng dalaga na ipaubaya ang sarili nito sa kanya ng walang pagdadalawang-isip.

Umakto ng normal si Nadia na para bang walang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Enrico. Baka may makahalata, ano pa ang masabi sa kanya ng mga kasambahay dito lalo na si Nenita na walang sawa na nagpapayo sa kanya.

Tapos na siyang maligo. Hinihintay niya lang ang oras ng pagsilip ni Enrico sa kanyang silid. Ngunit oras na ang paghihintay niya walang Enrico na kumatok. Kinastigo niya ang sarili, dahil sa kanyang ginagawa pinapalabas nito na hinihintay niya ang binata.

"Ayos ka lang ba? May sakit ka ba? " nag alala na tanong ni Nenita. Kanina niya pa kasi napansin na hindi mapakali si Nadia kapag gagalaw ito. Namumutla rin at matamlay.

Kinakabahan na tumango si Nadia. "A-ayos lang ako, Nenita."

Hindi na muling nang usisa pa si Nenita at ipinagpasalamat iyon ni Nadia. Nahihiya kasi siya sa babae.
Hindi niya akalain na malakas pala ang pakiramdam ng dalaga.

Masakit ang kanyang ibaba. Lalo na kapag gagalaw siya. Hindi naman pwede na hihilata siya gayong oras ng kanyang trabaho. Ayaw niya sanang bumaba kanina kaso sinundo siya ni Nenita para mag almusal kaya wala siyang choice kundi ang bumaba kasama si Baby Gio.

Nang iwan siyang mag-isa ni Nenita, napabuga siya ng hangin. 'Kung bakit kasi ang laki at ng haba ang sa kanya. ' himutok nito sa sarili at sumandal sa sofa. Mahina niyang dinuyan ang crib. Tulog ang kanyang alaga at wala siyang magawa. Ayaw niya naman matulog dahil maaga pa. Ayaw niya rin humiga. Natatakot siya na baka may masabi na hindi maganda sa kanya ang mga tao rito sa bahay kapag lagi nila itong nakita na nakahiga siya at natutulog.

Ngunit sa hindi maipaliwanag na naramdaman sa katawan, kusang dumausdos ang kanyang katawan pahiga sa sofa. Ngunit kaagad ring bumangon nang magising ang kanyang alaga.

Napangiwi na tumayo si Nadia nang maramdaman ang sakit at hapdi doon sa pagitan ng kanyang dalawang hita. Ngunit wala siyang magawa kundi ang indahin iyon dahil iyon ang resulta sa kanyang ginawang hindi pagpigil sa sarili.

"Gutom ka na? " wika nito at kinuha si Baby Gio. Nakatayo siya, karga niya ang bata habang pinapadede ito.

Nanginginig ang kanyang mga tuhod at pakiramdam niya mabubuwal siya. Ibabalik na niya sana si Baby Gio sa crib ng may magsalita sa kanyang likuran na nagpadaga ng kanyang puso.

"Give him to me, " maaligasgas ang boses na wika ni Enrico. Hindi makatingin sa kanya si Nadia na inabot dito ang bata. Hiyang-hiya siya. Ngunit may gusto siyang marinig mula kay Enrico.

"Sumunod ka sa itatas, " utos ni Enrico nang kunin nito si Baby Gio.

Nakayuko na sumunod si Nadia sa kanya. Bigla siyang nasaktan nang makitang parang wala lang kay Enrico ang nangyari sa kanila kagabi. Hindi man lang iyon binanggit ni Enrico sa kanya. Walang kamusta, walang kahit anong salita na kaugnay sa pangyayari kagabi.

Ano ba ang ini-expect niya kay Enrico gayong ganoon naman talaga ito. Baliwala na sa kanya ang isang tao pagkatapos nitong makuha ang kanyang gusto. Wala na itong pakinabang dahil sex lang naman ang pakay nito at wala ng iba pa.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin