Chapter 29

466 14 0
                                    

Napagkasunduan nilang sa Malita nalang sila magkitakita na magpinsan. Natuon rin na ang pinsan nilang si Luis ay doon nakatira kaya doon  muna sila pansamantala na tumuloy habang pinaplano nila ang paghahanap kay Nadia.

"Thanks god, wala ang spoiled brat, " nakahinga ng maluwag na usal ni Javier nang makarating sila sa bahay ni Luis.

"Hindi namin pinaalam. Baka sumugod ang lahat ang liit pa naman ng bahay ni Luis, " si King.

"Hiyang- hiya naman ako sa kaharian mo, " napa ismid na sagot ni Luis at ngumisi naman si King.

"Maraming salamat at nagpunta kayo, " wika ni Enrico. "Mas maigi nang kaunti lang tayo para hindi magkagulo, " kumunot ang kanyang noo nang makitang lumabas ng kwarto si Valerie na humihikab pa. "Bakit nandito yan?"

Pabagsak n umupo sa sofa si Valerie at sumandal kay Ethan. "Bakit, bawal? "

Umiling si Enrico bilang sagot nang hindi na humaba pa ang usapan. Inilatag niya sa center table ang papel at ballpen na ipinagtaka naman ng lahat.

"Ito ang plano, " umpisa niya at nagsulat ng pangalan doon sa papel.

"Guys!! Are we late na ba? "

Kanya kanyang reaksyon ang lahat nang marinig ang boses ni Danica at maarte itong lumapit sa kanila. Nakasunod sa kanya ang kambal na si Marsha at Mona at mukhang kakatapos lang ng kanilang trabaho.

"Bakit nandito kayo? " tigagal na tanong ni Enrico.

Tumaas ang isang kilay ni Danica at mataray na tiningnan siya. "So? "

"Wala ba kayong mga trabaho? " dugtong  na tanong ni Enrico.

"Naka on-leave ako, " kibit balikat na sagot ni Marsha at umupo sa tabi ni King.

"Me too, " sagot naman ni Mona at nagtungo sa fridge.

"I don't have a work, " mataray na saad ni Danica at pinaalis si Luis sa kinaupuan nito at siya ang umupo doon. "So, what's the plan? "

Wala na silang nagawa lalo na si Enrico kundi ang ituloy ang plano na kasama ang mga girls kahit labag sa kanyang loob.

"Ayoko! Gusto ko sayo ako sasama para ako ang unang makakita kay Nadia," si Danica.

"Sa tingin mo si Enrico ang unang makahanap sa kanya? Hindi mo sure, " si Valerie.

"Well... "

"Girls, stop." Untag ni Javier. "Hindi tayo matatapos kung dito palang nagtatalo na kayo. "

"Si Valerie kasi, e. "

"Ikaw kasi, e. "

"Ayan na naman kayo, " saway ni Javier nang magtutulakan silang dalawa kung sino ng may kasalanan. "Ganito nalang, para hindi kayo magtalo-talo kung sino ang makasama niyo, magsama nalang kayong lima. "

"What? Pero puro kami mga babae, " pagtanggi ni Danica.

Tinakpan ni Marsha ang bunganga  ni Danica at nagkukumawag naman ang babae. "Kahit kailan ka talaga mana ka sa nanay mo. Isumbong kita, gusto mo? "

Napanguso na umayos ng upo sa isang tabi si Danica sa pananakot sa kanya ni Marsha. Itinuloy ni Enrico ang pagsasalita sa kanilang plano at natapos ng matiwasay. Ngunit ang mukha ni Danica hindi maipinta.

"Teka, paano natin siya mahanap, isa isahin natin ang mga bahay sa mga lugar na naka tuka sa atin? " tanong ni Adam.

Mahinang napabuga ng hangin si Enrico. "Kung maari, para lang makita siya."

"Baka abutin tayo ng isang linggo hindi pa natin siya mahanap. Wala ba kayong alam kung saan siya rito sa Malita? " si Luis.

"Sabi ni Nadia noong tumawag ako sa kanya sa bar daw siya nagtatrabaho bilang isang singer," sabat ni Nenita.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDWhere stories live. Discover now