Chapter 9

489 12 1
                                    

The joy that Nadia felt was indescribable nang malamang siya ang napili ni Enrico bilang maging yaya ng anak nito--este ng kanyang pamangkin na pina angkin niya kay Enrico. Ngunit sa puntong ito kailangan ng itatak ni Nadia sa kanyang isipan na ang batang ito ay hindi niya pamangkin sa loob nitong mansyon kundi isang alaga niya at yaya naman siya nito.

Mangiyak-ngiyak siya sa tuwa kanina habang mahigpit na niyakap ang pamangkin ng umalis si Enrico. Na miss niya itong hawakan, kargahin, alagaan, lahat-lahat namiss niya sa pamangkin kahit pa mahirap ang naging karanasan nito ng maisilang siya.

"Nenita," tawag pansin niya sa katulong na nakadikuwarto na nakahiga sa malaking sopa. "Uuwi muna ako sa bahay saglit. Kukuha ako ng mga damit ko."

Tumayo ang dalaga at itinago sa bulsa ang cellphone na kanina ay hawak niya. "Tara, samahan kita. Pahatid tayo sa driver ng makabalik ka kaagad. "

Hindi na siya tumanggi dahil pahirapan ang pagsakay dito sa loob ng village lalo na kapag gabi. Safe naman maglakad hanggang labas ng village kaya lang ay matagalan siya. Bilin pa naman ni Enrico na every 3 hours ay sisilipin nito ang anak niya.

Oo, anak niya;ni Enrico ang dapat na i-address ni Nadia kung ayaw nitong mabulilyaso ang kanyang panloloko na ginawa.

Hindi na niya pinababa si Nenita sa sasakyan. Naka impake na kasi ang mga gamit niya. Pinaghandaan niya ito dahil nasisiguro niya na matanggap siya. At hindi siya nagkamali, dahil sa dami ng nag apply siya ang napili.

"Salamat nga pala sa tulong, Nenita ha, " aniya, nakasakay na sila sa sasakyan at pabalik na sa mansyon.

"Wala yun. Malakas ka sa akin, e. Basta tandaan mo ang mga bilin ko sayo, ha. "

Nakangiti na tumango siya. Malaki ang naitulong sa kanya ni Nenita, kaya ngayon bukas ang puso ni Nadia na maging parte si Nenita sa kanyang buhay bilang isang matalik at maasahan na kaibigan.

"Good night, " inaantok na usal ni Nenita ng makarating sila sa mansyon. "Congrats and welcome. "

"Salamat."

Bago pumasok sa kanyang kwarto, sinilip niya muna ang mag-ama. Nang makitang mahimbing ang tulog ng dalawa, tumuloy na siya sa kanyang silid.

Napanganga sa pagkamangha si Nadia sa laki ng kanyang maging kwatro. Kompleto sa kagamitan katulad ng tv, mini ref na puno ang laman, vanity table na kompleto rin ang mga anik-anik na naroon. May study table at upuan, may cabinet para sa mga damit. At ang malaking kama na kasya ang tatlong tao.

Dahan-dahan siyang humiga doon at dinama ang lambot nito. "Ahh, ang sarap naman ng higaan nato. Ang lambot, komportable pa at malawak."

Bago matulog, nag set muna siya ng alarm para siguradong magising siya. Ayaw niyang magkamali sa unang araw. Ayaw niyang magbigay ng dahilan para masisante siya kaagad.

Namamahay yata siya. Kanina pa siya hindi makatulog. Naka tatlong silip na siya sa katapat na silid ngunit hindi parin siya inaantok. Kahit anong gawin niya hindi talaga siya makatulog. Hanggang sa sumapit na ang madaling araw doon palang siya tinablan ng antok. Ngunit nang silipin siya ang pamangkin, gising ito at kumakawag ang mga kamay at paa at parang iiyak na.

Tumae pala. Nilinisan niya ito pagkatapos ay pinagtimpla ng gatas. Ngunit ayaw na muling matulog ang bata. Antok na antok na si Nadia. Mabuti nalang at hindi ito umiyak at nagpakarga. Nasa crib lang ito, dilat ang mga mata. Mahinang kumanta si Nadia nang sa ganon dalawin ng antok ang bata. Ngunit sa kasamaan, siya pa ang unang nakatulog.

Napabalikwas siya nang magulat sa munting iyak ng bata. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil akala niya ay nahulog na ito kaya umiyak.
Napahimalos siya ng mukha. "Paano mahulog secured naman itong higaan niya, " bulong niya at kinuha ang pamangkin.

Pagtingin niya sa orasan alas-sais na ng umaga. Pero inaantok pa siya kaya pumikit siya habang karga ang pamangkin.

Sa takot na maka idlip ulit, napagpasyahan niyang magtimpla nalang ng kape ng mahimasmasan siya. Bababa siya sa kusina para magtimpla ng kape dahil wala na yatang plano na matulog pang muli ang bata.

Ngunit kaagad rin siyang napatigil nang makita ang coffe machine sa tabi ng fridge. May tasa at spoon rin doon sa gilid. "Iba talaga kapag mayaman, " mangha na mahinang usal niya. "D'yan ka muna, ha. Magtimpla lang ako ng pampagising dahil wala akong sapat na tulog, " dugtong nito at inilapag muli sa crib ang bata.

Pumasok muna siya sa banyo para maghilamos at nagmumog. Napasimangot siya nang makitang may eyebags siya at nangingitim ang ilalim ng mata. She fixed herself bago lumabas baka pumalahaw na naman ang bata gayong tulog pa ang tatay nito.

Habang gumagawa ng kape, pasulyap-sulyap siya sa sanggol doon sa crib. Nang iwan niya ito sa mga Montefalco hindi niya ito binigyan ng pangalan. Hind niya rin narinig sa mga bibig ni Enrico kung ano ang pangalan nito. Hindi rin naikuwento ni Nenita kung nabinyagan ba ang bata. "Itatanong ko na lang mamaya. "

Muntik ng mabitawan ni Nadia ang tasa na bitbit ng pagkaharap niya tumambad sa kanya ang nakabalandara na katawan ni Enrico. Natanggal ang kumot na nakabalot sa katawan nito. At hindi  inaasahan ni Nadia na natutulog pala ito na walang pang itaas na suot. Kitang-kita tuloy ni Nadia ang makisig niyang pangangatawan. Ang biceps nito at v-line. At ang makapal na balahibo sà kanyang dibdib pababa sa kanyang puson.

'I'm curious, mabalahibo rin kaya ang bird niya?' Tulala na saad niya sa sarili. 'Hindi ba makati? Hindi ba nakakairita? Ang smooth bang hawakan? ' dugtong niya pa.

Natinag lang siya ng umiyak ang sanggol. Piniling niya ang kanyang ulo at inalis ang tingin sa katawan ng lalaki. Inilapag niya muna ang kape at dali daling kinuha ang sanggol na parang kinurot sa uri ng kanyang pag iyak.

Ngunit lalong lumakas ang kanyang iyak. Nabahala naman si Nadia na baka ay magising si Enrico at pagalitan siya gayong ang himbing at ang sarap ng tulog nito.

Hawak ang sanggol, gamit ang isang kamay nagawa niyang ipagtimpla ito ng gatas.

"Ang takaw mo. Kabago-bago palang nga kita pinadede gutom ka na naman, " sabi niya ng tumahimik ito nang makadede na.

Ang sarap sa pakiramdam ni Enrico ng nakatulog siya ng maayos. Naging kompleto rin ang tulog niya. Ni hindi siya nagising dahil umiyak ang anak niya. Tuloy-tuloy ang kanyang tulog hanggang mag umaga.

Nagising ang kanyang diwa ng marinig ang isang mahinang pag awit. Sa lamyos at ganda ng boses nito ay parang dinadala si Enrico sa kanyang nakaraan na kasama ang kanyang namayapang Ina. Ang akala niya Mama niya ang kumakanta, ngunit nang idilat niya ang mga mata, si Nadia ang kanyang nadatnan. Nakaupo ito sa couch karga ang kanyang anak habang pinapadede.

Nakatingin lang siya rito hanggang sa ilapag ni Nadia ang sanggol sa crib. Mahina niya iyon dinuyan habang wala parin tigil sa pag awit.

Bahagya silang nagkagulatan dalawa ng magtagpo ang kanilang tingin ng bumangon si Enrico. Biglang na blangko ang isip si Nadia at hindi alam ang gagawin. Kung paano umakto sa harap ng batang amo.

"Good morning, sir. Gusto niyo ng kape? " wika niya na ikinagulat niya rin.

Tumabingi ang ulo ni Enrico at bahagyang nangunot ang noo.  "You don't need to prepare my needs..." patag na usal niya using his bedroom voice. Nakatitig parin kay Nadia. "But if you insist... Much better, " aniya at kibitbalikat na bumaba sa kama saka pumasok sa loob ng banyo.

"Ang smooth din lumandi. Anong akala niya ginagawa ko 'to dahil kagustuhan ko? FYI, ginagawa ko 'to pandagdag points para ipagkatiwala niya sa akin ang pag alaga sa pamangkin ko. Ulol! " gigil sa galit na wika ni Nadia. "Kape lang ang inalok ko, oy! "

Mabuti nalang at nasa loob na ng banyo si Enrico hindi nito narinig ang mga sinabi ni Nadia. Ngunit kahit ganun, kinabahan parin siya. "Kailangan ko talaga mag ingat sa mga salitang bibitawan ko, " frustrated na usal niya at hinigop ang kape na medyo lumamig na.

"Bakit ko ba kasi siya inalok ng kape gayong hindi ko naman iyon trabaho, " inis na usal niya. "Tanginang rason yun, oh! "

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora