Epilogue

833 19 7
                                    

Wala pa man si Nadia pero naging emosyonal na si Enrico at hindi mapakali habang nakatayo ito sa harap ng altar. Ikakasal na sila ng babaeng mahal niya. Sa babaeng ipinagpasalamat niya na dumating sa kanyang buhay.

Hindi lang siya ang masaya at emosyonal ngayong araw, kundi pati ng mga tanong narito sa loob ng simbahan. Mga tao na naging saksi sa kanilang masakit na pagmamahalan.

"Kahit kailan talaga ang iyakin mo, " pagbibiro ni Javier kay Enrico nang makita nito na nagpupunas ng luha sa pisngi ngunit pati siya ay emosyonal rin na nakatanaw sa nakasaradong pinto ng simbahan.

"Kung narito lang si mommy, malamang humagulgol na iyan sa bisig ni mommy, " segunda ni Ethan na nagpupunas rin ng kanyang luha.

They were both emotional. Saksi kase sila kung paano magmahal ang kanilang bunsong kapatid. Kung paano ito nasaktan at nabigo. Nasaksihan rin nila kung paano niya suyuin si Nadia. Ang ipakita sa babae na karapat-dapat siya. Hindi siya sumuko kahit alam nilang magkapatid na pagod na ang kanilang bunso.

"Ikakasal ka na, " Javier tap his shoulder. "Ikakasal ka na sa babaeng mahal mo. "

"Sa babaeng nagpatino sayo, " sabat ni Ethan.

Nang tumugtog ang bridal song ni Nadia, walang tigil sa pag tapik si Javier sa balikat ni Enrico upang siya ay pakalmahin.

Tutok na tutok doon si Enrico. Inaabangan ang pagpasok ng kanyang bride. Nang bumukas ang pinto, lumuluha na nakatanaw roon si Enrico.  Umawang ang labi ni Enrico sa gulat at pagkatulala nang makita si Nadia suot ang magarbo nitong wedding dress. Nang matauhan, ngumiti siya rito na may luha sa mga mata sa saya na hindi niya maipaliwanag.

Nadia smiled happily when he saw Enrico smiling at her. Lalo siyang napangiti kung paano bumadha ang pagtataka sa mukha ni Enrico ng magsalita siya gamit ang mikropono.

"I know that Enrico will surprised that I'm the one who sing my bridal song. I write this song a month's ago after he proposed to me. Entitled, He Knows. I offer this song to him and to the man I prayed for who is now to officially become my other half. "

Hindi inaasahan ni Enrico na si Nadia ang kakanta ng kaniyang bridal song. Para bang nananaginip siya habang nakatanaw sa babaeng dahan-dahan na naglalakad sa pulang carpet papalapit sa kanya.

Nagbalik-tanaw kay Nadia ang mga pangyayari kung paano niya nakilala si Enrico habang dahan-dahan ang paghakbang at ang mga mata ay naroon kay Enrico. Na para bang sila lang dalawa ang tao na narito.

Bumuhos ang mga luha ni Enrico habang pinapakinggan ang awit ni Nadia. Ang awitin na nagrerepresinta sa pinagdaanan nilang dalawa.

"I love you, " emosyonal na usal ni Enrico nang magtagpo silang dalawa.

Buong seremonya ay emosyonal si Enrico. Hindi parin siya makapaniwala na ilang sandali na lang maging misis na niya ang babaeng hinahangad niya. Na ilang sandali na lang maging ganap na mag-asawa na sila.

"Dalawang araw kong sinulat ang vows ko, " panimula ni Enrico. "Pero hindi ko na iyon babasahin at baka mainip ka sa haba niyon magbago pa ang isip mo. "

Nadia smiled at him. Narinig na ni Nadia ang wedding vows ni Enrico nang hingin muli ni Enrico ang kamay niya sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang at Ate Slyvia.

"Nadia, I love you. I prayed that God would lead me to this choice, to you as my wife. I love you with my whole heart with a passion that can't be expressed in words, only in kisses, glances, and years of adventure by your side. I pledge my heart and soul to you until the day I breathe my last. "

"Enrico, my love. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I vow to love you unconditionally. And with this ring, I pledge my heart and soul to you until the day I breathed my last. "

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDWhere stories live. Discover now