Chapter 37

539 14 0
                                    

"Sir, ipaalala ko lang ho na bukas ng alas-nuwebe ang ground breaking ceremony at sa ala-una may meeting kayo from the investors at may dinner meeting with the legal team regardless doon sa bagong design ng brand na gusto niyo. Nag annouced kasi si Don Emmanuel nang long weekend break kaya bukas at dinner ang ginawang scedule ng legal team dahil urgent daw iyon sabi niyo."

Mariing napapikit si Enrico nang mabasa ang text message sa kanya ng secretary niya. Sa dami ng ganap na dinaluhan niya nitong buong linggo nawala sa isip niya ang ibang bagay. Ni hindi nga siya nakabili ng pasalubong niya kay Nadia at sa baby nila sa busy ng kanyang schedule sa Cebu.

Mabuti nalang at naka seat sa phone reminder niya ang kaarawan ni Nadia. Matapos niyang dalawin ang puntod nang kanyang ina dumeritso kaagad siya sa bahay ni Nadia kahit siya ay pagod at inaantok. Sulit naman ang pagpunta niya dahil nakasama siya sa hapunan si Nadia. Ngunit masakit ang kanyang kalooban at galit siya sa sarili na umuwi dahil sa sinabi ni Nadia.

Kinabukasan walang Enrico na nadatnan si Nadia. Hindi na iyon bago sa kanya ngunit hindi niya mapigilan na magtaka. Wala naman kaseng sinabi ang lalaki sa kanya kagabi na hindi ito makapunta ngayon. O baka hindi niya lang narinig dahil umalis kaagad siya at iniwan na mag-isa si Enrico sa hapag-kainan. 

She did her morning routen. Wala man siyang gana na mag agahan ngunit kailangan. Habang tumtakbo ang oras nililibang niya ang sarili sa pag-aayos ng gamit ng kanyang anak nang sa ganon hindi sumagi sa isip niya si Enrico. Ngunit kahit anong gawin niya ayaw parin mawala ang mukha ng binata sa isipan niya.

Kagabi pagkatapos niyang magsabi kay Enrico gumaan ang mabigat na nakadagan sa kanyang puso. Hindi man niya sinabi ang lahat dito kahit papaano ay nabawasan ang hinanakit sa kanyang dibdib.

Alam niya na masaktan si Enrico sa mga sinabi niya kagabi, ngunit iyon ang totoo at mas masaksaktan pa si Enrico kapag malaman niya na pati ang anak nila ay muntik nang madamay sa dulot nang mga ginawa ni Enrico sa kanya noon.

Gusto niyang sisihin si Enrico, kung bakit niya pinagdaanan ang lahat ng iyon. Ngunit napagtanto ni Nadia, kasalanan niya pala iyon mula umpisa. Siya ang unang nanakit kay Enrico. At hinahabol lang siya ng karma niya sa ginawa niya sa lalaki. Kaya nalilito siya at naguguluhan kung bakit ang lahat nang sisi ay binabato niya kay Enrico na kung tutuusin siya dapat ang sisihin dito at si Enrico at ang buong pamilya niya  ang may karapatan na magalit sa kanya.

Pagod si Enrico sa buong maghapon. Alas-nuwebe ng gabi na rin sila natapos sa meeting sa bagong design ng brand na gusto niya. Gusto na niyang umuwi at magpahinga ngunit hindi sa kanilang mansyo kundi sa piling ni Nadia.

Lulan sa kanyang sasakyan, maingat niyang binabagtas ang tahimik na daan papuntang Malita. Wlang traffic ngunit dahil mabagal ang pagpatakbo niya inabot siya ng isang oras nang makarating sa bahay ni Nadia. 

Tahimik na ang paligid. Patay na rin ang ilaw sa loob ng bahay ni Nadia. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagin niya pa ba si Nadia o kung maghintay nalang hanggang sa pagbuksan siya ni Nadia ng pinto. Ngunit hindi siya nakatiis, tinatawag niya si Nadia ngunit wala siyang sagot na narinig mula rito.

Ginapang ng kaba at takot ang kanyang puso. Na baka ay wala sa loob si Nadia. Na baka umalis ito habang wala siya. Malaki ang hakbang na tinungo niya ang pintuan. Lalo siyang kinabahan nang bukas ang pintuan pagpihit niya dito.

Maingat, walang bakas ng ingay na pumasok siya sa loob. Ang kwarto ni Nadia kaagad ang kanyang unang pinuntahan. Napakapit siya sa hamba ng pintuan nang mawalan ng lakas ang kanyang tuhod pagkakita niya sa higaan na naroon si Nadia mahimbing na natutulog.

Lumapit siya dito at inayos ang kumot ni Nadia. Lumuhod siya upang magpantay ang mukha nila ni Nadia. Sinamantala niya ang pagkakataon para ito ay titigan, para makasama ang mag-ina niya. At habang nakatitig siya rito unti-unti napawi ang pagod at antok na naramdaman niya.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDWhere stories live. Discover now