Chapter 19

435 12 0
                                    

Palaisipan kay Enrico ang narinig niya kay Nadia kanina. Malinaw niyang narinig ang katagang iyon. At iniisip niya ngayon na baka kilala nga ni Nadia ang Ina ng kanyang anak.

Nalilito siya kung alin ang paniwalaan, kung iyon bang narinig niyang unang sinabi ni Nadia o iyong sagot nito na baka nagkamali nga lang siya ng pandinig.

Imposible naman kasi na kilala ni Nadia ang Ina ng kanyang anak. Napasandal si Enrico sa likod ng upuan at napahilot ng sintido. Pero paano nga kung totoo na may ugnayan si Nadia at ng Ina ng kanyang anak?

Tumayo siya at nagtimpla ng kape. Hindi siya maka fucos sa ginagawa dahil iyon ang laman ng kanyang isip. Kailangan nang matapos itong ginagawa niya dahil ilang araw na itong nakatingga sa kanya.

Mga bagong design ng damit iyon na pinapasuri sa kanya bago iakyat sa board at mapagdesisyunan kung pasok ba ito sa top trend na i-release sa publiko. At nahihirapan siya dahil kaunti lang ang kaalaman niya sa bagay na ito.

"Alam ko may kailangan ka kaya ka napatawag, " bungad sa kanya ni Ethan nang sagutin nito ang tawag ni Enrico. "So, ano iyon? "

Mahina siyang napabuga ng hangin bago sinagot ang Kuya sa kabilang linya. "Nahihirapan ako pumili sa mga design's. Kanina pa ako pabalik-balik sa pagsiyasat ngunit wala pa akong napili ni isa kung alin sa mga ito ang approve-an ko."

"Kay dad ka dapat nagtanong hindi sa akin. "

"Kanina pa iyon natutulog. Nagsisinti nga iyon sa office niya kanina kasi malapit na ang wedding anniversary nila mama. "

"Ohh, I see. "

"So, paano nga? "

Nagsalubong ang kilay niya ng marinig ang kaluskus sa kabilang linya kasunod ang mahinang hikbi ni Liel. "Kausap ko si Enrico, love. Doon lang ako sa terrace baka naiingayan ka. "

"Stay."

Saglit na katahimikan bago muling nagsalita si Ethan. "Ang sabi ni dad sa akin dati, dapat mayroon kang tao na gawing imahinasyon na pwede mong pagsampulan ng mga design's na hawak mo. Like him, si Mama ang iniisip niya. Sa isip niya, bagay ba ang design na iyon kapag isuot ni Mama? Maganda ba tingnan, elegante, simple, mga ganon. So yeah, subukan mo baka epektibo rin sayo... Ang tanong, may babae ka ba na pwede mong maging model sa iyong isipan?" pang-aasar na hirit pa ni Ethan.

"A lot... Thanks, bye. "

Pinatay niya kaagad ang tawag. Nang tingnan niya muli ang mga design's na nakalatag sa ibabaw ng kanyang mesa, lumitaw sa kanyang paningin doon si Nadia, nakasuot ng mga damit na iyon at parang totoo, buhay na buhay. Pinili niya ang mga design's na naaangkop kay Nadia. Sa paraan na iyon napadali ang trabaho niya.

Ang hindi niya lang maintindihan, ay bakit si Nadia ang babaeng kanyang nakita. Sa dami ng magandang babae na nakasalamuha niya bakit si Nadia na hindi naman niya iniisip ay iyon ang lumitaw sa imahinasyon niya.

Kibit-balikat na nagpatuloy siya sa ginagawa at isinawalang-bahala nalang iyon. Ang mahalaga may napili na siya at alam niyang magustuhan ng lahat iyon.

Ang sunod niyang inasikaso ay ang mga papeles na dapat pirmahan. Siya kasi muna ang pansamantala na pumalit kay Ethan na tumao sa Millanic dahil hindi nito maiwan ng matagal si Liel. Naintindihan niya ang sitwasyon ng kanyang Kuya, at minsan lang naman ito humingi ng pabor sa kanya kaya tinanggap niya iyon. Ngayon lang siya na frustrate ng ganito dahil nagkasabay ang mga alalahanin niya.

"Bakit gising ka pa? " agarang tanong ni Enrico kay Nadia nang mapang abot sila sa labas ng kanilang silid.

"A.. Kakatokin sana kita akala ko nasa loob ka, " mahinang sagot ni Nadia.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon