Chapter 38

522 17 0
                                    

"Sino ba ang nagsabi na ipagkait ko siya sayo?" salubong ang kilay na tanong ni Nadia. "Hindi ko gagawin sa anak natin iyong ginawa ko kay Baby Gio."

Inaamin niya na naging selfish siya kay Enrico nitong mga nakaraang buwan nang matagpuan siya nito. Ngunit nang makita niya ang sinseridad ni Enrico at ang kagustuhan nito na magka-ayos silang dalawa, napagtanto ni Nadia na kailangan nilang mag-usap dalawa nang masinsinan.

Wala ring patutunguhan kung magmatigas pa si Nadia dahil kahit siya mismo alam niya sa sarili na gusto niyang makapiling muli si Enrico. Hindi lang dahil sa kanilang maging anak kundi dahil ito ang sinisigaw ng kanyang puso.

"Hindi ko siya ilalayo sayo, " nag ulap ang mga mata ni Enrico nang marahang haplusin ni Nadia ang kanyang pisngi. "Sorry dahil iyon ang iniisip mo. "

Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Enrico kahit nangangatal ito dahil sa pagpigil ng kanyang emosyon na huwag umiyak. "Thank you... I am happy to heard that, Nad. Pero kahit ilayo mo siya sa akin, kahit saan pa kayong dalawa magtago, hahanapin at hahanapin ko parin kayo at ibalik sa piling ko. "

Maingat na hinaplos ni Enrico ang kanyang tiyan. At doon hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata sa samo't saring emosyon na nararamdaman niya ngayon.

Noong hindi pa dumating si Nadia at Baby Gio sa buhay niya, dinadaan niya lang sa pagbibiro ang inggit sa dalawang kuya niya kapag nakikita niya itong masaya sa piling ng kanilang mga asawa at anak. Minsan niya rin hiniling noon na sana ay may babae na dumating sa buhay niya na pahalagahan siya at mahalin. Tanggapin siya ng buo na walang pag-aalinlangan at tanong sa sarili. Na tatanggapin siya nito sa kabila ng mga hindi magandang reputasyon niya sa mga babae.

And then Nadia came to his life. Hindi niya namamalayan na kusa niyang binabago ang sarili na walang may nag-uutos o nagdidikta sa kanya. Si Nadia ang dahilan ng kanyang pagbabago na ayaw niyang tanggapin noong una ngunit kalaunan ay buong puso niya itong tinanggap at nagpadala sa agos ng kanyang damdamin. At hindi lang iyon ang ginawa ni Nadia sa kanya, dahil ang Enrico noon na walang pakialam sa damdamin ng isang babae muntik nang masiraan ng bait nang malaman na walang nararamdaman na pagmamahal si Nadia sa kanya.

At ngayon tuluyan na siyang nagbago. Hindi lang para kay Nadia kundi para na rin sa kanyang sarili at magulang. Napatunayan niya na kaya niya rin palang ituwid ang buhay niya.

Masuyo niyang hinalikan sa noo si Nadia habang marahan na humahaplos ang kamay sa malaking umbok ng tiyan ng babae. Ang inaasam niya lang noon ngayon ay dama na niya, natagpuan na niya ang babaeng bubuo sa pagkatao niya at magbubura sa lungkot na dinadala sa mahabang panahon.

"I love you, Nad... I love you so much... "

Marahang hinagod ni Nadia ang likod ni Enrico dahil kanina pa ito tahimik na lumuluha. Naiiyak rin siya dahil alam niyang siya ang dahilan ng pag-iyak ng lalake.

"Hindi na kita iiwan. Hindi na ako lalayo, " masuyong usal niya. Bahagya siyang lumayo upang matitigan ang mukha ng lalaki. "Kahit anong mangyari manatili ako sa tabi mo, Enrico. "

Sino pa ba ang magdadamay sa kanilang dalawa kundi ang isa't-isa. Lalo na ngayon na magkakaroon na sila ng anak. Kailangan niya si Enrico at kailangan rin siya ni Enrico. Tama na iyong ilang buwan na paghihirap nilang dalawa dahil kahit anong gawin ni Nadia, si Enrico parin ang magpapahilom ng sugat na nilikha ng lalake sa kanya.

"Sasama na ako sayo... Uwi na tayo sa mansyon niyo... "

Nanlaki ang basang mata ni Enrico. Saglit siyang natigilan sa narinig dahil hindi niya inaasahan na si Nadia mismo ang magsasabi nito sa kanya.

Napalabi si Nadia. "Nandito tatay mo kanina, " nagtatanong ang mga mata ni Enrico. "Nag-usap kami tapos inalok niya ako na umuwi sa mansyon niyo. Tinutukan niya ako ng baril kaya napa-oo ako—"

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDWhere stories live. Discover now