Chapter EIGHTEEN

247 54 5
                                    

Noah POV…

Lakas loob kong itinaas ang aking damit at kagat labing pinagmasdan ang sarili sa salamin. Nangiwi ako sa sakit nang umpisahan kong linisin ang sariwang tahi sa gitna ng aking tiyan. Ilang araw narin ang nakalipas mula ng makabalik kami mula sa field trip na nauwi sa trahedya. Ang mga estudyanteng kasama kong nawala ay nakikipag patentero parin kay kamatayan hanggang ngayon. Hindi nga magawang simulan ang imbistigasyon dahil wala pa namang nagkakaruon ng malay. Isa pa ay hindi parin ako handang mag-salaysay sa tunay na nangyari. Gusto ko sanang makausap muna si Liv bago ako tumulong sa mga kapulisan.

“Ah! ” impit kong hiyaw nang buhusan ko ng alcohol ang sugat ko. Halos mangilig pa ang aking kamay sa tindi nang hapding dinudulot nuon ngunit wala akong ibang pagpipilian. Kailangan kong tiisin ang sakit upang hindi mag-alala si Mama sa akin at upang maisaayos ko nang mabuti ang mga plano ko. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulang ipulupot ang benda sa aking tiyan.

“Bwisit! makakabawi rin ako sa inyo. Magpakasaya muna kayo ngayon habang bumubuo pa ako ng plano kung paano kayo pababagsakin,” bulong ko. 
Tumama ang paningin ko sa picture frame na nakapatong sa gilid ng aking kama. Kuha namin iyon ni Papa bago siya umalis para sa huli na sana niyang misyon sa Maynila. Tandang tanda ko pa nga ang pangako niya sa akin na pagbalik niya ay mas mapapadalas na ang paglalaro namin ng basketball. Hindi ko manlang naisip na iyon na pala ang huli naming pagkikita. Sana ay nasabi ko manlang sa kaniya ang lahat nang gusto kong sabihin. Hindi manlang ako nakapag pasalamat sa kaniya dahil kahit na busy siya sa trabaho ay nagagawa parin niya akong ipasyal sa palaruan at ibili ng paborito kung ice cream. Kung sana alam ko lang na mawawala na pala siya ng araw na iyon, ngumiti manlang sana ako sa picture na ito.

“Pa, alam ko na kung sino ang pumatay sayo. Huwag kang mag-alala maipaghihiganti rin kita.” Hindi ko na napigilan ang maging emosyonal habang tinititigan ang larawang iyon. Kung kaya ko lang sanang balikan ang nakaraan. Sana ay pinigilan na kita umalis.

“Anak Noah! ” biglang tawag sa akin ni Mama kaya’t dali-dali akong nag suot ng aking t-shirt at inayos ang sarili.

“Bakit po?” tanong ko. Sa kaniyang likuran ay nag-aalalang nakatingin si  Julius. Ibinaba nito ang paningin sa aking tiyan kaya't umiwas agad ako nang tingin.

Isa pa si Tito. I have to convince him to investigate this case with me and Liv. Hindi biro ang kinakaharap namin ngayon.

“Dumaan dito yung kaibigan mong maganda kanina.” Nabaling ang atensiyon ko kay Mama lalo na ng may iabot ito sa akin na kulay itim na box.

“Sabi niya, ibigay ko daw yan sayo. Sabi ko nga antayin ka na at nag punta ka lang naman ng bayan saglit kaya lang ay nagmamadali daw siya,” dagdag pa nito na kamuntikan ko ng ikasamid.

“Sigurado ka Ma?” paniniguro ko. Kumunot ang nuo niya.

“Oo naman. Bakit anak, girlfriend mo naba 'yon?” nasamid na nga akong tuluyan sa huling tinuran nito dahilan upang mag madali si Mama na kumuha agad ng tubig at iabot sa akin. Si Tito Julius naman ay tanaw kong tatawa-tawa sa kaniyang pwesto. Napapansin ko rin ang pagdalas ng pagbisita niya dito sa amin mula ng makalabas ako sa hospital. Hindi iyon alam ni Mama kaya malamang ay nandito siya para tingnan ang lagay ko. Hindi ko alam kong anong kabulaanan ang sinabi niya sa nanay ko pero mukhang napaniwala niya dahil hindi na nag usisa pa kahit pa wala ako nuong tuluyan na rin siya makalabas ng hospital.

“Salamat, Ma. Sige po sa kwarto na muna ako,” saad ko matapos lagukin ang isang basong tubig. Si Mama naman ay nagitla pa yata ng higitin ko ang kahon sa kaniyang kamay, humalik nalang ako sa kaniyang pisngi para makabawi. 

Para akong batang nanginginig sa kaba habang maayos na inilock ang pintuan nang aking kwarto. Nag sign of the cross pa ako bago pigil hiningang binuksan ang kahon. 

STUNNED Where stories live. Discover now