Chapter THREE

390 87 59
                                    

TRIGGER WARNING!
This chapter may contain: pessimism, depression, self harming, schizophrenia, suicide, death.

*****

Pabagsak akong napa-upo sa sahig dahil sa pangingilig ng tuhod at pangangatal ang kalamnan. Hindi ko magawang paniwalaan ang nakikita ko ngayon.

"What the- Ano yan!" sigaw ni Noah.

"Isla," paulit-ulit na tawag ko ngunit hindi na talaga ito kumikibo. Umakyat sa ulo ko ang takot, pagkabigla at galit.

"Sino ang walang pusong gumawa nito?" ani pa ni Noah.

Nasapo ko ang aking ulo ng magsimula nanamang umalingaw-ngaw sa aking utak ang boses na iyon.

"Oli-via!"

Parang tubig na bumubuhos sa ala-ala ko ang lahat. Kung paanong kagaya ng sitwasyong ito, ay natagpuan ko rin ang aking ina at kapatid na walang buhay.

"Liv, anong nangyayari sayo? Hoy!"

***

Noah's POV...

Nagtatakang pinagmamasdan ko si Liv ngayon na panay ang sabunot sa kaniyang sarili. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya upang pigilan siya sa kaniyang ginagawa ngunit malakas niya akong naitutulak palayo.

"Liv, are you okay? Hey, everything will be fine," sambit ko ngunit tila hindi na niya napapansin ang presensiya ko.

"Liv ano bang ginagawa mo? Natatakot na ako sayo huh!" saad ko pa. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin para pigilan siya. Hindi siya umiiyak ngunit kapansin-pansin ang pamumula nang kaniyang mga mata.

Naalarma ako ng bigla itong mag tatakbo at pumasok sa kaniyang silid. Nag-aalangan man, dahil hindi ko naman bahay ito ay sinilip ko parin siya sa loob. Ganuon na lamang ang gulat ko ng makitang ginigilitan niya ang kaniyang pulso gamit ang maliit na pocket knife sa kaniyang kamay. Sumisirit ang dugo mula sa sugat na nilikha niya, ngunit hindi niya ito ininda sa halip ay ipinikit niya ang mga mata at lalo pang idiniin iyon.

"Liv! Anong ginagawa mo! Tama na!" pigil ko sa kaniya. Agad kong inagaw sa kaniya ng patalim na hawak ngunit mabilis ang naging kilos niya para bawiin ito.

"Don't touch me! Leave!" sigaw nito sa akin. Natigilan ako. Hindi ko kayang iwan siya dito, knowing na balak yata niyang magpakamatay. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang dalawang kamay at ikinulong iyon sa akin.

"Tama na yan, Liv!" malakas kong sigaw.

Tumitig siya sa akin at tila biglang bumalik sa wisyo, kusa rin niyang binitawan ang patalim na inagaw sa'kin saka pabagsak na naupo sa sahig nang kaniyang silid. Ilang beses ko siyang sinubukang kausapin ngunit tulala lang siyang deretso ang tingin. Ani mo'y hindi niya ako naririnig o nakikita. Ikinalma ko ang aking sarili, dahil hindi makakatulong sa sitwasyon ang pagpapanic.

Una kong hinagilap ang first aid kit at sa wakas ay natagpuan ko iyon sa gilid ng basag na salamin nang kaniyang banyo. Tulala parin ito hanggang sa matapos ko siyang gamutin kaya inalalayan ko muna siya hanggang makahiga. Pagkatapos ay sinimulan ko ng alisin ang katawan ng kawawa niyang aso sa kisame.

"Sino ba ang walang puso na gagawa nito? Buhay na buhay kapa kaninang umaga ah! Kawawa naman ang amo mo mukhang hindi niya nakayanan ang pagkawala mo," saad ko dito kahit pa alam kong hindi naman iyon sasagot. Ibinaba ko ito mula sa pagkakasabit sa kisame at piniling ibalot nalang muna sa puting tela. Nilinis ko na rin ang mga basag na salamin sa sahig nang banyo. Matapos iyon ay saka ako bumalik sa silid ni Liv na tiim bagang at naka pikit ang mga mata.

STUNNED Where stories live. Discover now