Chapter NINETEEN

244 53 2
                                    

Hindi mawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Doc. Robert kanina. Hanggang ngayon, pinagtatagpi-tagpi ko parin ang mga kaalamang nakukulekta ko pamula pa nuon. Hindi pa man ako nakakasigurado kung sino at ano ang kalaban ko dito ngunit may kutob akong hindi lang ito nag-iisa.

"Thana," I murmured. Although I'm not precisely sure what Noah means by it, based on what Doc, Robert, told me, it sounds like a very significant matter. The Latin term for death is thana. This must be the name of a group if it is not the name of an individual. Which adolescents are being used as lab rats by a gang that is producing unidentified medications. crazy. However, they have already selected their courses and seem to be primarily Young Ville students. The abductor will be dispatched down here to apprehend them once they're ready, as they resemble a walking puppet. Unfortunately, Noah was not only sedated but also selected incorrectly.

"I'm here to talk." It's remarkable that his voice became more composed when he said,

"Well, I do not like talking, particularly with you."

"Well, there's nothing to choose from." Kumunot ang nuo ko.

"What do you mean I don't have a choice-" I'm not yet done talking when I felt a sudden pressure on my neck and I'm very sure it wasn't the correct spot of my pressure point. My nausea begun shaking and a severs headache are leading me to believe that someone's behind me and injected me with anesthetic.

"F*ck you Waxton," I curse before I loss all of my consciousness.

***

THIRD PERSON POINT OF VIEW

13 years ago...

"1...2...3... smile!" kasabay ng nakakasilaw na ilaw mula sa camera ay ang pagbusangot ng pitong taong gulang na batang si Noah. Nakakalong ito sa binti ng kaniyang Papa na ngiting-ngiting nakaharap sa kaniyang kapatid na si Julius na siyang kumukuha ng larawan.

"Anak naman bakit ka nakasimangot," tanong ng nanay niyang nasa isang gilid at masayang nakatingin sa mag-ama.

"Papa kasi sumama kana po sa amin. Sabay-sabay na tayong umuwi sa probinsiya," pamimilit ng batang si Noah. Nagkatinginan ang mag-asawa bago naupo sa harap ng bata at masinsinan itong kinausap.

"Anak susunod din si Papa. Mauuna lang muna kayo ni Mama umuwi okay? Pangako pag-uwi ko mas mapapadalas na ang paglalaro natin ng basketball," paliwanag ng ama nito. Wala namang nagawa ang bata kundi ang sumunod sa mga magulang. Ilang saglit lang ng biglang bumuhos ang malakas na patak ng ulan. Nasundan iyon nang malalakas ding kulog at kidlat na nag papanginig sa katawan ng batang si Noah.

"Papa natatakot po ako!" iyak ng batang lalaki saka mahigpit na yumakap sa bisig ng ina.

"Shh, wag kang matakot anak nandito lang si Papa," pag-aalo naman ng lalaki.

Dahil nga sa lakas ng ulan ay inabot na sila nang dilim sa gilid ng waiting shed kung saan nag-aabang sila nang masasakyang bus patungong probinsiya. Kalaunan naman ay may dumaan narin kaya't maluha-luhang nagpaalam ang batang si Noah sa kaniyang ama.

"Papa sumunod ka huh," pahabol pa nito na sinuklian ng ama nang isang masiglang ngiti at tango.

"Pangako ni Papa," sabi ng lalaki saka iginaya papasok nang sasakyan ang kaniyang mag-ina. Sa bintanabay agad na sumilip si Noah at walang humpay na kumaway hanggang sa nawala nalang ang sasakyan sa kaniyang paningin. Kagat niya ang labi sa pagpipigil ng luha. Hindi matukoy ng lalaki ang emosyong nararamdaman gayong bukas na bukas rin ay balak rin naman niyang sumunod.

STUNNED Where stories live. Discover now