EPILOGUE

301 54 10
                                    

"Sigurado kana ba sa desisyon mo Liv?" Ulit na tanong ni Julius na sa wari ko'y pang anim na.

"Oo nga, kaya ko na okay?" Saad ko saka inirapan siya.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang isama si Hunter?" Giit nanaman nito.

"Ayuko Julius mangungulit nanaman yun eh. Saka ayuko ng maingay sa byahe." Sagut kong muli. Pinadaan naman nito ang mga daliri sa buhok at tila frustrated na ewan.

"Kahit kailan talaga ang pasaway mo, pareho kayo niyang si Primative kunti nalang pag-uuntugin ko na kayo." Anito sa inis na tono. Natawa naman ako dahil duon at hindi maiwasang mapailing.

"Relax okay? I'll call you when I get there." Humarap ito sa aking kunot ang nuo.

"Kelan ka babalik?" Tumaas ang kilay ko.

"Two days, I just need to visit the company, that's all. Babalik din ako agad."

"Tsk, bakit ba kasi kailangan pag bisitahin yun? Anong ginagawa ni Ricardo?"

"Julius lawyer si Tito Ricardo pinamahala ko lang sa kaniya ang company dahil nagtatago ako. Mabuti naring kinupkop pala niya si Primative at siya ang humawak nuon." Sabi ko naman.

"Alam mo naman kasing delikado pa Liv pumayag kapa sa kapatid mo na yan. Wala pang nahuhuli sa mga Dark kaya hindi pa alam kong safe kana ba talagang umalis." Bumuga ako ng hangin dahil nakukulitan na talaga ako sa kaniya.

"Julius, ikaw na nga ang may sabi na baliw ang kapatid kong iyun. Tingnan mo nga itong hideout daig pa ang palasyo ng presidente sa dami ng security guard. Malamang sa Manila mas madami pa." Sa huli ay wala narin naman siyang nagawa kundi ipag buhat ako ng bag na nilamnan ko ng mga damit at ilang gamit nakakailanganin ko.

"Kaya mo na ba talaga mag maneho?" Tanong niya na ikinatango ko agad.

"Oo nga."

"Tsk, sige na mag-iingat ka tumawag ka pag nasa Manila kana." Sabi pa nito pero imbis na sumagot ay niyakap ko nalang siya ng mahigpit.

"Aminin mo nalang kasi na overprotective kana sakin." Biro ko sabay suntok sa balikat niya.

"Kapal mo naman masyado." Ngumiti ang sulok ng labi ko sa pagiging denial niya.

"Sus diba nga sabi mo, I'm sorry anak. Sige itanggi mo pa." Sumama ang tingin nito sa akin na ikinatawa ko.

"Umalis kana nga Olivia pinapainit mo ang ulo ko!" Hiyaw nito na may pag hampas pa sa hood ng sasakyan. Tumatawag pinaandar ko ang sasakyan at pinanuod nalang siya sa rearview mirror. Bakas ang pag-aalala sa mata nito na tila humahaplos naman sa puso ko.

"Tama ka nanaman Noah mukhang magkaka instant Daddy na ako. Hay! I'm sure maiinggit nanaman si Tito Ricardo." Natatawang turan ko saka pinaharurot ang sasakyan.

Papunta ako ngayun sa Manila para bumisita sa kumpaniya. Isang taon narin naman kasi ang nakalipas mula ng basahin ko ang liham ni Noah sa burol. Isang taon narin ang nakalipas mula ng simulan kong tanggapin ang mga tao sa paligid ko Including Prim. Hindi naging madali, lalo na pagdating sa kaniya dahil hindi ko dati matanggap na isa siya sa dahilan kung bakit nagpatiwakal si Mama. Pero napag isip-isip kong hindi naman niya kasalanan iyun. I also found out na hindi ni Tito Ricardo inalis ang pangalan ko bilang may-ari ng company sa halip ay ipinahawak lang niya ito kay Prim. Hindi ko man ini-expect pero walang naging reklamo duon si Primative. Sabi niya, she only need is to have the position inside the company kahit pa nga daw vice president lang. Gusto lang daw niya ay makaahon sa hirap. Isa pa siya din ang tumulong kila Julius ng ma-ambush sila ng Thana's during our mission na fortunately ay nabulilyaso. Her team are the one who convince the police force and even the people for our innocence. Binuking at binaliktad lang naman niya si Dean Ramirez sa polisya. Inilantad nito ang pagkakasangkot niya sa Thana's. Sa huli napaamin din si Dean dahil sa kaniya mapupunta ang patong-patong na kaso. Anton said that he has a tracker which can be explosive. Malamang ginawang panakot ng Thana's iyun kay Dean para sundin ang lahat ng kanilang gusto.

STUNNED Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum