Chapter THIRTY-FOUR

272 52 11
                                    

Nagising akong puno nga luha ang mga mata, hindi ko na rin pinigilan pa ang paghagulhol at hinayaan ang sarili kong isigaw lahat ng sakit. Those dreams feels like reality na tila nararamdaman ko pa ang mga halik ni Noah sa labi ko. His embrace are imprinted to my soul at alam kong hinding hindi ko makakalimutan.

"Liv." Julius rush inside my room at nakasunod sa kaniya ang nag-aalalang si Hunter at Waxton.

"Hey Liv what happened?" Julius ask kaya't hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Umandar nanaman sa utak ko ang mga huling salita ni Noah sa aking panaginip dahilan upang ako mismo ang yumakap kay Julius ngayun.

"Si Noah, napanaginipan ko si Noah." Iyak kong sigaw at ramdam ko ang pag-aalo niya sa akin.

"Tahan na Liv." Waxton said while patting my head.

Hinayaan ko naman ang sarili kong maging kalmado sa ganitong pwesto. Dinamdam ko at pina ulit-ulit ko rin sa isip ko ang panaginip na iyun. Sinikap ko tanggapin at ipaalala sa sarili lahat ng bilin ni Noah. Dahil kahit wala na siya gusto kung ipakita sa kaniya na inayus niya ako sa pangalawang pagkakataon.

Nagising nalang ako pasado alas dos na ng tanghali. Wala na rin sila Julius sa kwarto ko at mukhang nakatulog ako sa bisig niya kanina. Huminga muna ako ng malalim bago bamangon at kinumpuni ang sarili. Deretso kung tinahak ang banyo at naligo duon.

Paglabas ko, gulat na si Hunter at Waxton ang sumalubong sa akin. Kapwa silang nakalapag sa sahig at naglalaro ng chess.

"Liv, aalis ka?" Hindi ko alam kung bakit may halo ng lungkot at takut sa boses na iyun ni Waxton. Lalo na ng pasadahan niya ng tingin ang kabuoan ko. Naka suot lang naman ako ng itim na hoodie at puting pantalon ngunit halata yatang paalis ako dahil sa sapatos kung suot.

"Oo, pwede mo ba akong ipagmaneho?" Sagot ko naman na ikinakurap-kurap nilang dalawa.

"Ah- oo naman saglit magbibihis lang ako." Tumayo agad ito at pumasok sa kwarto niya kaya naupo na muna ako sa single sofa.

"Ah may gusto ka bang kainin Liv?" Tanong ng hindi mapakaling si Hunter. Simpleng ngiti ang iginawad ko sa kaniya bago tumango.

"Oo, mansanas lang sana." Ani ko na ikinatango agad niya. Sa bilis ng kilos niya ay kamuntikan pa itong matumba kaya napailing nalang ako.

Wala pa namang sampong minuto ay nakalabas na si Waxton. Naka V-neck shirt lang siya ng puti at pantalon. Sa kamay naman niya ay ang susi ng kotse.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong nito ngunit bago pa ako makasagut ay patakbong lumapit si Hunter bitbit ang hugas na mansanas sa platito. Dinamput ko iyun at agad na kinagatan.

"Salamat." Ani ko na ikina gitla nanaman niya.

"Sasabihin ko nalang sayo ang daan mamaya." Baling ko kay Waxton saka nauna ng lumabas sa kaniya.

Buong byahe ay tahimik lang kami. Hindi siya nagtanong o nang-usisa manlang kung bakit ko naisipang lumabas. Nababasag lang ang katahimikan sa tuwing ituturo ko ang daan na lilikuan namin. Matapus ang halus isang oras na byahe ay nakarating kami sa burol kung saan nakalibing si Isla.

"Can you stay here?" I asked Waxton at walang pag aalinlangan itong tumango.

Umakyat ako ng burol na hindi rin naman kataasan. Sa tutok nuon ay may malaking puno ng mangga. Duon ay hinanap ko ang malaking ugat na ginagawa kung upuan tuwing tumatambay ako dito. Napangiti naman ako ng makita iyun at agad na naupo. Hinaplus halos ko pa ang patong ng mga bato tanda sa pinaglibingan ko kay Isla.

"Walang pinagbago ang tanawin Isla." Hindi ko maiwasang ibukang bibig dahil nakakamangha naman talaga ang nakikita ko. Mula sa burol ay tanaw na tanaw ko ang malawak na hanay ng sunflower sa baba. Sakto pa na may bulaklak ito ngayon kaya lalong kitang kita ang ganda.

STUNNED Where stories live. Discover now