Chapter TWENTY

262 54 9
                                    

"Tito! Bakit hindi mo agad sinabi?!" malakas na hiyaw ni Noah kay Julius.

"You can't run from this Noah," anito naman ng isa. Parang batang nagdadabog naman itong si Noah at nagpalinga-linga, tila may hinahanap sa paligid. Dahil alam ko ang tumatakbo sa utak niya ngayon, dinampot ko ang nakalukot na dyaryo sa aking tabi at iniabot sa kaniya.

"Thanks, Liv," sambit ni Noah at sapol sa mukhang ibinato ang dyaryo kay Julius.

"Liv!" pikong angil ng matanda kaya nag cross arms lang naman ako at inirapan siya.

"Pasalamat ka nga dyaryo lang yan e," bulong ko.

"Ano bang kinapuputok ng butsi mo Noah!" baling nito sa pamangkin na tila balisang balisa na ngayon.

"Tito, I told you, I wasn't ready." Hinilot ni Julius ang sintido dahil sa frustrationg binibigay ni Noah. Kahit ako, nagtataka na'rin kung bakit iniiwasan niya ang interview. Paano namin malalaman ang nagyari sa kanila ng mawala sila sa camp kung hindi siya makikisama sa mga pulis? But I don't want to complain, since I am not certain for what really happened to him at the hands of the Thanas. His a fragile man and I'm afraid, something might happened to him which causes him to act like this.

"Hey Noah, relax." Pagpapakalma ni Waxton na agad kong sinigundahan.

"Yeah, you better be relax kung ayaw mong saksakin ka anesthetic ni Waxton."

"Sorry na nga diba," giit nito. Pinili kong hindi na makipag talo pa at hinigit na si Noah palabas ng campus. Katatapos lang din kasi ng klase at nagkita-kita lang kami ngayon dito sa may gate.

"Kainis talaga 'yong matandang 'yon," pahabol na bulong ni Noah habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse.

"That is true," pagsang-ayon ko. Bago pumasok ay nilingon ko muna ang gate at mukhang matatagalan pa sila Julius dahil kakausapin pa nga daw nila si Dean. Kinagat ko nalang ang labi nang mapansin ang pag harang ng palad ni Noah sa aking uluhan upang hindi ako mauntog sa aking pag pasok.

"Noah, sigurado kaba sa nakita mo sa cafeteria bago ang explosion?" tanong ko ng makapasok na kaming pareho sa backseat ng kotse ni Waxton.

"I'm sure, Liv. It was her, Rebel," he said making me jolted from my position. Siya ba ang may kagagawan ng explosion?

"Teka, paano ka nakakasiguro Noah," giit ko pa.

"I told you, she looked exactly like you. Medyo payat nga lang siya saka mas mababa ng konte, mas maganda rin ang hanay ng kilay mo at may maliit na taling ka sa sintido, siya wala, pero the rest wala nang pinagkaiba." Natahimik ako. Hindi ko mawari kung bakit nabingi ako sa mga sinabi niya. Pasimple ko pang kinapa ang dibdib at talagang nagwawala ito.

"Liv," kinabahan ako sa tawag na iyon ngunit agad ding nawala nang sulyapan ko siya. Nakatulala ito sa labas habang nakahalumbaba. 

"Natatakot ako, Liv," aniya.

"However, you are aware that you can't escape this, right? Like what I've wanted to do for the last sixteen years," I sighed. The silence persisted until I interrupted it.

"Noah, I wanted to apologize for what happened to your father. I know it was all my responsibility, and I will never be able to argue with that, but I truly regret. If I could go back in time, I would rather kill myself and save your father—"

"Stop it, Liv. Wala ka namang kasalanan. Nadamay kalang rin," putol niya sa akin ngunit hindi iyon nakapag pagaan ng pakiramdam ko.

"If only I could think that way." Bigla itong humarap sa akin at pinagkatitigan ako.

"Liv, wala kang kasalanan, okay? Bata kalang nuon, anong alam mo sa takbo ng mundo. At hindi ganuon kakitid ang utak ko para sisihin ka. I'm sorry kung ilang araw akong lumayo sayo. Nabigla lang ako, pero hindi ibigsabihin nuon na sinisisi kita," aniya na mukhang kalmado na kumpara kanina.

STUNNED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon