Chapter 12

115 2 0
                                    

Phillip's pov

Buong araw ay naka buntot sila Thunder sa akin pati sila Oniel ay nag tataka na rin kung bat palaging sumusunod sa amin ang mga toh

Buong araw ko rin di nakita si Kristan kaya medyo nakahinga na rin ako ng maluwag dahil don at buong araw ay tahimik lang ako kaya nag taka na rin ang mga kaibigan ko

"Anyari sayo Phillip? Bakit parang malalim ang iniisip mo?" tanong ni Mike sa akin, umiling lang ako bago dumukmo sa lamesa rito sa may library kung saan tambayan namin mag kakaibigan

"Pupunta ka ba sa work mo?" tanong ni Alisha

"Oo kaylangan eh, at isa pa baka matanggal na rin ako don dahil ilang araw na akong absent at walang pasabing di papasok" sagot ko sa kanya

"Hmm kung ganon halika na. Mag gagabi na oh" tumayo na kami at lumabas ng library ng masalubong namin si Joar

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"Pinapasabi nya nga pala kaylangan mo na mag resign sa work mo" sagot nya kaya nanglaki ang mata ko

"Ano!!! Hindi pwede yon" inis na tutol ko sa kanya

"Pero sya ang nag sabi--- Bakit ba nangangailam ang kaibigan mo sa buhay ko?? Nanahimik lang naman ako ah, nag aaral lang ako pero ngayon ano? Anong napapala ko ngayon? Nagiging sunod-sunuran ganon?" inis na dagdag ko pa at pag putol sa sasabihin nya

"Phillip alam mo naman yon diba? Kapag sumaway ka baka di mo magustuhan ang maging parusa mo" sabat ni Dexter na syang ikinaputla ko naman

"Teka nga, kanina pa kayong tatlo sumusunod sa amin. Ano bang kaylangan nyo ha??? Pati si Phillip dinadamay nyo?" tanong ni Oniel

"Pare ayaw namin ng gulo kaya pabayaan mo na kami, trabaho lang namin ito kaya hwag ka nang makisawsaw pa" sagot ni Thunder sa kanya

"Kaibigan ako ni Phillip kaya may karapatan akong pangailam" diing banggit ni Oniel sa mga toh at masama ang tingin na pinukol nito sa kanya

"Fine!!" inis na sigaw ko bago mag lakad papalayo sa kanila

"Phillip!!!" tawag nila sa akin pero di ko sila pinansin at nag lakad nalang papaalis

Napag pasyahan ko nalang na pumunta sa cemetary para dalawin ang mama at papa ko. Ang totoong mga magulang ko

Pumunta muna ako sa flower shop para bumili ng white rose at bumili na rin ako ng kandila

Nag para na ako ng masasakyan ko at tinungo ang cemetary kahit mag gagabi na

Pag punta ko sa cemetary ay pinuntahan ko agad ang puntod ng mga magulang ko

Lorien Estrada-De Guzman
Alvin De Guzman

Yan ang nakasulat na pangalan ng mga magulang ko

Hindi ko pa nakikita ang taong pumatay sa mga magulang ko para mag higante. Ang sabi ni tita Clarisa sa akin ay mag asawa daw ang pumatay sa mga toh at parehas pa na lalaki tss

Naiinis ako kapag naaalala ko yon di ko maatim na di magalit. Dahil sa kanila nawalan ako ng magulang. Dahil sa kanila nangulila ako ng maaga

Hindi ko namalayan na gabi na pala at 7:00 pm na rin pala medyo nakakatakot dito sa lugar na toh dahil Cemetary

"Mom, dad i have to go. I promise bibigyan ko kayo ng hustisya kung sino man ang gumawa sa inyo nito" paalam ko sa mga magulang ko

"I loge you mom, i love you dad. I miss you both" bulong ko at naramdaman ko nalang na may humihip na hangin papunta sa akin na animoy niyayakap ako

Di ko namalayan na lumuluha na pala ako dito kaya napag pasyahan ko na ring umalis

Pero sa pag alis ko ay sya namang pag buhos ng malakas na ulan ngayon

'Tss malas talaga oh'

Nag lakad nalang ako kahit na basa na ang damit ko mabuti water proff ang bag ko kaya di nababasa ang mga gamit ko at mabuti nandito sa loob ang wallet at callphone ko

Sa pag lalakad ko ay medyo nahihilo na rin ako dahil sa hinaba ng nilakad ko at dahil malakas na rin ang ulan kaya nilalamig na ako

Nag lakad pa ako ng nag lakad hanggang sa may kotseng naaninag ako dahil sa ilaw na tumatama sa muhka ko

Nawalan na ako ng malay dahil sa kahinaan ng katawan at lamig

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now